Epilogue
"Mimi, very good ako sa Math kanina ang taas ng score ko!"
Napalingon ako kay Robbie na kakapasok lang sa aming sala. Pawisan pa ito na parang ani mo'y kagagaling lang ng marathon ang ayos. Kakauwi lang kasi nito galing school. Pahangos naman nitong hinagis ang kanyang bag sa couch.
"Wow talaga?" Agad akong lumapit sa kanya at pinunasan ang pawis niya.
"Bakit ang pawisin mo dalawang linggo ka ng ganyan na napapansin ko ah?!" Wika ko sa kanya habang pinupunasan ko siya.
"Mimi naman may sayaw nga po kami sa P.E. lagi, ako yung star dancer doon." Nakanguso naman nitong sabi sa akin.
Sinimangutan ko siya, iyon lagi ang dahilan niya kapag tinatanong ko ito.
"Asan po yung mahal ko?" Maya-mayang tanong nito.
"Sinundo ni Grandma mo, may pupuntahan daw yun." Mabilis kong sagot sa kanya.
"Mimi since very good ako sa math, libre mo ako ice cream. Punta tayo ng ice cream shop malapit sa mall please." Lambing nito sa akin habang niyakap niya ako at pinugpog ng halik.
"May gagawin pa ako anak, hindi ko pa nadidiligan ang mga halaman ko." Tanggi ko sa kanya. Pero hindi ko rin matiis ang isang ito eh.
Sumimangot ito sa akin. "Kung nandito lang sana si kuya Bruce siya ayain ko eh. Kaso nasa Palawan iyon." Niyugyog nito ang kamay ko at nagsumiksik pa sa akin. "Sige na Mimi, kung ayaw mo sige ka, isusumbong kita kay Dada sasabihin ko sa kanya na inaapi mo ako dito."
"A-ano?!" Kunwaring pagsusuplada ko sa kanya at pagkatapos non ay walang tigil ko siyang pinagkikiliti.
Tatawa-tawa naman ang anak ko sa pakikipagharutan sa akin.
Ilang taon na ba simula ng umalis ulit si Carson?
Dalawang taon na simula ngayon ang pag-alis niya at hindi pagpapakita sa akin.
Tiniis ko ulit ang lahat. Alam kong balang araw ay babalik at babalik siya sa akin, kung kami talaga ang para sa isat-isa.
Alam ko ring binabantayan niya ako kahit ayaw niyang magpakita sa akin.
Kahit miss na miss ko na siya.
Maghihintay pa rin ako sa kanya hanggang sa bumalik na siya sa akin.
"Mimi anu na?!" Simangot nitong muli.
"Sige na nga." Wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa kanya. "Maligo ka na ililibre kita." Natutuwa kong sabi sa kanya.
Kuminang naman ang mga mata ni Robbie at mahigpit akong niyakap. "Yes! Mission accomplished." Nangunot naman ang noo ko kung bakit niya iyon sinabi sa akin.
"Magpaganda ka ah?" Dagdag pa nito.
Minuto lang ay nakapagbihis na ako. Nakalabas na rin si Robbie sa kanyang kwarto. Nakabihis na rin siya. Simpleng green collar shirt lang ang sout nito at tinernuhan ng kulay brown na cargo shorts.
Naabutan pa ako nitong nag-aayos sa aking make up table. Lumapit sa akin ang bata at tiningnan ako sa aking repleksyon.
Maya-maya pa ay may isinuot ito sa aking leeg. Nagulat ako sa ginawa ni Robbie. Maingat niyang sinuot sa aking ang necklace na binigay sa akin noon ni Carson.
Nagulat ako. Matagal ko ring hinanap ang necklace na ito. Hindi ko na ito naisuot magmula ng maghiwalay kami ni Carson.
Napatingin ako sa anak ko habang maingat niyang sinusuot sa akin ang necklace.
Pagkatapos niya iyon ginawa ay muli siyang tumingin sa aming repleksyon bago napangiti.
"You look so beautiful Mimi ko." Ngiti sa akin ni Robbie.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...