Chapter 48
"Ano ang nangyari nakita ba sila ni Carson?" Tanong ko agad kay Nicole nang makarating ako ng bahay niya.
"Relax. Hindi niya kami nakita pero ang anak mong si Robbie muntikan na talagang tumakbo papunta sa ama niya. Buti na lang at napigilan ni Mikey." Sagot nito sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
Kung nandito na siya ulit sa Pilipinas posible kayang kasama niya si Bruce na umuwi?
"Nicole, kailangan kong matawagan si Mama. Itatanong ko sa kanya kung kasama ba ni Carson na umuwi si Bruce."
Tumango naman ito. Dali-dali akong nagdial at tinawagan si Mrs. Portland.
[Bea.] Ani nito sa kabilang linya.
"Mama umuwi na po si Carson. Bumalik na po sila dito."
[Yes hija, he's back. Alam kong itatanong mo iyan sa akin kasama niya umuwi si Bruce at Alexander pabalik diyan. Do you want to meet him?]
"Mama, please pwede po ba?"
[Oo naman Bea, I'll give the address kung nasaan sila ngayon. Puntahan mo na ang anak mo. Pakisampal na rin si Carson sa akin.]
"Maraming salamat po Mama."
[No problem Bea, hindi ka na iba sa akin. I'm still your mother after all.]
Ngumiti ako sa huling sinabi ni Mama. Kahit matagal na kaming hiwalay ni Carson ay hindi nagbago ang turing nito sa akin.
Maya-maya lang ay na-received ko na ang address nila dito sa Pilipinas nang maipadala na ito ni Mama.
"Nicole nakuha ko na." Balita ko kay Nicole nang makabalik ako ng sala. Nakikipaglaro ito kina Robbie habang tumatawag ako kay Mrs. Portland kanina sa labas.
Lumingon naman sa akin si Nicole bago kinuha ang address na naka-indicate sa phone. "Pupunta ba tayo ngayon? Malayo-layo ito baka abutin tayo ng gabi sa daan. Hapon na rin." Ani naman ni Nicole sa akin.
Humugot na lang ako ng hininga. Gusto ko talagang makita ang anak ko ngayon. Miss na miss ko na talaga siya ngayon. Kumusta na kaya siya? Ano na kaya ang itsura niya ngayon?
Hinila ako ni Nicole sa kusina para hindi marinig ng dalawang bata ang pag-uusap namin.
"Bea, alam kong nangungulila ka sa anak mo. Pero please, pwede bang ipagbabukas na lang muna natin?"
Parang hindi ko na yata kaya kung ipagbukas pa gusto ko na talagang makita si Bruce.
Hindi ko naman namalayan na nakalapit na si Robbie sa amin.
"Mimi, let's go we're going to arcade now remember?" Hila nito sa aking kamay.
Oo nga pala nangako ako sa mga anak ko.
"Bea, bukas na lang... Sasamahan kita." Ani ni Nicole sa akin. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.
"Let's go Mimi!" Aya naman sa akin ni Robbie. Hinihila na ako nito pa labas ng bahay.
"Hindi na ako sasama sa inyo papunta sa arcade. Hahayaan ko na kayong tatlong magbonding. Basta bukas sasamahan kita." Sabi ni Nicole sa akin ng ihatid niya kami sa pinto.
"Sige. Salamat Nicole." Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya.
Sumakay na kami ng aking sasakyan at pumunta sa isa sa mga malapit na mall dito.
Nang makarating kami ay agad na tinahak namin ang arcade zone. Masaya namang naglaro ang dalawa kong anak sa ibat-ibang games dito. Habang ang isip ko ay lumilipad sa panganay kong anak.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...