Chapter 49
"Bruce..." I saw him standing behind the doorway.
Nagulat siya ng makita ako pero agad ding nagbago ang expression nito.
Lumapit siya sa amin at isa-isa kaming tiningnan hanggang napako ang tingin niya sa akin.
Kaharap ko na ngayon ang anak ko na halos ilang taong ko ring hindi nakita. Gustong-gusto ko siyang lapitan at ikulong sa mga yakap ko, pero nanigas lang ako sa aking pagkakatayo.
"What are you doing here?" Agad niyang tanong.
"Gusto kang makita ng nanay mo." Si Nicole ang sumagot sa tanong niya.
Napagawi naman ang tingin ni Bruce kay Nicole.
"Ninang nagpumilit ba siyang pumunta dito?" Tanong niya kay Nicole. Alam kong ako ang tinutukoy niya. "I don't still remember her. Wala po kayong mapapala dito umalis na kayo." Salubong na kilay na sabi sa amin ni Bruce.
"Bruce stop that!" Awat naman ni Alexander sa kanya.
"Shut up Alexander!"
"You shut up!" Bawi naman ni Alexander sa kanya.
"Why don't we all shut up?!" Sigaw naman ni Mikey sa kanila.
Napatigil naman ang dalawang binata nang pumagitna si Mikey sa kanila.
"Really big bro? Hanggang kailan mo sasaktan si Mimi?" Parang hindi makapaniwalang sabi ni Michael sa kapatid. Nakakuyom pa ang mga maliliit nitong kamao na para bang sasaktan na niya ang nakakatandang kapatid. "Hindi ko hahayaan na sasaktan mo na naman siya. Hintayin mo akong lumaki, bubugbugin talaga kita."
Ngumisi lang si Bruce at tiningnan ang kapatid. "Hindi ako pumapatol sa bata, at lalong lalo na sa kapatid ko."
Napayuko si Mikey bago tumingin sa akin. "Look at her." Turo sa akin ni Mikey. "Mimi suffered a lot, stop it please."
"I saw how Mimi has suffered since you left us and joined Carson. You don't know what hardship she's been through since you disappeared from us. I witnessed all her suffering." Nakita kong lumuluha na ang anak ko.
Gigil naman si Bruce na nilapitan si Mikey. "I also saw how Dada suffered!" Tumingin ito sa akin na nanlilisik ang mata. "Araw-araw ko siyang nasaksihan na lagi na lang umiiyak, naglalasing, ni hindi na kumakain dahil sa nangyari sa pamilya natin. Wala kang alam Mikey! Wala kayong alam. Durog na durog sa panahong iyon si Dada!...
...Matagal na siyang nagdusa. Nasaksihan namin ni Alexander ang lahat. Kami ang tumulong sa kanya para muli siyang bumangon. Kaya huwag mo akong sumbatan." Bumaba ang tingin nito.
Natigilan ako, hindi ko akalain na umabot din pala sa puntong iyon si Carson.
Paano niya nalampasan ang lahat ng ito na siya lang ang mag-isa?
"Kaya tama ang naging desisyon ko noon na iwan kayo at sumama kay Dada. Para tulungan siyang makabangon."
Lumapit naman si Nicole sa akin at inakbayan ako para bang sinasabi niya na nandodoon lang siya nakasuporta sa akin.
Nanatili lang akong pipi na pinapanood ang mga anak ko.
"Okay na po ba siya?" Ani naman ni Robbie na nakikinig lang sa dalawa niyang kapatid.
Pumunta naman si Bruce sa bunsong kapatid nito at ipinagtapat ang kanilang taas.
"Yes Robbie, huwag kang mag-alala hindi unti-unti ng bumabangon si Dada ulit." Hinawakan nito sa pisngi ang kapatid.
"I know this so gay, this is the first time we've met. Can I hug you kuya?"
Tumango ito at ngumiti. "Yes."

BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...