*********
VE I
Nakawang ang bibig habang nakatingin sa mansyon na nasa harap namin ngayon or should I say sa harap ko ngayon. 'Di ako makapaniwala at sa maniwala kayo o sa hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganito ka laking bahay. Grabe ang yaman naman nila. There are only three storey yet napakalawak. Maduduling ka talaga kung hanggang saan ang dulo ng gilid ng mansiyon. Andito palang kami sa pathway ah.
Parang gusto ko na tuloy magpatayo ng ganito kabonggang bahay now na starla!joke hehe.
" What are staring at? You're drooling already woman" bakas sa boses nito ang pagkairita sa nakita. I just rolled my eyes at pasimpiling pinunasan ang bibig ko pero wala namang laway. Luko talaga to! At teka nga bakit ba nandito siya? Sumunot pa talaga pwede naman siyang maiwan sa school.
Tinaasan ko siya ng kilay at pumasok sa loob ng dire-diretso. Well, someday malay natin, sa isang iglap lang magkaroon din ako ng ganito kalaking bahay.
Feeler noh?
Naalala ko tuloy yung ginawa ko sa kanya kanina.
Pagkagising kasi niya ay biglang nagwala na akala mo baliw kaya ayon nakadalawang suntok siya sa akin.
Nakatulog agad! Nacucurious nga ako bakit andali niyang makatulog sa suntok ko. O my! Hindi kaya may super strenght ako? Or mahina lang talaga ang kuya niyo o baka naman bakla ang hinayupak. Hmm?.
Bumalik ang Dad niya sa office kanina dahil may nakalimutan daw siya. At sakto naman non nong pagsuntok ko sa anak niya.
Akala ko magalit pero bigla ba namang tumawa na parang baliw nong nakita niyang nakahandusay ang anak niya sa sahig. Tagal pa nga niya nakaget over e akala ko kailangan gawin ko rin ang ginawa ko sa anak niya para tumahimik mabuti nalang tumigil.
" HOY BABAE ANONG GINAGAWA MO JAN?" sigaw ng Young Master ko daw kuno nong isa isa kung binuksan ang mga kwarto. Unfortunately nandito na agad ako sa second floor dahil gusto ko magpahinga. Masakit na ang paa ko kakalakad sa lawak ba naman ng mansiyon nila. This guy is too bossy sakit sa eardrums.
" Paki mo? Gusto ko lang magtingin tingin,aangal kapa?" pinandilatan ko naman siya ng mata, sige mamatay ka sa makamandag kung tingin. Gwapo sana ang sama naman ng ugali.
" WHAT A TWO-FACED WOMAN" "
Sinamaan ko siya ng tingin at hihirit pa sana ako ng biglang may nagsalita sa likod namin.
' Young Master sasamahan ko na po si Bravery sa magiging kwarto niya" ani ng matandang babae na nakauniform. Hay! Salamat naman ay may nagvovolunter. Gusto ko na talaga matulog.
But wait? Paano niya nalaman pangalan ko ?
Hmm? Kung sa bagay baka tinawagan siya ni Madam Ford. Masaya akong sumunod sa matanda. Hula ko siya ang head ng nga maid. Iba kasi ang kasuotan niya kumpara sa mga nagkalat na maids ka nina.Pagdating namin sa kwarto ko ay agad akong napatalon sa kama na parang bata. Never pa ako nakahiga ng ganito ka lambot sa tanang buhay ko, gumulong gulong ako at himihiyaw sa sobrang tuwa. Ang sarap sa feeling.
" Ang lambot pooooo! Ang sarap gumulong gulong" natutuwanh sigaw ko habang pinagpatuloy ang paggulong sa kama.
Natawa nalang si Lola sa akin.
Nang may naalala ako. Agad kung umupp at inayos ang sarili ko.
' Nga po pala ano po pangalan niyo?" Nakangiti kung tanong dito. Halatang maganda si manang nong kabataan niya. Matangos ang ilong ang may mapupulang labi. May apo kaya siya? Gusto ko makilala, lalaki sana para pede ko landiin haha!
" Tawagin mo akong Manang Lusing' ani nito at inayos ang vase na nasa maliit na lamisa.
Taray! Parang yamanin nadin ako nito ah.
" manang lusing? Diba pwedeng Lola losing' bigla niya akong tinignan ng masama kaya natakot naman ako.
" Dont you ever do that' pagbabanta niya. Charr napaenglish tuloy.
" Eexplain ko lang sayo kung ano dapat mong gawin." Ani nito kaya napaupo ako ng maayus at hinintay na maexplain siya. Tumayo siya ng maayos at tinignan ako sa mga mata. She's so professional, sa tindig palang at sa facial expression niya halatang sinanay ng husto.
" Una Dapat mong gisingin ng maaga ang Young Master."
Soss easy, kahit pa araw araw ko babasagin eardrums niya.lol!
' Pangalawa dapat nakahanda na ang towel niya at mga damit niya bago siya maligo.'
Luhhhh pati underwear? Gusto ko yan!
"Pangatlo, kailangan mo siya lutuan ng nilagang itlog sa umaga kasama narin yung gusto mong lutuin para sa kanya. Allergic siya sa shrimp at mani kaya bawal yun sa kanya. Sa tanghali di muna poproblemahin kung ano kakainin niya, siya na ang bahala doon. Sa gabi make sure na may pritong itlog sa misa kung hindi makikita mo kademonyuhan niya" Ang Oa naman pala ng impaktong leon na yun? Ang hilig pa sa itlog. Jusko!
" Pang-apat dapat bago kayo umalis papuntang school kailangan mo siyang bigyan ng kape na may gatas dahil iyon ang gusto niyang inumin pagkaalis niya papuntang school para iwas antok. "
Grabeeeeeee..Daig pa bakla sa kaOAhan niya pupwedi naman si ang magtimpla para you know siya ang bahala sa lasa.
" Panglima, bago siya matulog dapat timplahan mo ng gatas ".
Gatas? Hindi ba siya nagsawa sa gatas nong baby pa siya?
"Pang anim, tulad ng sabi ni madam sa iyo, disisiplinahin mo siya sa ayaw o sa gusto niya at sa ayaw o sa gusto mo"
Napatango nalang ako. Basic naman pala. Para lang nag-aalaga ng sanggol. Napatawa nalang ako sa naisip. Baby Damulag haha!
" And Last! Bawal ka mafall sa kanya. Understand?'
' ABA ! MANANG LUSING HINDI NOH? NEVER AKO MAFAFALL SA KANYA NEVER. ANG LEON NA YUN NA SAKSAKAN NG KAPANGITAN NG UGALI? Sh*t no way!"
Agad kung react.
Napatawa nalang si manang at pinanliitan ako ng mata. Aning klaseng tingin yan? Mas assuming pa si manang sa akin.
' we'll see haha!Bukas kana magsimula. Pahinga ka muna. Kung nagugutom ka bumaba kalang sa kusina" ani nito at umalis.
Nilibot ko naman ang paningin ko tsaka ko napagpasyahang maligo kasi ang baho ko na. Pagpasok ko sa banyo napatalon nalang ako sa tuwa dahil sa lawak nito. Separated ang toilet and shower room. Bali pag pasok mo makikita mo ang ang lavatory na may malaking salamin at kapag lumingon ka sa kanan makikita mo ang bathtub. Tapos kapag gumilid ka ulit nasa left side and toilet nasa right side naman ang shower room. Ang ganda.
Tapos pink pa ang tiles na ginamit sa floor tas puti nalang ang sa wall. Ang galing, halatang expected na nila na babae ang gagamit.
Napagpasyahan kung subukan ang bathtub. Agad kung pinuno ng tubi ang bathtub para makababad ako. Yes, I know how to operate the tub, anong silbi ni uncle youtube kung di gagamitin.
Masaya kung nilaro laro ang bula hanggang sa nagsawa ako.
______
BINABASA MO ANG
Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)
RandomBravery Vei is a scholar in Fordand'E Academy where she meet her archnemesis Xuz Aldrich Ford that sooner became her Young Master. As she studying, she work for Xuz as she appointed to become his personal maid by his mother in exchange of being a sc...