Chapter 39 | BOND

471 19 1
                                        

Chapter 39

Halos dalawang oras kaming nagbiyahe at narito na kami ngayon sa Manila Ocean Park. Nang maipark na ni Carson ang kanyang sasakyan ay nagsimula na kaming mamasyal. Nasa gitna ako ng mga anak ko habang hawak nila ang magkabilaang kamay ko. Si Carson naman ay nakasunod lang sa amin sa likod.

Hindi naman maipatid ang tuwa sa mga mata ni Mikey dahil ngayon lang ito nakapunta dito. Kasalukuyan naming nilalakad ang curved walkway tunnel. "Mimi! Look at that fish sooo... Huge!" Namamanghang wika ni Mikey sa akin habang tinuturo nito ang malaking isda.

Samantala nagselfie naman si Bruce kasama ang kanyang ama. Nang napatingin sila sa gawi ko ay na-awkward-an sila sa akin kaya napatingin na lamang sila sa ibang direksyon.

"Mimi! Let's selfie together!" Mikey said. Hinila nito ang kamay ko papunta sa kinaroroonan nina Carson.

Wala namang imik si Carson ng makalapit kami. Nakisuyo naman si Bruce sa dalawang couple na napadaan para kuhanan kami ng picture.

Tinulak naman ako ni Mikey palapit sa kanyang ama. Halos mapasubsob pa ako sa dibdib ni Carson. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Nagulat ito ng bahagya at awkward na tumingin sa akin. Habang ang anak ko namang si Bruce ay ngising-ngisi sa nakita.

Naiilang naman akong ngumiti ng kuhanan na kami ng picture. Nakakailang kuha pa lang kami ay naramdaman ko naman na unti-unting gumagapang ang kamay ni Carson papunta sa aking balikat.

Pinabayaan ko na lamang ito.

"Smile!" Wika pa ng babae na kumukuha sa amin ng litrato.

Nakatingin naman sa akin si Carson. "Oh, smile daw Bea." Ani nito sa akin. Inisnaban ko na lamang ito.

Dahan-dahan naman akong ngumiti sa harap ng phone.

"Oh, what a cute family. Sana ganyan din tayo kapag mag-asawa na tayo, mahal." Komento ng babaeng kumuha sa amin ng litrato bago binigay kay Bruce ang phone.

"Ang sweet sweet nila. Bagay na bagay." Komento naman ng lalaking nobyo nito.

Napatingin naman ang ibang tao sa kinaroroonan namin. Nakangiti ang ilang kabataang nakatingin sa gawi namin.

Ngayon ko lang napansin na naka-akbay pa rin pala si Carson sa akin.

"Just stay like this..." Narinig kong sabi niya. "For awhile, please."

Wala naman akong magawa kundi ang magpatianod na lamang sa kanya.

"Nakakainggit sila no?, Mapapa sana all na lang talaga tayo." Ani naman sa asawang babae.

"Yes, I love my wife." Tumingin ito sa akin bago nagsalitang muli. "She is my everything."

Napa 'aw' naman silang dalawa, kinilig pa yata ang ibang nanonood sa amin.

Feeling ko ngayon ay pulang pula na ako. Tiningnan ko ang dalawang anak ko. Nakangiti rin ang mga ito.

Sana nilamon na lamang ako ng lupa sa mga oras na ito.

"Thank you po." Ani ni Bruce, umalis na rin ang dalawang magjowa ang iba namang taong nanonood sa amin kanina ay bumalik na sa kani-kanilang business.

Hindi pa rin tinatanggal ni Carson ang pagkakakapit ng braso nito sa aking balikat.

"Pwede ba Carson, bitiwan mo na ako." Reklamo ko sa kanya.

Pero ang loko ay wala yatang narinig. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakakapit sa balikat ko.

"Bibitawan mo ba ako o sisigaw ako dito?!" Pagbabanta ko sa kanya.

Tumingin muna ito sa akin saglit at dahan-dahang tinanggal ang kanyang braso. Natakot yata sa pagbabanta ko sa kanya.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon