Chapter 8

229 8 0
                                    

V E I

Umattend kami ng klase, at  ang limang asungot nandito rin.  Hindi ko naman kilala ang apat eh. Si leon lang kilala ko. At dahil first day ko dito sa STEM A, gusto sana ng teacher na magpakilala ako pero ayaw ng iba na gawin ko yun. Galit pa sila sa akin dahil sa ginawa ko sa Young master nila.

Sikat na sikat na naman din daw ako dahil sa ginawa ko daw sa Prince nila at pagtanggap ko sa trabaho na binigay ni madam Ford.

Duhh! GoldDigger daw ako. O edi ako na ang Gold digger. Napatingin naman ako kay Xuz na tahimik sa kinauupuan niya. Tela malalim ang iniisip nito. Siguro tungkol ito sa ginawa ko kanina. Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot, siguro sumosubra na ang pananakot ko sa kanya.

Tsk! Tinakot din naman niya ako kagabi ah.

Discuss lang ng discuss si maam at nakikinig din  naman na ako pero nahahati naman ang attention ko sa lection at kay Xuz hanggang sa natapos ang discussion na 50/50 ang naintindihan ko.

" Mr. Ford, goodjob on attending my class today. Hope to see you in the next day.  Class dismiss" sabi ni maam bago tuluyang lumabas.

Nagsitayuan na ang iba pero kami nandito parin. Napalingon naman ako kay leon.

Ang tahimik niya.

Hindi ako sanay.

Ayuko na siyang takutin. Nakakatakot kapag tahimik siya. Mas mabuti yung naninigaw siya para hindi weird ang atmosphere.

Nakaramdam ako ng kilabot ng may naramdaman akong hangin nadumapo sa batok ko. Paglingon ko isang cute na nilalang na hinihipan lang pala ang batok ko kaya sinapak ko.

*PAAAKKKKKK*

"ARAYYYY! Tama nga si Xuz ang amazona mo" pagmamaktol niya habang nakanguso.

Tinaasan ko siya ng kilay.

" Sino kaba huh?" Pagtataray ko. Pasalamat siya cute siya.

Mukha naman siyang nalungkot. Problema nito?

" Hehehe! Cobby Anderson cutey girl" pakilala niya.

Cute daw.Namula naman daw ako.

Oh diba! Landi ?

" Bravery Vie Santa Maria" nakangiti kung pakilala.

Napatakip naman siya sa bibig niya. Parang bakla.

" Gushh! Supperrrr cutteey mo ngumiti  baby Vie" tili niya sabay pisil ng mukha ko

🤯 ang iba

🤨 me

😊 siya

Alam ko yun. Hindi lang cute, maganda rin ako. Self proclaim yun.

" hayssttt! Halika na nga cobby ang harot mo. " Biglang kinaladkad si cobby paalis ng dalawang lalaki habang sumusunod kay leon. At ang luko mukhang kambing na nakangiti sa akin.

Ang cute lang!

" Ahemmm! Hindi mo ba susundan ang young master mo?" Saad ng lalaking nakatayo sa gilid ko. Hindi ko siya kilala pero kaibigan siya ng Master ko.

Gwapo siya hehehe! Nahihiya akong tignan siya sa mata. Para kasing may pagkabrown ito ay bagay na bagay sa maamo at gwapo niyang mukha. Actually lahat sila gwapo pero mas gwapo ang master ko for me kaya nga lang masama ang ugali non. Don't get me wronged. Im just stating the fact.

" Bakit naman ako sasama don" mahina pero sapat na para marinig niya.

Bigla siyang tumawa kaya medyo nahihiya ako. Gusto ko siyang tignan pero nahihiya ako eh, ang gwapo pa naman niyang ngumiti. Luhh! Anyari sa akin?

" Young Master mo siya diba?" sabi niya na ikinagulat ko.

Sh*t! Baka iiwan ako non dito, hindi ko pa naman alam kung saan ang daan papunta sa mansyon.

Ang tanga mo Vei.

" Oo nga pala sige alis na ako h-huh?" Nauutal ako sa last word kasi nakangiti siya habang tinignan akong nataranta.

" Hahaha ! Dont worry sasamahan kita haha! Wag ka mataranta. Hindi ka iiwan non dito, kahit ganon non may pagkagoodboy din naman yun. Hindi lang niya pinakita. Tara?"

Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Lol!

Ang init.

" T-tara?" Nauutal kung tanong

"Yes! Dadaan pa kasi kami sa hideout bago kami uuwi sa kanya kanya naming tirahan" ani niya

Napatango nalang ako.

Nagsimula na siyang naglakad na nakapamulsa kaya sumunod ako.Habang tinahak namin ang daan naisipan kung mag tanong sa kanya about kay leon, I mean sa master ko, curious lang ako.

" Nga pala ano pala itatawag ko sa yo? May itatanong sana ako eh"

" haha! Nagtanong kana"  pamemelosopo niya, napanguso nalang ako. Natatawa noya akong tinignan ngunit bumalik ulit tingin niya sa daan.

" Call me Hero! Ano nga pala itatanong mo?"
Kay gandang pangalan, bagay sa kanya.

" ahmmm! Bakit pala takot si leon sa palaka?" Tanong ko.

" what? Sinong leon? Is it animal or a human?" Napatawa naman ako sa reaction niya.

"Haha what's funny?"

" I mean si Xuz. Ang master ko "

" ahh! Bakit tinakot mo ba siya? "

Tumango lang ako.

" umiiyak yan si Xuz kapag tinatakot" seryoso niyang sabi

Luhhhhh?

Fastforward

Bumyahi na kami ngayon ni Leon pauwi ng mansyon. Habang nagmamaneho siya , nakabusangot at tila kay raming iniisip.

Hayst! Kasalanan ko eh

Tinanong ko si hero kung bakit umiiyak si Leon pag tinatakot. Ang sagot niya lang ay MAS MABUTI NALANG DAW NA SI XUZ ANG MAGKWENTO.

Gusto ko magtanong sa isang to pero parang nakakatakot naman. Baka maging tunay na leon na siya. Nasa sasakyan pa naman kami ngayon. Wala akong kawala.Hanggang sa nakarating kami sa mansyon wala parin siyang imik.

Pagdating namin, ay ganon parin mga maid naka linya habang yumuko at bumabati.

" Good evening young master" sabay sabay nilang bati sabay vow. Wow korean!

Hindi ko  naikwento ito nong dumating ako kahapon kasi dinama ko ang pagiging prinsesa eh haha.charr

Inirapan lang niya ang mga katulong at tuloy tuloy lang sa paglalakad.

Tsk! Walang modo talaga, pasalamat siya naguilty parin ako sa ginawa ko kanina. I should teach him a some manners and right conduct. Nong nakasubong ko si Manang Lusing ay agad niya akong hinila papuntang kusina.

" May nangyari ba kay Xuz?" Tanong ni manang

" opo"

" Tinakot mo ba siya, kaya nagtanong ka kanina tungkol sa mga kinatatakutan niya?"

"Opo"

" ikaw talagang bata ka. Dalawang dahilan lang kapag tahimik si Xuz. Una, heart broken at pangalawa, tinakot"

Sabi ni manang na ikinakunot ng noo ko.

" talaga manang? Ganon pala yun?Malay ko ba don. Tinuruan ko lang ng leksyon manang. Tinakot ako kagabi, gumanti lang ako" sabi ko habang nakasimangot.

Kumuha ako ng itlog at sinimulang lutuin ito. Kumulo na kasi ang mantika.

"Vie masama ang gumanti. Kung ano mang kasalanan ng isang tao sayo, wag mong gayahin yun. Dahil kapag gaganti ka para naring ginaya mo ang ugali niya."

Natahimik ako sa sinabi ni mamang. Tama si manang at hindi ako ganon. Sana maging okay siya. Paano ba mapapaamo ang isang leon?isang impakto at hinayupak?

Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon