Chapter 46
Lumipas ang ilang taon. Matapos akong maghain ng annulment sa kasal namin ni Carson ay marami na ang nagbago. Bumalik na ako ulit dito sa Pilipinas wala na rin naman akong pagtataguan dahil natapos na ang lahat.
Hindi ko na alam kung paano ko ba naharap lahat ng mga problema ng magsimula ang trials namin sa korte.
Tanda ko pa noon sa unang trial namin dehado si Carson dahil malakas ang ebidensya ko. Sa pangalawang trial, nakabawi si Carson sa akin. Ginamit niya na may nangyari sa amin noon.
At ang mas malala pa, mukhang mas ako ang naging dehado dahil sa pagsesekreto ko.
Oo, dahil sa panahong iyon ay pinagbubuntis ko na ang ikatlong anak ko sa kanya.
Nagbunga ang kapusukan ko noon.
Sa huling pagdinig namin ay hindi ko alam kung kanino pumanig ang mga judges. Hindi na rin dumalo si Carson sa pagdinig na iyon.
At ang ikinalungkot ko ang paglisan sa akin ni Bruce. Sumama siya sa kanyang ama nang matapos ang hearing.
Tinotoo ng anak ko ang pagbabanta niya sa akin noon na sasama siya kay Carson.
Halos hindi ko na alam ang gagawin ko noon kung paano ako magsisimula ulit..
.. Na wala ang panganay kong anak. Hindi na nagpakita sa akin si Carson. Wala na akong balita sa kanila o saan na sila nagpunta. Dalawang taon ko na itong hindi nakikita. Ang alam ko lang sabi ni Mama sa akin noon bumalik daw ng Belarus sina Carson.
May contact sina Mrs. Portland kina Carson nang ibigay nila sa akin ito, ay hindi naman sinasagot ang tawag.
May galit siguro sa akin ang anak ko. Hindi ko na siya makita nang ipagtabuyan niya ako noon. Naaksidente siya at wala ako doon para damayan siya.
Matagal na panahon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa akin lahat ang nangyari.
Hindi ko alam kung manhid na ba ako sa mga problemang hinaharap ko. Ayoko ng magtago pa, tumakas sa mga problema. Hindi na ako takot na harapin lahat. Bumalik ako dito dahil may hinihintay ako.
Sana bumalik na siya.
Miss na miss ko na siya.
"Mama, Papa kumusta na po kayo? Matagal na panahon na po ng muli akong nakadalaw sa inyo." Umupo ako sa puntod ng aking mga magulang. Nandito ako ngayon sa sementeryo para dalawin sila. "Nabigyan na po ng hustisya ang pagkamatay ninyo."
"Lumabas na po lahat ng katotohanan. Lahat ng pangamba ko noon nabigyan na ng kasagutan. Pero Mama, Papa lahat ng iyon sinakripisyo ko." Naluluha kong sabi habang nakatingin sa puntod ng mga magulang ko. "Kung sinabi ko siguro kay Carson ang lahat noong magkasama pa kami. Masaya siguro kami ngayon. Nangangamba kasi ako noon na baka may kinalaman talaga siya sa pagkamatay ninyo kaya inilihim ko iyon at hindi sinabi sa kanya. Naduduwag ako noon, Parang ayaw kong tanggapin, mahirap kong tanggapin kase mahal na mahal ko siya...
....Pero mali ako, mali ako sa desisyon ko. Nalaman ko mismo sa mga investigators na wala talaga siyang kasalanan. Napatunayan iyon sa CCTV footage. Totoo ang sinabi ni Carson, balak niya talaga kayong iligtas noon."
"Ginawa kong komplikado ang lahat simula pa lang, hindi ko sana naranasan ang lahat kung sinabi ko na sa kanya noon, pero nangyari na wala na akong magagawa pa. Alam kong galit na galit na rin si Carson sa akin ngayon. Sobra na ang ginawa ko sa kanya. Sinaktan na namin ang isat-isa. Kahit ano pong pilit kong sumaya, hindi ko magawa. Mama, Papa. Gabayan ninyo po ako lagi. Ipaalala ninyo po sa akin na huwag sumuko sa buhay. Aayusin ko na po talaga ang buhay ko. Mahal na mahal ko kayo."
BINABASA MO ANG
A Broken Vow
RomanceHindi buo ang isang tahanan kung walang pamilyang nakatira. Pamilyang bubuo sa pagsasamasama sa hirap man o ginhawa sa lungkot, saya o ano mang problemang hamon. Sila sila ang magdadamayan sa mga pagsubok na kailangan lampasan. Kung titingnan sa isa...