Chapter 51
"Mimi!" Boses ni Robbie ng marinig ko itong pumasok ng kwarto ko. Kasalukuyan akong naghahanda para sa gaganaping event mamaya. Alas singko na ng hapon at kailangan ko ng magmadali para hindi ako mahuli sa event na pupuntahan ko.
"Kuya Bruce is here! Kuya Bruce is here!" Excited na sabi nito.
Natuwa naman ako dahil muling bumisita si Bruce sa bahay ang buong akala ko ay hindi na ito babalik ng makagising ito kaninang umaga.
Hinila naman ako ni Robbie papalabas ng kwarto para puntahan ang kapatid. Naabutan ko si Bruce na nakaupo sa couch. Tumayo pa ito at napangiti ng makita ako. Lumapit ako sa kanya.
"Mimi ko." Bati nito sa akin bago hinalikan ako pisngi.
"Napadalaw ka anak."
"Mimi naman parang bisita ako dito." Nangangating buhok na wika nito sa akin.
"Robbie, itapon mo basura sa labas marami na naman." Wika naman ni Mikey na kalalabas lang ng kusina. Marahil nagluluto na naman ito.
"Aye! aye! chef!" Ani Robbie na sumasaludo pa sa nakakatandang kapatid bago kinuha ang isang supot ng basura.
Napatawa na lang kami sa aksyon ni Robbie ng papalabas na ito ng bahay. Nagmamartsa pa ito palabas habang nakasaludo pa rin.
Napadako naman ang tingin ko ulit kay Mikey.
"Mimi, nagluto po ako. Kain ka muna bago ka umalis." Ani nito. Bumaling naman ito ng tingin kay Bruce. "O, big bro nandito ka pala." Natigilan ito ng makita ang dala ni Bruce.
Napansin ko rin na may maliit siyang nap sack bag na dala.
"Mimi dito muna po ako matutulog habang wala kayo. Ako muna magbabantay sa mga kapatid ko. Narinig ko po kasi kayong may kausap kaninang umaga. Baka hindi ka makauwi."
"Alam ba ni Carson na pupunta ka dito?" Si Mikey ang nagsalita.
Ngumiti si Bruce sa kapatid. "Yes Mikey, he wants to meet you. Magpakita ka daw sa kanya."
"Tsk. Wala akong panahon sa kanya. Thank you na lang." Narinig kong sabi ni Mikey bago umalis.
Nagkatinginan na lamang kami ni Bruce nang umalis na sa harap namin si Mikey.
"Kung alam lang ni Mikey kung gaano na siya ka-miss ni Dada." Nakangiting wika nito bago napadako ang tingin sa akin.
"Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo Bruce."
Ngumiti ito sa akin at inakbayan ako. Dahan-dahan nitong inilagay ang aking ulo sa kanyang balikat.
"Pinapangako ko po Mimi, magiging mabuti akong kuya sa mga kapatid ko." Wika nito bago tumingin sa akin. Kumawala ako sa pagkakaabay niya.
"Mimi please, dito muna ako." Balik na sabi ni Bruce sa akin.
"O-Oo naman anak. Welcome na welcome ka dito."
Ngumiti ito ulit sa akin. "Ayos..." Niyakap ako nito ng mahigpit.
"Buti at pinayagan ka ng Dada mo anak." Sabi ko sa kanya habang niyayakap niya ako.
"Syiempre naman po. Actually wala siya ngayon sa bahay may pupuntahan yata. Si Alexander naman nasa barkada niya at hindi pa umuuwi." Kumalas ito ng yakap sa akin. "Mimi, Alexander wants to know you. Gusto ka niyang makilala. Sana may time na makapag-usap kayo. Mabait siya Mimi. Hindi ko lang talaga siya maintindihan nung una."
"I'm surprised na lumalapit na ang loob mo sa kanya." Simangot naman ni Mikey muli itong lumabas ng kusina. Tumingin siya sa akin. "Mimi kain ka na. Ikaw kuya samahan mo na kumain si Mimi." Nakakunot noong wika nito.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...
