Chapter 18 | CHERISH

339 15 0
                                    

Chapter 18

Limang araw na simula ng umalis sina Bruce papuntang Belgium.

At sobrang na miss ko na ang anak ko.

Nagsisimula mula na rin akong maglihi, hindi ko naman alam kung bakit ngayon lang ako nagka-cravings na kumain ng blue berry, mangosteen, cake na kulay green at tacos. ewan ko ba ang weird ng taste ko ngayon.

Buti na lang kahit busy si Carson sa kanyang trabaho ay lagi niyang nabibili ang gusto ko. Mabuti rin at hindi siya nagrereklamo.

Minsan nga ginigising ko pa siya ng hating gabi para bumili lang ng manggang hinog pero hindi ko rin naman iyon kinakain.

Napapakamot na lamang ng ulo si Carson. Nakakatuwa kahit alam kong napipikon na ito minsan sa akin dahil sa paiba-iba kong mood.

Nung araw na iyon ay dinalaw ako ni Ella wala na itong pasok dahil bakasyon na. may dala itong unripe na mangga at bagoong na ikinalaway ko.

Alam na rin kasi ni Ella na buntis na ako at laking tuwa nito sa nalaman.

Gumawa kami ng sawsawan habang nagkwekwentuhan sa kusina.

"Ella, may balita na ba sa Papa mo?" Biglang tanong ko dito habang binabalatan ang manggang hilaw na hawak ko.

Hindi ko na kasi ito nakikita sa subdivision at gustong gusto ko talaga itong makausap.

"Opo, nasa Cebu ho siya ngayon at abala sa trabaho niya. Bibili na rin po kami yata ng bahay doon. Si Mama naman nasa Indonesia may inasikaso pa doon at sa susunod na linggo pa uuwi."

"Bakit ninyo ho na tanong, Tita?" Wika ng dalagita.

"May gusto lang kasi akong malaman sa kanya." Ani ko at pinagpatuloy ko na ang paghihiwa.

"Hayaan ninyo po babalitaan ko kayo kapag dumating na si Papa." Magiliw na sabi ni Ella.

Nginitian ko ang dalagita.

Gumanti rin ito ng ngiti sa akin at lumabas pa ang mga dimples nito.

Magandang bata si Ella, hanga rin ako sa pagpapalaki ni Gil sa kanya dahil lumaki ang dalagita na mabait at marespeto sa kapwa. Hindi rin malayo na maraming magkakagustong binatilyo sa kanya.

"Ella, may boyfriend ka na ba?" Maya-maya tanong ko dito.

Bahagyang namula ang pisngi nito sa tanong ko, at napatigil sa paggagawa ng sawsawan.

Hinawi nito ang kanyang buhok at tsaka nagsalita.

"May nanliligaw po." Maikling hayag nito sa akin.

Napangiti naman ako sa tugon niya.

"Alam ba ng Papa mo?" Sabi ko.

"Hindi po."

"Ella, walang masamang magkaroon ng manliligaw pero sana kung sagutin mo siya, huwag na huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo dahil yan lang ang magiging sukli mo sa iyong mga magulang." Ani ko.

Napangiti ito.

"Salamat po, tita lagi ko pong tatandaan yan." Ani nito.

Nagpatuloy na kami at pagkatapos nun ay masaya naming pinagsaluhan ni Ella ang ginawa namin.

Nasa labas kami ng bahay at tanaw na tanaw namin ang kabihasnan mula dito.

Napakatahimik ng subdivision na ito.

Ang sarap lang pagmasdan ang mga halamang katabi ng bahay namin nakakarelax.

Nang matapos kami ay tinulungan pa ako ni Ella na maghugas ng pinggan, kahit na tinanggihan ko ito ay nangulit wala rin naman daw siyang gagawin sa bahay nila kaya pinabayaan ko na lang.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon