Chapter 27 | BURST

496 17 2
                                    

Chapter 27

"Maghiwalay na tayo, ayoko na."

"PVT*NGINA NAMAN, BEA!"

Naiinis na ito at kinamot na ang kanyang ulo, sa sobrang frustration niya.

"ARE YOU NOT DONE YET?! AKO SAGAD NA SAGAD NA AKO, TIGILAN MO NA ITO, BEA! ANG SAKIT SAKIT NA, TAMA NA PLEASE LANG, WHILE I CAN STILL CONTROL MYSELF!" Gigil nitong hinigit ang magkabilang balikat ko ulit. Ang sakit! Muli nanamang nag-aapoy ang sulok ng kanyang mga mata.

"AYOKO NA! WE'RE NOT WORKING." Sigaw ko sa kanya.

Nagawa ko ang pagkakataong iyon para maalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Sinubsob ko muli ang mukha ko sa kamay ko.

"N-no. T-That's not true. Nagsisinungaling ka lang dahil galit ka sa akin." Giit niya.

"Tanga ka ba? Alangan matuwa ako sa paglilihim mo?! Mukhang ako pa yata ang naging kabit sa inyo ni Veronica. Ako na mag a-adjust sa inyo. Nakakahiya naman sa babaeng una mong inanakan." Inirapan ko siya bago gigil na pinunasan ang naglalandas kong luha.

"Bea please... Ayusin natin to..."

Muli ko siyang tiningnan.

"Hinde! Ayoko na talaga, tama na to Carson..." Hindi ko magawang tingnan ang mukha niya ngayon dahil sa sinabi ko. Gusto ko ng tumakbo, lumayo sa kanya... Gusto ko na mawala ako dito na parang bula at matakasan ang problema na ito. "C-Carson... I'm starting to hate you. Palayain mo na ako. please tama na to...Hindi talaga natin mabibigyan ng m-masayang pamilya si Bruce... N-nasasakal na ako sa relasyon nating ito..."

Tiningnan niya lang ako. Tahimik lang siya, tanging naririnig ko lamang ang mabibigat niyang paghinga. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit dahil halos hindi na ako makahinga. Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Naramdaman ko pa na humikbi ito.

"P-parang awa mo na.... Carson?"

Tahimik ito at mahigpit pa rin akong niyayakap. Na para bang kakawala ako sa kanya. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa aking leeg. Nararamdaman ko rin ang lakas ng tibok ng puso nito.

Naiinis na ako, nahihirapan na ako sa sitwasyon namin. We both hurt each other. Gusto kong huminga sakal na sakal na ako.

Naramdaman ko na lamang ang paghaplos niya sa likod ko.

"I'm sorry, teddy bear.... Don't hate me please, bawiin mo ang sinabi mo sa akin.... H-huwag please....Ayokong marinig ang mga sinasabi mo... Parang mamamatay na ako!"

Parang napipipi na ako hindi na ako makapagsalita... Ang sakit-sakit na ng lalamunan ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak.

"Lumaban ka please... Ipaglaban mo ang pamilya natin...huwag mong hayaan na mauwi sa ganito ang lahat...para kay Bruce lang please. Ipaglaban mo ako, I'm also fighting for you..."

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakakapit ng kanyang braso sa aking likod. Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa binasag na kabinet ni Carson. Mula doon kinuha ko ang maleta at isa-isang kinuha ang mga damit ko at ni Bruce.

Hindi na talaga niya ako mapipigilan ngayon. Gusto ko ng lumayo sa kanya.

"Tama ka nga this marriage is worthless, hindi natin mabibigyan ng masayang pamilya si Bruce." Ani ko na wala sa sarili, ayoko na. Gusto ko munang lumayo sa kanya. Nakakasakal na.

"Bea... Are you l-leaving?" Nanginginig na wika ni Carson sa akin.

Tumayo ito at parang hindi alam ang gagawin, nakatulala lang ito sa akin habang nag-iimpake ako.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon