AFTER TWO DAYSBw*sit na Leon iniwan na naman ako, p*tek! Sarap manapak ng impakto badtrip. Mabuti nalang talaga at binigyan na ako ng allowance ni Auntie.
Badtrip ako now guys sobra kahit pa kalkalin niyo kaibuturan ng damdamin ko. I mean kahapon pa pala, naalala niyo? Nong binigay niya sa akin na paper bag? Dress laman non, oo dress sabi niya susuotin ko daw pagkakinabukasan. Ayon umasa po ako na baka magdate kami kasi ang bait niya sa akin oh diba assumera si Vei. Oo pinairal ko ang kalandian ko, pero char lang. Di ako magkakagusto sa imapaktong yun pero malay natin. Lintik na isip to, ang daming pasikot sikot.
Haha oo nag assume ako! Nagsimba lang pala kami at ikinatuwa ko yun. Kasi naisipan niya akong yayain magsimba syempre naging mabait ang lolo niyo kahit sa maikling oras.
Ganon.
Kaya nga lang pagkatapos namin magsimba iniwan ako sa eri ni hindi man lang ako binigyan ng pamasahi pauwi. Bw*sit! Alam niyo nakakainit ng ulo. Galing pa kami sa simbahan pero ginalit na niya agad ako. Third time na niya akong iniwan ni hindi man lang nag bigay ni kahit piso. Nakakabw*sit! Alam niyo yun? Yung gusto niyo ng maniris ng kuto dahil sa inis. Ganon ang naramdaman ko ngayon.
Hayst! Buti nalang may pera ako ngayon.
Mabait lang pala ang gago kapag nagkasakit. Naghirap pa akong alagaan siya , may pa sabi sabi pa siyang, thank you for taking care of me dwarf I promise to be a good boss of you. L*ntek! Sarap niya sakalin, yung mawalan na talaga ng hininga, sagabal siya sa lalamunan ko.
Pagkapasok ko sa school ay dumiritso ako sa room namin. Muntik pa akong masubsub dahil hinarang ng babeng kalahi ni Leon ang paa niya sa daanan. Buti nalang nasalo ako ni hero.
" Ayos ka lang?" Napakagat ako ng labi dahil sa sempling titig niya ay kumabog ang dibdib ko.Oo inaamin ko crush ko na siya, kunti. Kunti lang naman at hindi malala, kalandian lang talaga to.
" Y-yes" nauutal kung sagot.
Nginitian niya lang ako na ikinangiti ko ng sobra. Gusto ko pa sana makipagtitigan kaya nga lang-------
" TABI DADAAN AKO PAHARANG HARANG" sigaw ng walang modong nilalang at dumaan sa gitna namin ni Hero kaya ang ending napaupo ako sa sahig. Bw*sit! Moment namin yun ng hero ko eh.
Inis kung tinignan si Leon habang tumayo at nagpagpag ng sarili,hindi naman siya nagpatalo dahil nakipagtagisan rin naman ito ng tingin bago lumabas ng room. At saan naman pupunta yun? Hindi ba yun papasok?
" Hayaan mo na siya Babaylavs! Ganyan talaga yan! Minsan lang pumasok! Pero nakapasa naman haha!astig noh?" biglaang sabi ni cobby na tela nababasa ang iniisip ko.
Nginitian ko lang siya ng tipid.Natapos ang klase na kinukulit ako ni cobby. Dagdag sakit sa ulo.Ilang bises ko nang nasapak pero hindi parin tumigil.
" Sabay kana sa amin Baby Vie" pangungulit niya.Pilit kung inilayo ang sarili ko pero siya naman ang lapit ng lapit.
"May gag----"
Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko hinila na niya ako. Langya! Gusto ko ng peaceful na buhay pero heto ako, sakit na nga sa ulo yung boss ko pati ba naman ang ugok nato. Paksh*t! Kung makahila para akong kalabaw.
Sumunod naman ang dalawa sa amin.Kilala ko na pala ang dalawa sina Ruko at kyle. Pagdating namin sa cafeteria nagsitilian na naman ang mga babae ngunit bigla nalang silang natahimik nong nakita nilang kasama ako at nakakapit sa braso ko si cobby. Sandaling nagulat ang mga ito pero kalaunan ay biglang sinamaan ako ng tingin.
Ano paba ang aasahan ko edi nagmumukha na namang kuwago ang kababaehan dito dahil sa sama ng titig sa akin." Baby Vie doon tayo" sigaw ni cobby kaya bulongan na naman.
BINABASA MO ANG
Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)
De TodoBravery Vei is a scholar in Fordand'E Academy where she meet her archnemesis Xuz Aldrich Ford that sooner became her Young Master. As she studying, she work for Xuz as she appointed to become his personal maid by his mother in exchange of being a sc...