Chapter 20 | DISTANCE

381 17 0
                                    

Chapter 20

Tatlong araw ng wala si Carson nakapunta na ito sa Belgium. Nang makarating siya doon ay tinawagan niya ako agad. Pero habang tumatagal ang araw, ay parang unti-unti akong nauupos gusto ko ng hilain ang oras na sana matapos na ang buong linggong ito para makauwi na ang asawa ko. Lagi na lamang ako sa kwarto mag-isa, kapag hindi ko na talaga kaya ay umaalis ako ng bahay at dinadalaw si Nicole sa kanyang coffee shop buti na lang at lagi ko siyang naaabutan doon.

"Bea, kung namimiss mo na ang asawa mo sundan mo na lang, kesa ubusin mo dito ang lahat ng flavors ng kape ko." Natatawang wika nito sa akin.

"Paano ko naman gagawin iyon?" Wika ko habang hinihigop ang cappuccino na inorder ko. "Paso na ang passport ko pina-renew ko, bukas ko pa iyon makukuha." Nalulungkot na wika ko naman kay Nicole.

Napahalakhak ito ng tawa.

"Haays... Bea, sineryoso mo talaga?" Manghang sabi nito sa akin.

Tiningnan ko lang siya na nang-uuyam ang mga mata.

Muli itong tumingin sa akin ng seryoso.

"Hayaan mo uuwi rin naman ang partner mo, para namang hindi na magpapakita sayo iyon." Tumikhim ito, "Teka, tumawag na ba sa iyo?"

"Ang huli niyang tawag sa akin, noong makarating siya ng Belgium pagkatapos nun hindi na nasundan." Sabi ko.

Mataman namang nakikinig si Nicole habang ngumunguya ito ng donut. "Gag* talaga iyang asawa mo, hindi man lang inisip na may naghihintay na asawa sa kanya."

"Subukan mong i-contact ulit," anito. "Baka nagpapa miss lang iyon sa iyo."

Sinubukan ko namang kontakin ulit si Carson baka kasi magring na ito. Pero out of coverage pa rin.

Nakasimangot akong tumingin kay Nicole.

"Out of coverage area." Walang gana kong sabi.

Bumuntong hininga ito. "Hay, ang mabuti pa gala na lang tayo."

"Saan naman tayo pupunta?" Maagap kong tanong sa kanya.

"Let's do the girlie thing, maybe spa? Magpasalon?, Magmake-over ka kaya at i-post mo sa Instagram malay mo mabilis pa sa alas kwatrong uuwi pabalik ng Pilipinas ang asawa mo dahil nagpaganda ka. Chance mo na ito, habang wala pang naghihigpit sayo." Suhestyon nito.

Nagtagal din ako sa coffee shop ni Nicole at nag-isip-isip. Paano'y natetemp ako sa offer niya wala rin namang mawawala sa akin at baka sakaling kapag nagmake over ako uuwi iyon bigla o magpaparamdam sa akin.

Naisipan ko na na sumama na lamang kay Nicole, bahala na boring din naman sa bahay at wala rin naman akong gagawin.

Nagmadali kaming umalis ng coffee shop paano naman kasi mas excited pa si Nicole kesa sa akin. Hila-hila ako nito hanggang makarating kami ng parlor.

Nagpa-spa kaming dalawa pagkatapos nun ay inayusan naman ako ng beautician na umalalay sa akin kanina. Habang si Nicole ay nagpaparebond ng kanyang buhok.

Pinakulot ko lang ng konti ang buhok ko. Ayoko rin naman kase ng totally make over baka kung ano pa ang isipin ni Carson kapag umuwi iyon.

Siguro nga tama rin si Nicole na magpaganda rin naman ako, nabusy na rin kasi ako bilang may bahay gusto ko rin maranasan ulit ang magpaganda para sa asawa ko. Desperada na talaga ako sa mga ginagawa ko umuwi lang siya sa akin ay okay na ako.

Hindi rin nagtagal ay natapos din ang pagpapaganda namin. Pinuri pa nga ako ng mga beauticians na sobrang gumanda daw ako.

"Tungunu, ang ganda mo girl, maglalaway sayo si Carson niyan kapag makita niya ang gumanda niyang asawa." anito na napapalakpak pa ng makita ang ayos ko.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon