Chapter 2
Pagkagising ko ng maaga ay wala na si Carson sa tabi ko. Agad na akong pumanhik sa kusina para magluto ng kakainin naming almusal. Sinangag ko na ang kanin na konti lang ang nabawas dahil hindi naman kumain si Carson kagabi nagluto rin ako ng fried egg at kape at gatas para sa mag-ama ko.
Ginising ko na rin si Bruce dahil maaga pa ito papasok ng school pinaligo ko na siya at pinapunta sa hapagkainan para mag-almusal.
Hinanap ko naman ang aking asawa at naabutan ko ito sa kanyang sariling gym. Nagboboxing ito at sinusuntok ang punching bag.
He is wearing a black sando and a red jersey short. Pawis na pawis ito.
Hindi ko mapigilang mamangha sa pisikal na katangingang taglay ng asawa ko.
He is so hot.
Tumigil ito saglit ng makita niya ako tsaka nagpatuloy sa ginagawa.
"Carson nakahanda na ang almusal. Mag-almusal ka muna." Sabi ko dito.
"Can't you see what I'm doing? I am not in the mood. Feed our child first. I will eat later." Malamig na tugon nito sa akin.
"G-gusto ko sana sabay sabay na tayo kumain." Pamimilit ko dito.
"Gaga ka ba talaga ha Bea hindi ka nakakaintindi?!" Galit na ito sa akin. Ang ikli talaga ng pasensya niya.
Umalis ito sa boxing ring niya at sumugod siya papunta sa akin.
"Gusto mo ba talagang makatikim ng salita sa akin ha? I don't want to see your face b!tch I want to hurt you right now."
Napasinghap ako sa ginawa niya dahil sinigawan niya ako sa tenga. Halos mabingi ako.
"Now go. Bago magdilim ang paningin ko sayo." Sabi nito.
Agad na akong umalis sa kinaroroonan niya at tinungo ang kusina tumulo nanaman ang nagbabadya kong luha.
Sinalubong naman ako ni Bruce naka uniporme na ito at nagulat ng makita akong umiiyak.
"Mimi what happened?" Agad na tanong ng anak ko sa akin.
"W-wala anak tara na mag-almusal na tayo." Hinila ko na ang kaliwang kamay nito papunta sa kusina.
Habang nag-aalmusal kami, bakas pa rin sa mukha ni Bruce ang pag-alala sa akin.
Ayokong makita ako ng anak ko na umiiyak. Ganito na ba talaga ako kahinang babae? Kahit sa harap ng anak ko ay hindi ko mapigilan ang pag-iyak.
Ayokong pati si Bruce ay maapektuhan sa relasyon namin ng ama niya ngayon at higit sa lahat ayaw kong kamuhian ni Bruce ang kanyang ama.
Ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya. Pero sa ginagawa ko ngayon wala akong magawa.
Matalino ang anak ko at alam ko na alam niya ang nangyayari sa pamilya niya ngayon.
"Mimi, I don't want to see you crying. Let's leave here, let's leave Dada." Biglang sabi nito sa akin.
Nagulat ako sa sinabi ng anak ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ng aking anak.
"A-anak, h-huwag mong sabihin iyan. Hindi puwede, pamilya tayo hindi tayo maghihiwalay ng landas. Mahal na mahal tayo ng Dada mo." Sabi ko sa anak ko.
"Kung mahal niya po tayo, hindi ka umiiyak ng ganyan Mimi andito sana siya kasama natin nagbe-breakfast." Tugon nito.
"I'm starting to hate him. He's cruel." Umiyak na rin ito.
Dinaluhan ko ang anak ko at niyakap ko ito.

BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...