Chapter 9 | NECKLACE

435 13 2
                                    

Chapter 9

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang pumunta ako  noon sa opisina ni Carson.

Hindi pa rin ito umuuwi ng bahay. Wala na yatang balak na umuwi pa ang asawa ko.

Si Bruce ay mas lalong lumala ang pagtatampo sa akin. Hindi na ako nito kinakausap at laging nagdadabog. Masakit sa akin na makita ang anak ko na nagkakaganito.

Hindi ko na kaya na makita ang anak ko na nagkakaganito kaya nang makapasok ito ng paaralan pagkahatid ko sa Grab ay nagtungo ako sa condo unit na tinitirahan niya ngayon.

Binigay ni Kyle ang address na ito nang makumpirma niya na dito nga nakatira si Carson ngayon. Bumaba na ako sa taxi at pinuntahan ko na ang building ng condo buti naman mabait ang receptionist ng condo kaya madali akong nakapasok. Tinawagan pa ito si Carson para ipaalam na pupunta ako.

"Ma'am pwede na ho nasa tenth floor po ang room nila." Sabi ng receptionist sa akin.

'nila'?

Baka kasama nanaman nito ang babae niya.

Inaasahan ko na ito. Na may makikita ako. Kinabahan ako bigla huminga ako ng malalim at tinungo nga ang room na sinasabi ng receptionist.

Nang sigurado na akong nasa tamang pinto na ako ng kwarto, muli akong huminga ng malalim.

Alang ala kay Bruce. Gagawin ko ito. Carson bumalik ka na namimiss ka na namin mahal ko.

Kinatok ko na ito. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Agad na bumungad sa akin ang babaeng nakaaway ko sa opisina ni Carson.

"Oh you're here. Pasok ka muna may pinuntahan lang saglit ang asawa mo." Sarkastikong sabi nito.

Niluwagan nito ang pagkakasarado ng pinto nakahubot hubad ang pvta at proud na ibinalandra ang katawan sa akin.

Hindi man lang nahiyang magbihis o takpan lang ng saplot ang kanyang katawan.

Nananatili pa rin akong nakatayo sa pintuan at hindi alam ang gagawin nabato ako bigla.

Nang mapansin nitong titig na titig ako sa kanya. Ay tsaka ito na bahiran ng hiya at kinuha ang comforter pang takip sa kanyang katawan.

"Ops sorry mukhang nabastusan ka sa akin hindi ko man lang naisipang magbihis man lang, my bad. Pasensya ka na katatapos lang kasi naming mag-" sadyang binitin nito ang sinasabi sa akin. Nagbihis ito at nagsuot ng underwear.

"Alam mo na." Tawang malandi nito sa akin tinaasan pa ako ng kilay.

Kinuyom ko ang kamao ko anu mang oras ay sasabog ako.

Kalma lang Bea, kalma.

"Ha talaga? Papatulan ka ba talaga ni Carson?" Nanghahamon kong wika. Wala rin naman akong mabuong salita dahil unti unti nanaman akong nanghihina.

"Hindi ka naniniwala?"

May pinulot ito sa basurahan na nagpaluha sa akin.

Gamit na condom.

Pvtangina niyo Carson!

"Here tingnan mo." Pinulot nito ang condom. "Ang sarap sarap ng asawa mo. Sana hiwalayan ka na niya para masolo ko na siya. Boring ka siguro at hindi magaling sa kama kaya humanap siya ng ibang babaeng magpapaligaya sa kanya."

"Huwag ka ng umasa dahil hinding hindi ko hihiwalayan ang asawa ko. Akin lang siya akin lang si Carson." Sagot ko dito.

"Alam ko yan dahil pampalipas oras lang naman ako ng asawa mo. Pero okay lang at least nagkakatikiman kami. Pero may isa lang talaga akong kinaiinis." Sabi pa nito.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon