Chapter 44
Nagising ako nang malalim na ang gabi. I checked Carson baka kasi tumaas nanaman ang lagnat nito, pero laking gulat ko ng makita ko ito sa tabi ko ngumiti siya ng makita akong gumising.
"Carson..."
"I wanna see you sleep." Nakangiting sabi nito sa akin.
Bumangon naman ako ng higa at dinama ang kanyang noo kung mainit pa siya.
Sa tingin ko ay wala na itong lagnat dahil hindi na mainit ang katawan nito.
"Carson, okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Kapag sinabi ko bang okay na ako, iiwan mo na ako dito?"
Hindi ako nakasagot sa kanya.
Malamang oo. Nagmagandang loob lang naman ako sa kanya kung bakit ko ito ginagawa.
"Kaya mo na rin naman siguro ang sarili mo." Ani ko dito.
"So aalis ka na talaga?" Parang nagtatampo ang tono ng pananalita nito.
Kumunot ang noo niya. "I can't understand you, Bea. Akala ko okay na tayo. Akala ko babantayan mo ako ngayong gabi, isang gabi lang naman ang hinihiling ko. Bakit tinutulak mo pa rin ako palayo sayo?"
Huminga ako ng malalim at muling humiga sa kama. "Hindi naman talaga ako aalis eh. Kung wala ka lang sakit ngayon hindi ako pupunta dito."
"Why you're still worried about me?" Nakakunot noong tanong nito.
Natigilan ako sa sinabi niya. Wala akong maisagot tiningnan ko lang siya.
Maya-maya pa ay hinarap ko siya ng nakahiga. Magkatapat na kami ngayon.
"I just did you a favor, Carson. Huwag mong bigyan ng ibang meaning iyon." Tamad kong sabi sa kanya.
"Bea, may I ask. May konti ka pa bang natitirang pagmamahal sa akin?" Tanong nito.
Tumawa ako ng peke sa kanya. "Carson anong klaseng tanong iyan?"
"Okay lang kung ayaw mo akong sagutin. But let me tell this to you, Bea... I will wait. I will still wait. Kahit hiwalay na tayo ay maghihintay pa rin ako. I'll give you the annulment you want, but you can't stop me from loving you." Iyon na lang ang sinabi niya tapos madiin niya akong hinalikan sa noo ko.
Napikit ko ang aking mata. Bakit ganun?
Bakit parang nagustuhan ko ang halik na iyon?
Segundo lang iyon pero iba ang dating nito sa akin.
Hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa pisngi ko. Hinalikan niya ang aking ilong, papunta sa aking labi. Naramdaman ko ang init ng labi at hininga niya.
Hinigit niya ako sa batok at mas lalo pang diniinan ang kanyang halik. Hanggang sa mararamdaman ko na lang na umibabaw na siya sa akin.
Nakakulong na ako sa mga bisig niya.
Ang mga halik niya ay bumaba papunta sa aking leeg.
Bigla akong nagmulat.
Hindi!
Hindi dapat mangyari ito.
Makikipaghiwalay na ako sa kanya. Mali ito! ano ba ang iniisip ko? God! Inipon ko ang buong lakas ko para itulak siya palayo.
Nang magawa ko iyon ay agad akong umupo at tumalikod sa kanya.
Hindi dapat ako nagpapadala sa tukso! Mali itong ginagawa namin ni Carson.
"Carson hindi mo na dapat ako hinahalikan. Maghihiwalay na tayo." Inayos ko ang laylayan ng aking damit na nagusot. Habang nakatalikod sa kanya.
Bakit ba kasi ako nagpadala sa kanya? Baka isipin niya tuloy na ginusto ko rin ang halik na iyon.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...