Chapter 4 | MEMORIES

570 20 1
                                    

Chapter 4

Halos manhid ang buo kong katawan pagkatapos ng nangyari sa amin ni Carson. Sobrang hapdi at kumikirot pa ang akin. Nakatulog ako sa sobrang pagod at hindi ko na rin alam kung anong oras na akong nakatihaya sa kama ng nakahubad. Hindi ko rin alam kung nasaan si Carson.

At wala akong balak alamin dahil naiinis ako sa kanya.

Bumangon na ako ng kama at paika-ikang tinungo ang bathroom maliligo na ako.

Bigla akong nagutom.

Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at nalaman ko na lang na alas dos na pala ng hapon. Hindi man lang ako nakapagtanghalian.

Pumanhik ako ng kusina at nakita kong may itinabi si Carson na pagkain para sakin may nakapaskil pa itong sulat.

Eat your lunch. I'm going out.

Carson

Yun lang ang nakalagay sa sulat.

The hell kahit saang lupalop ka pa magpunta.

Agad naman akong napatingin sa mga inihanda niyang pagkain.

Napangiti ako ng makita kong paborito kong ulam ang hinanda niya. Chicken curry.

Kahit malamig na ito ay kumain ako.

Muli akong napangiti ng mapagtantong ipanagluto niya ako.

At least Bea may pake pa rin sayo ang asawa mo kahit galit ito sayo.

Pagkatapos kong kumain ay nagprepare na ako ng kakainin namin sa hapunan ng matapos ako ay nanood na lang ako ng movie.

Pagkatapos kong nanood, naglinis ako ng bathroom at nilinisan ko rin ang harap ng bahay.

Simple lang ang pamumuhay namin dito isang maliit na pamilya na nabuo sa subdivision na ito.

Pagkatapos kong maglinis ay pinakain ko rin ang alagang isda ni Bruce mahilig kasi itong mag-alaga ng ibat ibang klase ng isda.

Wala na rin akong ginawa pagkatapos nanood na lang ako ng ibat ibang klase ng putahe sa pagluluto sa youtube.

Nakakabagot na rin sa bahay dahil wala akong trabaho. Ayaw naman ni Carson na maghanap ako ng trabaho gusto niya ay nasa bahay lang ako. Nakakalabas lang ako kapag may importanteng lakad gaya ng pagrogrocery, kapag may binibiling project si Bruce sa school niya at minsan hinahayaan din naman ako ni Carson na mag-malling pero lahat ng lakad ko dapat alam niya.

Ganon siya kahigpit sa akin at nagsimula iyon ng dumating ulit si Francis.

Ang pinagseselosan ng asawa ko.

Francis was my ex-boyfriend hindi kami ang para sa isat-isa I was heart broken nang maghiwalay kami ni Francis.

He is my first love actually, during our college days.

Francis, Carson and Kyle are best friends magkagrupo sila as hiphop dancers sa school at bukod doon ay kilala rin sila sa soccer team sa buong colleges.

Sa love story namin noon ni Francis halos wala akong makitang ibang tao kundi siya lang sa kanya lang umiikot ang mundo ko.

At sobrang saya ko noon ng finally ay niligawan niya ako.

And here comes Carson, nanligaw din siya sa akin but I rejected him.

Sinabi ni Carson na maghihintay siya at liligawan niya ako ulit kapag sinaktan ako ni Francis. Willing din siyang maging third wheel dahil mahal na mahal niya daw ako.

Sinagot ko si Francis naging kami for almost two years.

Iniwasan ko na rin si Carson ayokong paasahin siya alam ko noon na makakahanap siya ng tunay na magmamahal sa kanya.

Pero gumuho ang mundo ko ng maka graduate na kami ng college, mas pinili ni Francis na sumama sa parents niya sa abroad at doon magsimula ng buhay.

Nalaman ko rin na hindi pala talaga ako ang mahal niya. Bumalik sa kanya si Sofia, his ex-girlfriend.

Niloko ako ni Francis. Panakip butas lang pala ako. Rebound.

Nadepressed ako at nadagdagan pa iyon when my parents died in a car accident.

Galit na galit ako noon sa kanya. Sa mundo, at dahil sa sobrang galit ko pumayag ako sa gusto ng mga magulang ko sa kagustuhan nilang mag-merge ang mga kumpanya nila at kumpanya nina Carson through our marriage.

Nagpakasal ako kay Carson at sinubukan ko siyang mahalin.

Doon ko napagtanto na sobrang mapagmahal pala talaga si Carson sana siya na lang ang sinagot ko nung una pa lamang sana siya na lang ang minahal ko.

Hindi pa naman huli ang lahat sinuklian ko ang pagmamahal na ibinigay ni Carson sa akin sobrang minahal ko na rin siya at nabiyayaan kami ng anak iyon nga ay si Bruce.

Our loving son.

Masaya na ako sa buhay ko bilang may bahay, bilang may asawa.

Pero muling dumating si Francis sa buhay ko. Wala na akong naramdamang pagmamahal sa kanya nakuha na lahat ni Carson.

Si Carson na ang mahal ko.

Nagkikita kami ni Francis para sa mga lead na nakalap niya.

Malapit ko na itong malaman.

Pero mukhang naging hadlang si Carson sa mga binabalak ko. Dahil isang araw ay naabutan niya kaming magkasama ni Francis sa isang restaurant pinagsusuntok niya noon si Francis at binalaang layuan na ako.

Nagulat ako kay Carson dahil pinapasundan niya pala ako sa kanyang mga tauhan.

May mga kuha rin siyang litrato na magkasama kami ni Francis sa kanyang condo habang nag-uusap, sa kotse habang magkayakap at sa isang kwarto habang naghahalikan...

Francis took advantage of me.

At desperado akong malaman ang katotohanan.

Siya lang ang nakakaalam ng kasagutang gusto kong malaman.

At doon na nagsimula ang pagkamuhi saakin ni Carson wala na kaming sexual contact. Wala ng pagmamahal.

3 months na niya akong sinasaktan

3 months na akong nagtitiis

Nagbago bigla si Carson.

Galit na galit siya sa akin. At lalo na kapag nakita niya akong kasama si Francis.

Whore, b!tch, slut yan ang mga masasakit na salita na naririnig ko kay Carson.

Kung alam mo lang Carson, kung alam mo lang. Kung bakit ko ito ginagawa sayo kaya kong magsakripisyo kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao kahit marumi na ang paningin mo sa akin dahil may mabigat akong dahilan.

At si Francis ang sagot. Si Francis ang sagot sa katanungan ko.

Ayokong malaman ni Carson ang padalos dalos kong desisyon dahil kapag nalaman niya wala akong magagawa kundi ang iwan siya.

At ayokong mangyari iyon.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon