Chapter 45 | CHOICE

417 24 1
                                        

Chapter 45

Napabalikwas ako ng upo ng marinig ko ang phone ko. Sobrang nagulat talaga ako. Nang makita ko ito ay agad kong kinuha tumatawag sa akin ang mga anak ko.

Agad ko itong sinagot.

"Hello."

[Mimi, where are you?] Si Mikey ang sumagot.

"Michael may pinuntahan lang ang Mimi mo. Uuwi na rin ako anak."

[Geez. It's already morning, saan ka ba nagpupupunta?] Malamang nag-aamok na ito sa tono kasi ng kanyang pananalita ay parang naiinis na ito.

Naramdaman ko naman na gumalaw na ang kama. Nagising na rin yata si Carson. Bumangon na rin ito ng higa.

[Hurry up! Na-miss na kita Mimi!] Sigaw pa nito.

"Oo na po." Sagot ko dito.

Hindi naman ako nito muling sinagot dahil na rinig ko na lang na nag-end call na ito.

Binabaan na ako ng tawag ni Mikey.

"Who's that?" Tanong naman ni Carson sa akin ng ibaba ko na ang phone sa aking tenga.

"Si Mikey, pinapauwi na ako."

Napatingin naman ako sa kanya at biglang nasagi sa isip ko ang nangyari sa amin kagabi.

Madiin akong napapikit ng mata.

Mali talaga ito.

Mali talaga na may nangyari sa amin.

Bakit ba ako nagpadala sa sarili ko?!

Naiinis ako ngayon.

Napansin naman ni Carson na parang hindi ako mapalagay. "Okay ka lang ba Bea?" Tanong nito sa akin.

Umiling-iling ako. "Carson, mali ito, dapat hindi ko hinayaan ang sarili ko sayo." Hinarap ko siya. "Dapat walang nangyari sa atin kagabi. Mali iyon, makikipaghiwalay na ako sayo."

"Bakit naman, mag-asawa pa rin naman tayo. Besides, nagustuhan mo rin naman ang nangyari sa atin. Hindi mo rin naman ako pinigilan." Ani nito.

Inis ko siyang nilingon. "Inakit mo kasi ako kung bakit may nangyari sa atin! God, kahit lust lang ang nangyari sa ating dalawa mali iyon Carson!"

Tumingin sa akin si Carson. "Bea, parehas nating alam na hindi lang s3x ang nangyari sa atin kagabi, we make 'love'. Kahit itanggi mo man, nararamdaman ko pa rin na mahal mo ako."

Pinalakihan ko siya ng mata. "Ang kapal naman ng mukha mo! Isusumbat mo sa akin iyan."

Nakakinis! Bakit ba kasi ako nagpakain sa tukso!? Kasalanan ko ito! Baka gagamitin na naman niya ito laban sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magiging alanganin ako sa korte.

Ang dami ko ng nagawang effort para matuloy itong annulment.

Hindi basta-basta ang makikipag-annul. Sobrang hirap ng proseso, sa pre-trial pa lang ang dami ng gagawin. Hahaluglugin lahat ng baho naming mag-asawa. At natatakot akong gamitin niya ito sa akin para matalo ako.

"Ngayon ka pa nagsisi." Dagdag pang sabi nito.

Wala akong masabi sa kanya natameme ako.

Bigla na akong naguluhan sa sarili ko ngayon, Mula noong iniwan ko si Carson, hanggang sa muling magkita kami isa lang ang gusto kong mangayari- ang tuluyan na ngang ma-annulled sa kanya.

Pero nitong mga nakaraang araw parang gumulo ang mga desisyon ko sa buhay.

At iyon ang ikinaiinis ko ngayon.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon