CHAPTER 52

79 6 2
                                    

2 Years Later

B R A V E R Y

" MISSSSSSS EZRAELL" sigaw ng prof ko

Takbo lang ako ng takbo dahil hinahabol lang naman ako ng prof naming panot. Yes panot! Bakit ba palagi nalang akong sinusundan ng panot na teacher. Hindi po siya si principal na panot nong Senior High palang ako. Ibang panot to. Kalahi ni Sir Panot dati. Kumakalat na talaga sa mundo ang mga panot ngayon at hindi na talaga iyon mapipigilan. char lang.

Gush! Malapit na niya akong maabutan. Nakakatuwa talaga parang sa kabataan ko lang na magkalaro kami ni Xuz. Biglang umiba ang expression ko. Dapat hindi ko na siya inisip pa dahil hindi na talaga siya babalik sa akin. May mahal na siyang iba at wala na talagang pag asa.

" MISSSS EZRAEL TUMIGIL KANA PAGOD NA AKO" sigaw niya kaya tumigil ako sa kakatakbo.
Hingal na hingal kaming pareho. Wews! Next time sasali ako sa marathon kaya ko naman palang tumakbo ng napakalayo e.

" Sir? Ayos ka lang? " tanong ko na ikinapula ng mukha niya. Wow! Vei obvious naman e nagtanong ka pa.

" MS. EZRAEL NAHIHIRAPAN NA AKONG HUMINGA NAGTATANONG KAPA? " namumula niyang sabi . Napa O naman ang bibig ko. Ang sarap talaga asarin ang prof nato.

Tatakas sana ako e kaya nga lang nakita niya ako kaya ako tumakbo. At ang tanga naman niya bakit pa niya ako hinahabol e pwede naman niyang ereport agad ako sa guidance para guard na bahalang humabol sa akin haha.

" Sumunod ka sa akin kundi ipapatawag ko mga magulang mo" galit niyang saad. At dahil dakilang masunurin ako sumunod ako sa kanya. May naisip akong kalukuhan hehehe.

Kumuha ako ng sticky note bag ko at nagsulat ng

* NATATAE NA AKO * Pinadikit ko ito sa likod niya. Habang naglalakad kami panay tawanan ng mga estudyante ang mga proffessor na nakakita. Napahagikhik ako sa isip ko. Tumingin si prof sa akin at napatingin sa paligid na nagtataka.

" Mr. Alvarez" tawag ng dean ng department sa amin na Si Prof. Dina.

*Dina magkakajowa pa*

Hikhok.

"Hi Dean what can I do for you?" Nagpapacute na saad ni prof. Napangiwi naman si dean doon. Single po si sir miss Dina baka naman may pag asa pa. Hehe

" Please give this to Dean Cuenca Make sure na mapipirmahan niya yan" seryosong sabi ni dean at inabot ang mga papeless. Tahimik lang akong natatawa kay prof na panay ngiti kay dean.

" I'll go Ahead and Mr. Alvarez kung natatae ka macr ka. Haha" natatawang ani nito kay prof. Nangunot naman ang noo ni prof kaya napasinyas si dean sa kanya na nasa likod bago umalis. Dahan dahan naman akong umatras. Kinuha ni prof ang sticky note na nilagay ko sa likod niya. Namumulang binasa ni prof ang note. Bago paman ako tignan ni prof na masama at mag aalburoto sa galit ay agad na akong tumakbo na tatawa tawa..

Haha !

" MISSSSSSSSSSS EZRAELLLLLLLLLLLLLLL"

Malakas na sigaw ni prof, wahhhhhh! Kailangan kung paghandaan ang muli naming pakikita ni prof panot hahaha.

__

Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon