Chapter 6 | TEXT

521 19 0
                                    

Chapter 6

Maaga akong nagising at pinaghanda ang mag-ama ko ng almusal. Naunang nagising si Bruce at gulo pa ang buhok kagigising lang nito at kusot kusot ang mata habang dala dala pa nito ang kanyang tablet.

Iniwan ko muna si Carson sa kwarto dahil baka magrequest nanaman ito ng isa pang round. Pinagod ako nito kagabi at hindi ko alam kung nakailang beses ba namin iyon ginawa.

Pumunta si Bruce sa akin at hinalikan ako.

"Good morning Mimi ko!" Bati nito sa akin.

"Good morning baby," ganting bati ko naman.

"Umupo ka na sa mesa at mag-aalmusal na tayo."

"Okay po." Umupo na ito at siya namang pagpasok ni Carson sa kitchen.

"Good morning Dada!" Bati ng anak.

"Good morning son." Maikling wika nito bago hinalikan ang anak sa pisngi.

Umupo na rin si Carson sa tabi ng anak.

Nagsimula na kaming mag-almusal. Kung saan saan na lang napunta ang kwentuhan namin. Excited na excited naman si Bruce na magbobonding kaming tatlo ngayong araw.

Ngiting ngiti rin ang anak ko dahil napapansin niyang nag-uusap na kami ng Daddy niya. Pabaling baling ang tingin niya sa amin ni Carson sa tuwing may nagsasalita sa aming dalawa. Pagkatapos ay susubo ng kanyang wheat cereal.

"You look good together." Hindi mapigilang komento ng anak ko. Sabay hagikhik nito.

Natigilan naman si Carson habang kinakausap ako nito tungkol sa plano nito tungkol sa pupuntahan namin mamaya.

Tumingin ito sa kanyang anak.

"We already know that for a long time, son." natatawang wika naman nito sa anak at sabay tingin naman sa akin bago ako nito kinindatan.

Sa tingin ko namumula ako sa ginawa ni Carson. Ang tanda ko na para kiligin sa kanya. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Mi you're blushing!" Turo naman sa akin ng anak ko.

"Look Dada, Mimi is blushing!"

Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila.

"That is called kilig, son." Ani Carson

"Kilig?! Mimi is kilig..." Humagikhik naman ng tawa si Bruce

Ewan ko sa inyo mag-ama nga kayong dalawa.

Natapos na kaming nag-almusal at tuloy pa rin sila sa panunukso sa akin hetong si Carson naman ay ginagatungan pa ang anak para asarin ako.

At kahit sa pagligo ay kinukulit pa nila ako.

"Dada go to the bathroom!" Sigaw ng anak

Tinulak ni Bruce ang ama sa bathroom kung nasaan ako at muling ini lock iyon.

Hubot hubad ako sa bathroom nang mabalingan ako ni Carson. Napalunok naman ito ng laway ng makita ang ayos ko.

Humagikhik naman ng tawa ang anak ko sa labas.

"Good luck Dada make it twin!" Sigaw ng anak at sabay tawa.

"Hoy ikaw Carson! Huwag mo ngang turuan ng kung anu-anong kalokohan ang anak ko. Ang bata bata pa ng anak natin no." Pagalit na sabi ko sa asawa ko.

"Sorry naman teddy bear, mana lang sa tatay." Lumapit ito sa akin at akma akong yayakapin binasa ko ito ng tubig.

"Hey..." Inis na sabi nito nabasa ko kasi ang damit niya.

A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon