Chapter 22 | HINT

357 11 0
                                    

Chapter 22

Nagmadali akong nagbihis nang sumapit muli ang umaga. Pupunta ako ngayon sa opisina ni Carson kahit alam ko namang wala rin siya doon. Kailangan ko na talagang malaman ang tinatago ni Carson mababaliw ako kapag hindi ko pa ito nalaman.

Tinawagan na rin ako ni Mr. Portland, wala pa rin silang balita kung nasaan na ang anak nila. Pati si Mrs. Portland ay nag-aalala na rin.

May kinalaman ba ang Alexander na iyon kung bakit nawawala ang asawa ko? Natatakot ako para sa kanya, baka nasa panganib na ang buhay niya paano kung makapangyarihan ang nautangan ni Carson? Alam ba ito ng kanyang ama?

Ang daming tanong na bumabagabag sa akin kaya nagdesisyon ako na pumunta sa kanyang opisina, magtatanong ako.

Agad akong pumara ng taxi hindi rin katagalan ay nakarating na ako sa sarili niyang kompanya. Humugot muna ako ng hininga bago ako pumasok. Nakilala naman ako agad ng mga security at niluwagan ang nakasaradong pinto.

Buti na lamang nakasalubong ko ang sekretarya ni Carson na nagpa-alis sa akin dati noong sumugod ako dito.

Bahagyang nagulat pa ito ng makita ako. At umiba ng dereksyon ng tiningnan ko siya.

"Sandali lang." Pigil ko dito. Huminto naman ito at hinarap ako.

"Kung hinahanap ninyo po si sir Carson, hindi pa po siya umuuwi galing Belgium marami pa po siyang inaasikaso doon." Ani nito.

May alam din ba sila kung nasaan si Carson? Bakit parang feeling ko pinagtatakpan nila ito? O may alam ba sila?

"Wala sa Belgium si Carson, apat na araw ng natapos ang meeting nila doon." Ganting sagot ko sa kanya. "Sabi ni Mr. Peter Portland babalik na dapat siya dito pero hindi pa rin siya umuuwi."

Bahagyang nagulat ang kanyang sekretarya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, please parang awa mo na." Desperada kong wika.

Agad namang tumamlay ang mata ng sekretarya at tiningnan ako muli.

"Iyon po ang bilin niya sa akin, pasensya na po. Wala po talaga akong alam. Kung gusto ninyo po, tanungin ninyo si sir Cedric nasa engineering office po siya ngayon." Ani nito.

Nandito na si Cedric?! Pero nasan si Carson? Pumunta ba talaga siya doon? Kilala niya ba ang Alexander na iyon? Nangangamba ako para sa asawa ko.

Dali-dali kong iniwan ang sekretarya ni Carson at agad na pumunta sa engineering office nasa third floor pa ito kaya madali kong napuntahan.

Nakahinga ako ng maluwag nang maabutan ko si Cedric na nakaupo sa kanyang swivel chair.

Napatayo ito ng makita ako.

"Bea, napadalaw ka. Maupo ka muna." Ani nito.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tinuro niyang couch.

"Cedric hindi rin naman ako magtatagal, may gusto lang akong malaman." Huminto ako saglit at nilikha ang sasabihin ko. "S-Si Carson, hindi mo ba siya kasabay umuwi?" Tanong ko dito.

Napakunot naman ang noo nito at napa-isip saglit.

"Hindi pa ba siya umuuwi?" Pabalik tanong naman nito na nagtataka habang binababa ang mga papeles na hawak niya. "Magkasabay kaming umuwi, same flight kami papuntang Hong Kong noon, pero magkaiba kami ng connecting flight---Ah!" Wika nito habang nilagitik ang kanyang kamay, na para bang may naalala. "Bago pala kami maghiwalay ay sinabi niya sa akin na magpapaiwan na muna siya." Ani nito.

"Alam mo ba kung saan siya pumunta?" Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko pa ring makasigurado.

"Minsk... Nagpunta siya ng Minsk, pero hindi niya sinabi sa akin kung ano ang gagawin niya doon. Natawagan mo na ba?"

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon