Chapter 36 | FATHER

505 21 3
                                    

Chapter 36

Nagliligpit ako ng mga kalat sa bahay, paano ba naman kasi si Mikey nagkakalat nanaman ang dumi-dumi ng bahay. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpahinga saglit sa couch, pinahiran ko pa ang pawis ko.

Ang mga anak ko ay nasa kanya-kanyang kwarto at may sariling mga mundo, napailing na lamang ako.

Nang maghapon na ay pumanhik na ako sa kusina para magluto ng hapunan.

Mag-aalas singko na ng hapon ng lumabas ng kwarto si Mikey, naka-brief lang ito at may bitbit pang tuwalya.

"Mimi, bathe me." Anito sa akin na nakalabi pa.

"Mamaya na anak nagluluto pa ako." Sabi ko naman sa kanya. Nagpiprito kasi ako ng manok ngayon para uulamin namin mamaya, iyon kasi ang gusto ng dalawa kaya hindi ako makatanggi. Kung papabayaan ko to baka ma-over cook ang fried chicken.

"Mimi, sige na..." Pangungulit nito sa akin, umupo pa ito sa isang silya sa mesa habang ginagalaw-galaw ang kaliwang paa.

Alam kong nagpapalambing nanaman ito sa akin.

"Hindi ba naligo ka na kanina?" Pangongontra ko sa kanya.

"Iba po kanina at ngayon."

Aba at nagdadahilan pa. Muli ko itong tiningnan at nakalapit na sa akin. Niyakap ako nito sa bewang.

Dahil hindi ako nakapagfocus sa ginawa niya napaso ako ng kalan. Nagulat naman ito at inalalayan ako paupo sa mesa.

"Be careful Mimi, are you alright? I'm the one to cook." Ani nito habang hinihimas-himas niya pa ang braso ko na napaso.

"Ako na." Pagalit kong sabi.

"No ako na po, I can handle it." Kindat nito sa akin. Napilitan akong ibigay ang spatula sa kanya. Pinasuot ko pa siya ng apron nakahubad kasi ito baka mapaso rin siya.

Hinila nito ang isang upuan para gawin niyang istante, hindi niya kase abot ang burner kaya kailangan niya pang gawin iyon. Samantala naman ako ay nakaalalay sa kanya. Baka kung mapaano pa ito. Hindi na man din ako nag-alala dahil isang piraso na lamang ng fried chicken ang kanyang lulutuin. Nakangiti pa ito sa akin habang nagluluto siya.

Nang matapos magluto ni Mikey ay pinaliguan ko na ito. Tuwang tuwa naman ang bubwit nang inutusan ko itong ipatapon ang basurahan sa labas. Nagpresinta ito ng kanyang sarili dahil may ginagawa rin si Bruce sa mga oras na iyon.

Hindi ko na pinigilan ang bata at hinayaan na lamang, hindi naman marami ang basurang itatapon niya.

Halos sampung minuto rin akong naghintay sa kanya ngunit hindi pa ito nakababalik.

Pinuntahan ko na si Bruce sa kanyang kwarto para ipasundo ang kapatid matagal na kasi ito sa labas.

"Bruce sundan mo nga ang kapatid mo sa labas, baka kung napaano na iyon." Sabi ko dito, naabutan ko naman si Bruce na naglalaro sa kanyang phone.

Agad naman itong tumayo para lumabas at hanapin ang kapatid. "Sabi na kasi ako na eh." Narinig ko pang sabi nito.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos ng aming hapunan nang makakain kaming mag-iina. Narinig ko naman ang cellphone ko na tumunog. Dali-dali akong nagtungo doon at tinanggal ang pagkakacharge nito. Napakunot pa ang noo ko nang mapagtantong tumatawag si Mama - ang ina ni Carson.

Agaran ko naman itong sinagot.

"Hello po?" Bati ko sa kanya.

[Bea, huhuhu....] Naiiyak na sabi nito sa kabilang linya.

Nagtaka ako kung bakit umiiyak ang ginang, may problema ba ito?

[Bea, it's Carson... My son... He knows everything...] Naguluhan ako sa sinabi niya.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon