Chapter 35
Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ni Mikey. Gusto kong hilain ang anak ko na kaharap niya na ngayon sa mesa para hindi ito makita ni Carson pero wala na akong magagawa, it's too late. Nakita na niya si Bruce.
Nagulat naman ako ng may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay si Nicole, bakas sa mukha rin nito ang pagkagulat ng makita ang kinaroroonan nina Bruce at Carson.
Tsaka ko napagtantong kasama ko pala si Mikey, hindi pala alam ni Carson ang tungkol sa bata. Kinakabahan ako baka makita niya kami dahil halos malapit lang kami sa kanya.
Agad akong hinigit ni Nicole papalayo sa kinaroroonan namin.
"Naloko na Bea, si Carson ano na ang gagawin natin?" Ani nito.
Humugot muna ako ng malalim na hininga, napapikit pa ang aking mata. "Nicole, pwede bang ilabas mo muna si Mikey? Natatakot akong makita siya ni Carson." Kinakabahan kong wika.
Si Mikey naman ay matamang nakikinig lang sa amin habang nakakunot ang noo. Napatingin pa ito sa gawi nina Bruce.
"Who's with big bro?" Ani nito.
Agad naman akong napalingon sa anak ko. Pinaharap ko ito sa akin para hindi niya makita sina Bruce. Inagaw naman sa akin ni Nicole si Mikey at hinawakan ito sa balikat.
"Hey, Mikey do you want some ice cream? I'll buy you. Tara sama ka sa akin." Ani ni Nicole hindi ito nagpahalata na kinakabahan din siya.
Umaliwalas naman ang mukha ni Mikey sa sinabi ng ninang nito.
"Ice cream. Okay, Mimi sama lang ako saglit kay ninang." Ani nito sa akin.
Nginitian ko naman ang anak ko at hinawakan ang pisngi nito. "Sige anak." Lumingon naman ako kay Nicole. "Nicole ikaw muna ang bahala kay Mikey." Saad ko sa kanya.
"Sige, tawagan mo na lang ako ha." Ani nito. Nagmamadali na silang umalis. Mabilis akong tumango.
Nakahinga na ako ng maluwag ng hindi ko na makita ang dalawa. Pumikit ako ng madiim bago tinungo ang kinaroroonan ng anak ko.
"Mimi." Tawag sa akin ni Bruce nang tuluyan na akong makalapit sa kanila.
Mula sa kanyang likuran ay unti-unting lumingon si Carson.
Napahinto siya ng makita ako.
God! Carson deeply stared at me, like he's memorizing all the features of my face. Parang hindi pa siya makapaniwala sa nakikita ng sariling mga mata.
"Beatrice..."
Ngayon na lang niya ako tinawag ulit sa buo kong pangalan. Pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Dapat hindi na ako nakakaramdam ng ganito.
Tiningnan ko ang mga mata ni Carson I saw joy in his eyes.
I composed myself para hindi ako mahalata.
"Oh, hi hindi ko aakalain na magkikita tayo dito." Pinilit kong magpakaswal. "I'm sorry, but we need to go, come on Bruce." Hinila ko na sa kamay ang anak ko, pero hindi pa rin ito nagpatinag at nanatili sa kanyang pagkakaupo.
"Bruce...." Pamimilit ko dito.
"Mimi, can I talk to Dada for awhile?" Pagsusumamo nito sa akin.
"No Bruce we need to go." Sabi ko dito, ayoko munang makaharap ni Carson ang anak niya.
"But we haven't eaten yet." Pagmamaktol nito sa akin.
"Come on Bea, let me talk to my son." Sabat naman nito.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...