Chapter 19
Nang magising ako umaga na. Halos hindi pa ako makatayo dahil sobrang nanglalagkit ang katawan ko, masakit din ang balakang ko. Pagtingin ko naman sa katabi ko ay ganon din sobrang lagkit ni Carson at pawisan pa. Nakailang rounds ba kami kagabi? Hindi ko na yata mabilang. At yung sanang sasabihin niya sa akin kagabi, ayun tinulugan lang naman ako ng magaling kong asawa at hindi ko nalaman kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.
Natawa pa ako ng makita ko si Carson na malalim ang pagtulog habang may kagat-kagat pa itong kutsara sa kanyang bibig. Well, nagexperiment lang naman ang napaka manyak kong asawa na lagyan ng chocolate syrup ang buo niyang katawan na ginamit naming props para sa aming loving-loving.
Ginamit ko ang pagkakataong ito para umalis na sa higaan ko at maligo na. Buti na lamang ay hindi kami nilanggam kagabi ni Carson.
Nang matapos akong maligo, pagkalabas ko ng bathroom ay gising na rin si Carson na nakaupo sa kama at nakangiti pa ito na parang bata, sa ayos niyang iyon ay halos magkamuha na talaga sila ni Bruce.
Bakit niya ba naisipang ipa-DNA ito?
Eh kitang kita naman ang ebidensya.
"Good morning." Maikling bati nito sa akin.
"Good morning din maligo ka na ang lagkit mo na." Natatawa kong hayag sa kanya.
Hinihintay ko pa si Carson na matapos maligo, hindi pa rin kasi ito lumalabas ng kwarto nang matapos akong magluto, nakakapagtaka naman bakit natagalan ito. Nakaupo ako sa couch habang hinintay ang paglabas niya.
Maya-maya'y narinig ko ng bumukas ang pinto ng kwarto. Agad akong napatayo ng makita ko ito.
"Hi." Bati nito sa akin. Habang nakalagay ang kanyang phone sa tenga. May ka-call siguro ito.
Ginantihan ko naman siya ng ngiti.
"May trabaho ka ba ngayon?"
Napatigil saglit si Carson.
"Yup, why?" Anito.
Huminga ako ng malalim naiinis ako sa kanya.
Hindi ba may sasabihin ito sa akin? Bakit parang nakalimutan niya na yata o dahilan niya lang iyon para maka-score siya kagabi?
Napangiti ito at napamewang. "And why is that?"
Hindi ako makatingin sa kanya ng tuwid. Pinatay na nito ang tawag na kanina ay sagot niya.
"Come on.." lumapit ito sa akin at hinagkan ang noo ko. "Tell me teddy bear..."
Napangiti ito ng bahagya. "Anong meron?"
Pinilit kong iwasan ulit ang mga titig niya. "Wala lang..." Tumungo ako. "Diba sabi mo - may sasabihin ka sa akin kagabi?, A-ano iyon?"
Lalo itong napangiti at lumabas pa ang mapuputi niyang mga ngipin. "Oh, iyon ba?, Hindi ko ba nasabi sa iyo bago tayo matulog?" Takang tanong naman nito sa akin.
Hay ewan ko sayo. Palusot mo lang yata para ma-score ka eh.
Pinisil nito ang magkabilang pisngi ko.
Naiinis ako sa kanya. Nagiging makakalimutin.
Bahagyang napaisip ito. Pagkatapos ay humugot ng malalim na hininga. "Let's have a date... I'll cancel my work today... I'll tell you something doon ko na sasabihin sayo."
Umaliwalas naman ang mukha ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwa kaya napakayap ako sa kanya. Makakasama ko siya sa buong araw na ito.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...