Chapter 16 | HUG

359 13 1
                                    

Chapter 16

Hindi ko alam kung paano kami natapos mag-usap ni Carson nang araw na iyon.

Masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil pinagdudahan niya ako.

Malamig ang pakikitungo ko sa kanya.

Ginagawa ko pa rin naman ang obligasyon ko sa kanya bilang asawa niya.

Inaasikaso ko pa rin siya, inaaayos ang kurbata niya kapag papasok siya ng kanyang trabaho. At lagi ko siyang pinagluluto.

At sa tuwing nagsisiping kaming dalawa ay hindi ko naman siya tinatanggihan. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya sa akin.

Ipinapakita ko kay Carson na wala akong ganang makipagsiping sa kanya.

Napapamura pa nga siya ng palihim kapag hindi ko tinutugon ang mga halik niya.

Lumipas pa ang ilang araw ay ganon pa rin ang pakikitungo ko.

At minsan ako na ang umiiwas sa asawa ko. Dinadalaw naman ako ni Ella sa aming bahay para may kausap ako.

Tinanong ko rin si Ella kung nasaan si Gil dahil gusto kong makausap ang tatay nito.

Pero biglaan daw itong umalis na walang pasabi sa kanila. Nagresign daw ito sa pinagtatrabahuan at lumipat ng ibang kumpanya.

Plano na rin daw nilang umalis sa subdivision namin.

Pinagtataguan ba ako ni Gil?

Ano ba ang alam niya?

Napansin din ni Mrs. Portland ang biglang pangangayayat ko kaya kinausap niya si Carson na doon na muna ako sa mansyon dahil napapabayaan ko na daw ang sarili ko.

Akala ko tatanggi si Carson sa ina pero nakakagulat at umoo ito.

Paminsan minsan ay dumadalaw ito sa mansyon para kumustahin kami ng anak niya pero iniiwasan ko lang ito.

Wala namang kamalay malay si Bruce sa mga nangyayari sa amin ng ama niya busy kasi ang bata dahil mageexam na ito para sa 3rd quarter at naghahanda ng bumiyahe pa abroad, sa susunod na araw na ang alis nito.

Nang araw na iyon din ay naka-schedule akong pumunta ng clinic para kunin ang resulta sa ginawang test kung buntis na ba talaga ako.

Sinekreto ko kay Mama at maging kay Carson ang lakad ko ngayon ayoko munang malaman nila.

Pagkababa ko ng grab ay pumanhik na agad ako sa clinic. Buti na lang at naabutan ko ang ob-gyn na nag checheck up sa akin.

"Good morning, Mrs. Portland." Bati sa akin ng doctor.

"Ikaw lang ho ba mag-isa?"

"Opo, nasa trabaho ho kase ang asawa ko." Maikling wika ko sa kanya.

Noong nagdaang araw ay mag-isa rin akong pumunta dito para magpatingin.

Napangiti na lamang ito sa sinabi ko.

"Nako siguro isosorpresa mo ang husband mo." Natatawang hayag nito.

Ngintian ko na lamang ang doctor.

"Tamang tama ho ang dating ninyo, may result na ho ang test na ginawa natin." Ani nito.

Excited namang may ibinigay sa akin ang sobre ng ob ko.

"Congratulations Mrs. You're one month pregnant." Masayang wika nito.

Kahit na expected ko na ito ay sobrang saya ko.

Magkakanak na ulit ako.

Magkakaroon na ng panibagong kapatid si Bruce.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon