Chapter 38 | TOGETHER

511 17 3
                                    

Chapter 38

Nagising ako kinaumagahan ng may marinig akong boses na nag-uusap sa labas ng kwarto. Nag-inat na ako at bumangon sa kama. Wala na rin si Mikey sa tabi ko. Malamang nasa sala na ito at nanonood ng TV. Pumanhik na ako ng banyo para maghilamos.

Nang makapag-ayos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Agad akong nakaamoy ng lutong pagkain nagmamadali akong nagpunta sa kusina baka kasi nagluluto nanaman si Mikey.

"Good morning Mimi!" Bati sa akin ni Mikey ng makapunta na ako sa kitchen.

Tiningnan ko ang mga pagkain sa mesa. Mukhang masasarap. Imposible namang maluto ni Mikey nito ang lahat dahil ibat-ibang mga putahe ang nakahanda sa mesa.

Nakakunot naman ang noo ko habang tiningnan si Mikey na papaupo sa katabing silya sa mesa.

"Sino nagluto nito?" Tanong ko sa anak ko.

Ngumiti lang sa akin ang bubwit at walang sinabi. Nakita ko naman si Bruce na pumasok ng kitchen na kasama ang ama nito at naka-apron pa. Natigilan sila ng makita nila ako.

"Mimi.." Si Bruce na parang nagulat sa akin.

"Good morning, Bea buti naman at gising ka na. I made a lot of breakfast." Anito na parang walang nangyari sa aming sagutan kagabi.

"Ano nanaman ang ginagawa mo dito?!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Hindi ba sabi ko naman sayo ay babawi ako sa mga anak natin?" Kumuha na ito ng upuan at tumabi sa anak na si Mikey. Samantala naman si Bruce ay hindi naman alam ang gagawin.

"Come here Bruce, kumain na tayo. And you too Bea, let's eat breakfast together." Nakangiting sabi nito sa akin. Sinimangutan ko ito.

Inalalayan naman ako ni Bruce na maupo sa kabilang silya at umupo naman siya sa tabi ko.

Nagsimula ng kumuha ng pagkain si Bruce. At si Carson naman ay sinasandukan ang anak nitong si Mikey. Tahimik na kumakain ang mga bata pati si Carson.

Hindi ko naman maigalaw ang mga pagkaing nasa harap ko kahit marami iyon tiningnan ko lang si Carson.

Napansin naman nito na nakatingin ako sa kanya na hindi ginagalaw ang luto niyang pagkain.

"Hey, eat." Binitawan nito ang kutsara at maingat na nilagyan ako ng pagkain.

"May pagkain Bea, huwag ako ang kainin mo baka matunaw ako ng wala sa oras."

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ako nadala sa mga biro nito. Kung kami pa sana noon, malamang kanina pa ako nangingiti ng ewan. Pero magkaiba na ang sitwasyon ngayon.

"Mimi, kain ka na po." Masuyo naman akong hinawakan sa kamay ni Bruce.

Wala naman akong magawa kundi ang sumubo. Nakakailang subo pa ako ng magsalita si Carson.

"Bea, hihingi sana ako ng permisyo sayo, gusto kong ipasyal ang mga anak ko ngayong araw." Hindi ito tumitingin sa akin.

"Hindi pwede, dito lang sila." Mabilis kong sagot sa kanya.

"Pinagdadamot mo ba sila sa akin?..." Nakakunot noong wika nito wala itong bakas na tuwa sa kanyang mga labi. Marahil ay nagalit ito sa sinabi ko. "Sabagay, natatakot ka sigurong itakbo ko ang mga anak mo sayo. Pwede kong gawin iyon, kung gugustuhin ko....." Tumingin ito sa akin at nag-smirk. "....iyon ba ang nasa isip mo? Well, binigyan mo ako ng idea Bea, I'll get them--"

"Wala kang gagawin Carson!" Sigaw ko dito.

Ngumiti ito sa akin. "Don't shout, tingnan mo ang mga anak mo." Lumingon naman ako sa dalawa kong anak, nakatingin ito pareho sa akin. Napahiya naman ako doon dahil sa inasal ko.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon