CHAPTER 64

18 1 0
                                    

" What are you doing here?" taka kung tanong nang umayos na ang paningin ko. Nakaupo kasi ito sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

" Binuhat ka"

Ah.Binuhat lang pala. Napaayos ako ng upo nang makita may pagkain sa kalapit na misa. Tatayo na sana ako ng marealize ang sinabi niya. Wait what? Binuhat niya ako? Agad agad kung ginala ang tingin ko sa buong paligid.

Hindi ito ang kwarto ni Cassidy.

" Bakit mo ako dinala dito? " balisa kung saad at napayakap sa sarili ko. Mamaya may ginawa siyang hindi kaaya aya sa sarili ko.

He chuckled.  Natigilan ako dahil sa mahinang tawa nito. That was so angelic. So good to hear. " Silly. I can't do that to you unless you like being touch" nakasmirk nitong saad.

Wala sa sariling binato ko siya ng unan. Ang bastos mag isip. " You pervert. Isusumbong kita sa pulis kapag ginawa mo iyon" matapang kung saad at patuloy siyang pinalo sa pangalawang unan na nahawakan ko.

" Magagawa mo iyon sa lalaking mahal na mahal mo at hindi mo kayang kalimutan?"

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. What was he talking about?

" Oh come on. You were moaning my name and said those word while you were sleeping. Hindi mo ako kayang kalimutan. Patay na patay ka sa akin" nakangisi nitong saad.

" Hindi ko sinabi iyon. Gumawa ka nalang ng kwento ang badoy pa at hindi kapani paniwala."

" Bakit ? Mali ba ako?"

Napabuntong hininga ako at bumalik sa pag upo.

" Ang yabang mo. " frustrated kung bulong. Napahawak ako sa tiyan mo dahil nagugutum na ako.  Amoy na amoy ko kasi ang pagkain sa misa kaya mas lalong nagwala ang sikmura ko.

" Kumain ka na Vei. Para sayo ang lahat ng ito. Alam kung gutom kana. What do you want? Lunch in bed?"

Hindi ko na siya sinagot at tumayo na para kumain. Para naman pala sa akin eh.

Buong kainan ko parang tangang titig ng titig sa akin ni Xuz. Kunti nalang at iisipin kung nagpapacute ito sa akin. Pero hindi ko nalang pinansin iyon dahil ayuko mag assume.

Nagtaka nga ako eh kung bakit inaalagaan niya ako. Ni hindi na narinig ang himig ng lamig sa pananalita niya sa akin. Weird talaga.

Alas tres na ng hapon ng mapagpasyahan kung bumalik sa Bh ko. Nang makalabas ako ng gate ay nakita ko ang mamang kumuha ng basura kagabi na nagwawalis. " magandang umaga po manong. Ang sipag niyo naman po" nakangiting bati ko dito.

Napatingin ito sa akin nga masama kaya sandaling nagulat ako ngunit kalaunan ay nakangiti na ito. Oh di kaya namalikmata lang ako.

"Magandang umaga ija. Kay ganda narin ang umaga ko at nasilayan ko ang maganda binibini na kagaya mo"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Bolero si manong.

" Haha. Nako nambobola kayo manong. Kayo po ba ang pumalit sa dating tagawalis ng kalsada?" tanong ko.

" OO ija. Alam mo na matanda na iyon at kailangan ng magpahinga. "

" kaya nga po. Pinagsabihan ko nga po iyon eh. Sige manong balik na ako sa kwarto ko. Mag ingat po kayo lagi" saad ko bago tumalikod. Ngunit nakita ko sa anino namin na sinundan ako ng mama at akmang hahawakan ako nang may tumawag sa akin.

" VEIIIIIIIIII. Ang bagal bagal mo naman. Bilisan mo kaya magbihis at malalate na tayo. " sigaw ni Xuz na mula sa balcony ng kwarto niya.

Taka ko naman itong tinignan. Huh? Saan ba kami pupunta? Wala naman siyang sinabi sa akin kanina ah.

Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon