Chapter 30

161 6 0
                                    


V E I

Halos luluwa na ang mata ko sa sikip ng simi gown na suot suot ko ngayon. Nahihirapan akong huminga. Bwisit!"Teka! Ayuko nito naiipit ang boobs ko kahit wala naman ako non" reklamo ko sa saleslady.Napansin kung napatawa siya dahil don kaya inirapan ko.

Shit! Parang ang daming kumagat kagat. Ang kati sa balat! " Lion! Ayuko nito parang mahihimatay ako sa sobrang sikip" sigaw ko mula dito sa fitting room.

" Okay! Miss ipapasoot mo sa kanya to" rinig kung sabi ni ni lion sa labas.

Kanina pa kasi ako pinipilit ni lion na pumili ng gown o kaya dress. Eh! Ayuko naman kasi ang mamahal. Kaya ang ending siya ang pumili para sa akin. Actually magaganda naman lahat napili niya kaso hindi ko kasize. Yung iba maluwag, ang iba naman sobrang sikip.

Mayamaya lang pumasok ulit ang sales lady na may dalang dress niya. Kumislap agad ang mata ko dahil sa taglay nitong ganda. Super simple pero ang ganda. Off shoulder siya at simi balloon. Plane light pink pero ganda tignan dahil parang lutos ito na inikot ikot ang tahi ng balloon.

Nakangiti ko itong sinukat.

Pagkatapos kung sukaton ito ay nagpaikot ikot akong tinignan ang hitsura sa salamin. " bagay na bagay sa inyo maam" puri ng saleslady sa akin kaya nginitian ko siya.

Lumabas naman ako para makita si Lion.

" Lion? Ano bagay ba?" Nakangiti kung tanong habang inisway sway ko ang dress kung hanggang hita lang pero 3 inches naman above the knee kaya hindi malaswa tignan para sa akin.

Kita ko ang pagkagulat niya tsaka nag iwas ng tingin.

" Ang ganda mo" bulong niya pero hindi ko naman narinig.

" Ano?"

" sabi ko bagay sayo! Magpalit kana para mabayaran na natin" sabi nitong hindi nakatingin sa akin, nakita ko ang paglunok niya kaya kumunot ang noo ko.

Napasimangot nalang akong pumasok sa fitting room. Problema non? Tinignan ko ulit ang hitsura ko sa salamin. Hindi kaya nagulat siya kasi walang laman ang dibdib ko? Pakshit! Pero meron naman ah ,hindi nga lang kalakihan tulad ng kay angel locsin. Tsk hayst ang dumi mo mag isip Vei.

Pagkatapos niyang bayaran ay agad din akong hinila ni Leon sa parlor shop. " Hi Fafa xuz what can I do for you and to your girl---friend?" Bungad ng baklang maarte pagpasok namin. At talagang tinaasan pa ako ng kilay ah?

Paa lang kita.Hihi sama ko noh? Joke lang.

" Yeah! Gusto ko ayusan mo siya! Like she's the most beautiful and gorgeous lady tonight" paos na sabi ni xuz. Wow! Ang Oa naman nito. Pinagsasabi nitong the nost beautiful.

" Haha! Sure Fafa makakaasa ka sa akin. What's your name girl---friend? Ni fafa xuz?" Taena! Sarap niyang sakalin. Kumikinding kinding pa sa harap ng babylion ko.

" She's Vei , so Nicka i trust you! I ll go ahead. Babydwarf may susundo sayo mamaya. Okay " Saad ni lion at agad na umalis.

" So You're Vei ? Be ready" banta ng bakla.

Fastforward.

" AAAAAAARRRRRRAYYYYYYYY" sigaw ko

" Kaluka ka gurl wala kabang suklay sa inyu? " maarteng sabi ng bakla. Shit! Ang hapdi ng ulo ko. Kanina pa kasi niya ako sinusuklayan at magkalahating oras na niya yan ginawa. Huhu!
" Bakit ba? Aanhin ang pagsusuklay kung bubuhaghag din naman" mataray kung sabi.

Binatukan naman ako ng bakla. Gagang 'to feeling close.

" My god Vei babaeta syempre dagdag ganda points yun kay Fafa Xuz" sabi niya kaya napairap ako.

" Aray" daing ko ulit.Mauubos na ata buhok ko..

After a while

Natapos narin at ngayon minimakeupan na niya ako.  Hindi ko makita ang hitsura kasi nakatalikod ako sa salamin. Ang dami pang arte ng baklang tow.  Kung ano ano ang nilagay niya sa mukha ko na hindi ko naman maintindihan kung ano yon.Mayamaya lang inimot niya ang upuan at sumigaw na.

" The most prettiest ang gorgeous lady tonight like me !Ang galing ko noh?" Tinignan ko naman siya ng masama. "Sabi ko nga ikaw lang maganda hehe! "Binalik ko ulit ang tingin ko sa salamin.

Bravery Vei? Isda you?

Hinawakan ko ang mukha ko at sinampal sampal na hindi makapaniwala. God! May maipagmamalaki pa pala ang mukha ko.

Nilakihan ko pa ang mata ko para talaga makomperma ko kung ako ba talaga ang nasa salamin. Ako nga talaga eh! Kamukha ng Veing super sabog ng buhok.

Nakalugay lang ang buhok kung straight na hanggang beywang ko at nakasabit sa likod ng tenga ko ang buhok ko sa bandang noo para hindi matabunan ang mukha ko.

Tinignan ko si bakla at ngitian.

" What a goddess Vei! Fafa xuz might shock later. Kyahhhh! " bungisngis niyang sabi.

**********
K A T E

Kakatapos lang akong ayosan ng mga make up ni Ate nicka  kilala ni mom. Pagdating niya kasi kanina ay agad ako ang inuna.

Nakasuot ako ngayon ng off shoulder mermaid tale Gown color purple but with a small silver diamonds na nakapalibot sa gown ko na siyang dahilan ng pagkakinang kinang kapag natamaan ng ilaw.

Pinapusod ko lang ang hair ko sa baba na siyang bumabagay sa gown ko.

Pumuslit ako saglit sa venue. Sobrang daming tao, lahat ng kabusiness partner nina mom at dad especially kina tita andrea ay nandito rin. Wala pa sila Xuz kaya agad kung tinahak ang kwarto ko pabalik.

Pero napatigil ako dahil nakita ko ang private investigator nina mom na may kasamang dalawang babae at isang lalaki. Na pakiwari ko'y mag asawa ang dalawa at anak nila ang dalagitang babae.

" Excuse me Mr. Duke" pigil ko dito.

" Good Evening Ms. Kate" bati niya

" Sino sila?" Turo ko dito.

" Sila ang Santa Maria Family na natagpuan ko sa Bicol Ms. Kate at maaring siya ang kapatid ninyo. " ani ni Mr. Duke.

Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang paa. Maganda siya pero feeling ko hindi siya.

Hindi siya ang Pinsan ko.

Amythys and I were sibling by paper but cousin by blood. Inampon ako nila mom Amira dahil wala na akong mga magulang. Namatay sa sunog ang mga magulang ko. Hindi ako nasama dahil that time na nagkasunog sa bahay ay nadoon daw ako sa hospital dahil inadmit ako at 4 years old palang ako nong time na yun. Wala din akong kapatid kaya ako nalang mag isa.

Mabuti nalang at nandito sina mommy amira.

We dont know kung ano ang hitsura ngayon ni amethyst  dahil sanggol palang siya nawalay na siya nina mom but i swear this girl is not.

I don' t know the real reason bakit nangyari yun.

" Sige Mr. Duke papasukin mo na sila sa kwarto nina dad para makumperma ni mom kung sila ba talaga ang pinagbilinan ni mom noon " Sabi ko. Nakita kung nagkatinginan ang mag asawa pero hindi ko na pinansin iyon.m

Bumalik muna ako sa kwarto ko bago ako pumunta sa kwarto nila dad.

Hindi ko palang nabuksan ng malaki ang pinto ng marinig ko ang hikbi ni mommy kay sinilip ko ito.

" A-anak k-ko a-methyst" umiiyak na sabi ni mommy. Hinagod naman ni dad ang likod nito habang nagyayakapan silang tatlo.











Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon