Chapter 23 | ACHE

408 16 1
                                    

Chapter 23

"Teddy bear..." Ani ng pamilyar na boses sa akin.

Namamalikmata lang ba ako? Si Carson ba talaga ang kaharap ko ngayon?

Gusto kong makasigurado kaya tumayo mula sa pagkakahiga at pumunta sa kinaroroonan niya.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi habang hinahawakan naman niya ang likod ng mga palad ko. Si Carson nga! Umuwi na siya!

Walang pagsidlan ng tuwa ang puso ko ngayon at agaran ko siyang niyakap ng mahigpit. Naamoy ko pa ang pamliyar na pabango niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napa-iyak na ang ng sobrang pag-aalala sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" Naiiyak kong sumbat sa kanya. Kumulas ako sa pagkakayakap at tiningnan siya. Pinagpapalo ko ang dibdib nito ng ilang beses, ngunit parang balewala lang sa kanya at masuyo akong tinitingnan. Hanggang sa hinila na lang niya ako sa kanyang mainit na dibdib at niyakap ulit ng mahigpit.

"I missed you..." Bulong nito sa akin.

Kinurot ko ang likuran nito sa sobrang inis sa kanya.

"Hindi ba, sabi ko sayo I will fix everything pag-uwi ko? I'm back at nagawan ko na ng paraan." Ani nito habang akap-akap ako.

"Bakit hindi mo sinasabing may problema ka na pala? Bakit nililihim mo sa akin?" Tanong ko ng sunud-sunod sa kanya.

"I'm sorry kung nag-worry ka sa akin," kinalas nito ang pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya habang hinahawakan ang magkabila kong pisngi. "Bea, I have a reason kung bakit ko iyon ginawa," wika nito habang tinititigan ako sa mga mata. "I want to tell you something, pero nauunahan ako ng takot, sana pagdating ng araw na iyon, mapatawad mo ako teddy bear." Hinawakan nito ang ilang hibla ng aking buhok at inipit sa aking tenga.

"Do you trust me Bea?" Muli akong tiningnan ni Carson sa mata. "I want you to trust me, I'll do anything for our family." Nag-uusap lang ang aming mga mata.

"I'm sorry for everything." Dagdag pa nito.

Tiningnan ko ang kanyang kulay na hazel na mata. Parang ang bigat-bigat ng problemang dinadala ni Carson, malungkot itong nakatitig sa akin at pakiwari ko'y pagod na pagod ito mula sa kanyang biyahe.

Ano kaya ang gustong sabihin sa akin ni Carson? naguluhan man ako sa kanyang sinabi ay umoo na lang ako.

Ganon ko siya kamahal, pinagkakatiwalaan ko si Carson.

"I'm tired, can I rest for awhile? Na-jet lag ako. Tabihan mo akong matulog teddy bear, I've been missing you so much." Ani nito habang hinihila ang kamay ko papuntang kama namin.

Nagpatianod ako sa kanya na miss ko ng sobra ang asawa ko. Kahit marami pa akong gustong itanong sa kanya, ipagpapaliban ko muna ito.

Nang makasampa na kami ng kama ipinikit na nito ang kanyang mata, inilagay nito ang kanyang kaliwang braso sa kanyang mukha at tinakpan ang nakasarado niyang talukap mula sa akin.

Nakita ko na lamang na lumandas ang luha sa kanyang pisngi.

Umiiyak si Carson.

Pinagmamasdan ko lang siya, nahahabag ako para sa kanya. Mas lumapit ako sa kanya at ikinulong ko siya ng yakap. Gusto kong malaman niya na kahit ano mang problema ang darating sa kanya, ay nandito lang ako, nandito lang ako na handang damayan siya.

Naramdaman ko na lang ang biglang pagkilos ni Carson, hinarap ako nito at niyakap ng mahigpit.

"Can we stay like this?, I want to hug you, I'll never let you go. Ayokong mawala ka sa akin, ikakabaliw ko iyon teddy bear. Mahal na mahal kita." Wika niya sa akin ng mahina bago ako hinalikan ng masuyo sa noo.

Mas isiniksik ko pa ang aking sarili sa kanya.

"Matulog ka na Carson, tsaka mo na sabihin sa akin ang lahat kapag handa ka na." Nakapikit kong matang sabi.

****

Parang ayaw ko ng matapos ang gabing ito, gusto kong maramdaman ang prisensiya niya, parang ayoko ng kumawala sa maiinit niyang yakap. Ayoko kong bumitaw. Nakatulog kami ni Carson sa ganong posisyon.

Buong magdamag kaming magkayakap sa isat-isa. Hanggang sumapit ang araw ay nananatili kaming magkayakap. Akala ko panaginip lang ang lahat kagabi, nandito talaga ngayon sa aking tabi ang taong bumabagabag sa akin noong nagdaang mga ilang araw. Sumampa ako sa kanyang matitipunong dibdib rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso parang musika iyon sa aking pandinig maging ang kanyang paghinga ay nararamdaman ko, yakap pa rin niya ako ng mahigpit tinatamad pa akong bumangon.

Mga ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon, pagbukas ng aking mata ay agad kong tinanaw ang mahimbing na natutulog kong asawa, napaka amo ng mukha nito kapag natutulog. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya habang tinatamaan ang kanyang mukha ng konting sinag ng araw, nangungunot pa ang nga noo nito na para bang nananaginip.

Ang kanyang matatangos na ilong, makapal na kilay na nagpadagdag sa kagwapuhan niya ang kanyang mapupulang labi na aking kinababaliwan.

Pinapanood ko lang ito kung paano siya matulog. Hinawakan ko ang mukha nito, kaysarap pagmasdan ng aking asawa para itong batang natutulog, kung titingnan ito ngayon ay aakalain kong si Bruce ang katabi ko ngayon.

Speaking of Bruce, namimiss ko na rin ang anak ko. Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon?

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagvibrate ng cellphone ni Carson, hindi ko ito pinansin ayoko munang iistorbo ang tulog ng asawa ko. Nakailang vibrate pa ito bago ako nagdesisyon na hanapin ang cellphone ni Carson. Bumangon ako ng kama at tamad na hinanap ito.

Nang mahanap ko ito ay huminto ang tawag tiningnan ko ito.

5 missed calls from Alexander.

Alexander?!

Lumaki ang mata ko at kinabahan, muli kong tiningnan si Carson na natutulog pa rin.

Ano nanaman kaya ang kailangan nito sa asawa ko?

Mas lalo akong kinabahan ng muling magvibrate ang cellphone nito tumatawag ulit si Alexander. Muli kong tiningnan si Carson na hanggang ngayon ay himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

Nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba siya o sasagutin ang tawag, pero parang sinasabi ng sarili ko na sagutin ko iyon.

Huminga ako ng maluwag ng makapagdesisyon ako. Sasagutin ko ito at pagsasabihan ang Alexander na ito na tigilan na kami ng asawa ko.

Dahan dahan akong umalis ng kama at lumayo sa kinaroroonan ni Carson nang makalayo ako ay muli ko siyang tiningnan, natutulog pa rin ito.

Humugot ako ng hininga at matapang na sinagot ang tawag ni Alexander.

[Hello, Daddy? I have received your gift, although I'm not a fan of soccer, but thank you for your effort man, thank you for staying with us during Christmas. My mom is doing okay now. I love you old man, till we meet again. We will still waiting for you,] I gasped laudly. I was shocked.

Boses ng isang bata ang narinig ko.

S-siya ba si Alexander?

Bakit niya tinatawag na daddy si Carson?

Namanhid ang buo kong katawan parang tumigil ang mundo ko.

Ano itong nalaman ko, Carson?

He paused for a while, napansin niya yata ang pagsingap ko.

[Wait, you aren't Daddy are you?! hey, please speak up--.]

Tinanggal ko ang cellphone ni Carson sa tenga ko at natutop ko ang aking bibig sa pagkagulat. Tiningnan ko si Carson na nahihimbing sa pagtulog.

Unti-unting naglandas ang mga luha sa mata ko.

Nilakasan ko ang loob kong sagutin siya. Muli akong humugot ng hininga at ibinalik sa aking tenga ang cellphone ni Carson.

"Hello?, Is this Alexander?" Matigas na tanong ko dito.

[Yes, who's this?]

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon