Chapter 54
Tatlong linggo na ang nagdaan simula ng maisalba kami mula sa trahedyang iyon. Mabuti naman ay wala namang napahamak sa nangyaring pagkalunod ng yacht nailigtas kaming lahat. Maliban na lang sa tatlo pang taong nawawala pa rin ngayon.
Nakapagpacheck-up na rin ako at mabuti na lamang ay hindi lumala ang lagay ko. Sabi ni Kyle ay maswerte daw akong nakaligtas sa pagka-sting ko sa stonefish na iyon. Nainjekan na rin ako ng anti-venom at inoobserbahan na lamang.
Nagdesisyon kami ni Carson na huwag na muna ipagsabi sa mga anak namin na nagkabalikan na kami baka kasi mabigla sila. Hahanap kami ng tiempo na makausap silang tatlo.
Carson and I started dating again. Pero hindi pa iyon alam ng mga anak namin.
We secretly even go to counseling to fix our decision.
Kaya naman sa araw na ito ay hinayaan ako ni Carson na kausapin ko muna ang mga anak ko.
Nung una, ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila, kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila na.
Sabado at dinala ko sila sa isang family restaurant dito na kami nagbreakfast.
"Bruce... Michael... Robert..." Simula ko sa mga anak ko.
Nakatungo naman ang tatlo kong anak sa akin.
"Noong nasa isla kami ng Dada niyo nakapag-usap kami. Isang araw kami nandoon... At sa loob ng isang araw na iyon...
...nakita ko ang effort ng Dada ninyo sa akin. Marami ang nangyari sa islang iyon. I almost died, siguro kung hindi dahil sa kanya. Hindi ko na kayo masisilayan pa." Malamlam na tingin ko sa kanilang tatlo.
"...mga anak, we're start dating again. We want to fix our relationship. We want to give you a happy family."
"And I forgave him. Pinatawad ko na siya. Binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon, The separation allowed us to own our issues and not blame one another. It gave us the freedom to grow up, heal, and find our own solid ground." Tahimik lang silang nakikinig sa akin. Sina Bruce at Robbie ay nakatingin sa mga mata ko hinuhuli ko ang reaksyon nila. Samantala namang si Mikey ay nakasimangot na nakatingin sa labas ng bintana.
Nakita ko naman na ngumiti si Bruce sa akin. "I know that Mimi. Palagi ko kayong nahuhili minsan. Matagal ko na kayong na oobserbahan ni Dada simula ng nakabalik kayo dito. Hinihintay ko lang talaga na ikaw na mismo ang umamin sa amin."
"Mimi, I'll support you. Sabi ko naman sayo diba? Kung saan ka masaya. Susuportahan kita. Kung si Dada pa rin ang nagpapasaya sa inyo. Bakit pa ba ako kokontra?" Dagdag pa ni Bruce.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Mimi, Dada and you are together again?" Kumikislap na matang sabi naman ni Robbie sa akin.
Tumango ako sa kanya at napangiti.
"Yehey! Kumpleto na tayo ngayon." Masayang wika naman nito napalakpak pa si Robbie sa kanyang sinabi.
"Are you guys getting back together just for the sake of us?" Nakakunot noong tanong ni Mikey sa akin habang naka-cross arm pa.
"Mikey, we get back together because we love and like one another and want to be together again."
Nag-iwas ito ng tingin at muling tumingin sa labas.
"I don't like him for you Mimi, sasaktan ka lang niya." Madiing bigkas nito.
"Dude! Michael." Pigil ni Bruce sa kanya. "Come on lil bro, ayaw mo bang maging masaya si Mimi?"
Tumingin naman si Mikey ng masama sa kapatid. "Don't touch me! Ayoko lang makitang nasasaktan si Mimi kaya ayoko sa kanya. Nakita kong nagdusa si Mimi dahil sa mga ginawa niya! At ano magbabalikan lang sila dahil sa atin? Dahil tatlo na tayong anak niya?" Padabog itong tumayo.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomansaHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...