Chapter 35

163 6 0
                                    


V E I


" MOMMY DADDY THERE'S A KOKAK HERE HELP MOMMY DADDY" napabangon ako dahil sa sigaw na iyon na tela takot na takot. Boses ng isang batang lalaki . Mapadaing ako dahil sa matinding kirot na naramdaman ko sa tagiliran ko." PLEASE PAKAWALAN NIYO AKO RITO"

Shit! Ang sakit ng sugat ko pero may nangangailangan ng tulong ko. Kahit na sobrang sakit ng sugat ko at pinilit ko parin tumayo para puntahan ang lugar kung saan nanggagaling ang boses na iyon.Please body makisama ka.

" Huhu!.mommy mommy" rinig ko paring pagiyak ng isang batang lalaki. Sinundan ko ang boses na iyon at napadpad ako sa isang lumang bodega na para bang ilang libong taon ng iniwan. Ngunit napahinto ako nong may dalawang armadong lalaking lumabas mula sa pinto.

Napatingin sila sa akin kaya nakaramdam ako ng takot. Pero kalaunan nangunot ang noo ko dahil parang wala silang pakialam na narito ako.

Lumapit pa ako ng kunti pero parang wala silang nakita. Sinubukan kung hawakan ang baril na hawak nila pero tumagos lang ang kamay ko.

Oh My GEEE patay naba ako?

Pero kung patay na ako bakit naman ako nakaramdam ng sakit sa sugat ko? Nasaan ako? Naalala kung nasaksak pala ako doon sa garden. Pero bakit ako napadpad sa lugar na ito? "Mommy!mommy" Rinig ko uling sigaw ng lalaki kaya mabilis akong pumasok. Tanaw ko ang isang  lalaking parang nasa 7 or 8 years old na nakatali sa upuan at napapalibutan ng maraming palaka kaya tudo taas niya sa paa niya para hindi madapuan ng palaka.

" Shooo shooo go away huhu" ani nito habang umiiyak. Napalingon ako sa pinto nang may lalaking pumasok at may batang babaeng kasama. " Cassey why are you with that Evil man?" Gulat na tanong ng batang lalaki.

He seems familiar. And that girl is familiar too.

" Aldrich! He is my father! " Sagot ng batang babae.

" bad siya bad siya! Magkasabwat kayo ng daddy mo. Pareho kayong bad" sigaw ng batang lalaki habang nagpupumiglas sa tali niya.

" no! He is not bad! He's just helping me too come close to you aldrich! Gusto ko maging kaibigan ka pero you keep avoiding me. Gusto ko maging bf kita paglaki natin aldrich kaya gusto ko magkalapit tayo."

" NOOOOOO! KAHIT KAILAN HINDI KO MAGIGING KAIBIGAN ANG KAGAYA MONG  BAD . AYAW KITANG MAGING KAIBIGAN CASSEY" sigaw ni aldrich daw.

Wait aldrich? Saan ko ba narinig ang pangalan na iyon?.

At

Cassey? Kapangalan ni casseng bruha?" Dadddy huhu!" Pagiyak ni cassey daw. Pinatahan naman siya ng daddy niya bago lumapit sa batang nakatali.

" Hindi ka makakaalis dito hanggat hindi mo pagbibigyan ang anak ko" madiin na sabi nito  bago lumisan kasama ang babaeng umiiyak parin.

Fastforward

Nakaupo ako ngayon habang tinitignan ang sugat kung kanina pa nagdudugo. Ano ba ang nangyari sa akin? Bakit patuloy parin itong nagdudugo.

" WAAAAAAHHHHHHHH SHOOOOO. THEY MIGHT EAT ME" sigaw ulit ng bata.

Shit! Kanina pa ako naririndi sa sigaw niya. Padabog akong lumapit sa kanya para sana patahanin pero naalala kung hindi pala niya ako nakikita kaya umupo nalang ako kaharap niya. Tinignan ko ang mga palakang nakapalibot sa upuan niya, wala namang ginawa ang mga 'to pero kung makareact sobra sobra.

Komokak lang sila pero hindi naman sila nang aano." Mommy"  Familiar talaga ang batang to eh! Parang may kamukha siya. Namilipit akong napatayo nang may familiar na batang babaeng lumapit kay aldrich na ikinatuwa nito.

" VeryVery you are here! Please help me"

Veryvery?

" Oo drichdrich ilalayo kita dito. " sabi ng batang babae at sinimulan ng tanggalin ang tali. Nong matanggal na ay tatayo sana si aldrich nang biglang napasigaw ito dahil biglang may tumalon sa kanya na palaka.

" Ssssshhhh! Drichdrich wag ka maingay baka marinig tayo" saway nito at biglang binatukan ang lalaki

Veryvery drichdrich.

Naalala ko na, si lion ang batang nakilala ko sa bicol noon. "AAAAHHHHHHHHHHHHHH" sigaw ko ng biglang sumakit ang tagiliran ko. Napapikit ako sa sakit. Shit! Akala ko ba multo na ako bakit ang sakit.?Napadilat naman ako nong may naramdaman akong yapak papunta sa akin. Nasa garden ako, kung saan ako nasaksak. Bakit napunta na naman ako rito! diba doon ako----

" Vei" tawag ng lalaki

Kaya napalingon ako dito, namayani ang galit sa buong katawan ko nong napagtanto ko kung sino ito.

" Im sorry" bulong nito at naginginig na binitiwan ang patalim na pinangsaksak niya sa akin.

" Bakit? Bakit mo ginawa sa akin to?" sigaw ko

Tinignan niya ako na may pagsisisi.

" Kailangan Vei! Patawarin mo ako " nilapitan ko siya at pinagsusuntok, tinuring ko siyang kaibigan. Pero hito ang gagawin niya sa akin. Ano ang kasalanan  ko bakit?

" Hindi mo ako mabubuhay sa sorry mo Ruko. Hindi na ,patay na ako patay na hayop ka. Pinatay mo ako. " umiiyak kung sigaw habang sinusuntok ko parin siya sa dibdib.

" Vei hindi kapa patay. Buhay kapa! Please Vei mabuhay ka ! Mabuhay ka Vei! Lumaban ka! Wag kang mamatay! Pleaseeee! Kailan ko pa ang kapatawaran mo"  Sabi nito na ikinatigil ko.

Biglang nanlabo ang paningin ko.

Mayamaya lang napadilat ako dahil sa naramdamang sakit sa katawan ko na parang kinukuryentehan ako.

" CLEAR" rinig kung sabi ng kung sino at may kung anong dumapo sa dibdib ko kaya napaigtad ako sa sakit. Ano ginawa nila sa akin? " DOC Bumilis ulit ang tibok ng puso niya" ani ng babae.

Papikit pikit akong napatingala , nakakasilaw ang ilaw.

Nasaan ako? Muli akong nakaramdam ng sakit at hapdi sa tagiliran ko kaya napasigaw ako ng masalakas. May kung anong tunusog na bagay ang mga taong nakamask sa tiyan ko. Nanghihina ako, pakiramdam ko unti unting nawawala ang sakit dahil don.

" Shhhh! Rest well Vei. Everything will be alright" saad ng boses lalaki bago dumilim ang lahat sa akin.

Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon