Pagkatapos kung magbihis at magbabad ng sarili. Again pabagsak akong napahiga sa kama habang pangiwing hinihilot ang braso at hita ko. Pakshit na panot na yun, jusko patawarin niyo ako.
" Aray ko!" Daing ko nong hinilot ko braso ko.
Ang sakit, siguradong mahihirapan ako makakilos bukas.
🎶Nag-iisang muli, yakap-yakap ng ulan sa lupa
Maghihintay nalang ng muling pagdating mo 🎶Unknown calling.....
Ring tone po yun..kaya dali dali kung kinuha sa bag ang Cellphone ko.
Unknown calling.....
Sino naman kaya itong hinayupak na ito at may number sa akin?huwag ko nalang kaya sagutin, wala naman akong binibigyan na number eh! Diba?
Napagpasyahan ko nalang sagutin baka emergency hehe..o baka naman si crush hero hehe!
"HEllo? Sino po sila.?"
(Im going to your room . Are you not sleepy yet?) Malamig na boses ang sumalubong sa tenga ko na siyang ikinakabog ang dibdib ko. Wow! may pa kaba kaba effect kana ngayon heart ah.
"HO?sino ka paano mo nalaman number ko?" Inis kung sabi at binaliwala ang kakaibang kaba na naramdaman ko.
(Silly! Its me your Babylion! Nandito na ako sa pinto mo! Let me come in or else sisirain ko ang pinto)
Did he say your babylion? Luh! Parang timang lang umiinit ang pisngi ko hehe!Agad akong tumayo para mapagbuksan siya ng pinto. Pagbukas ko nakapantulog na siya. Nakapajama lang at nakasando kaya nag iwas ako ng tingin, masayadong mainit ang view. Naitas ko biglang ang kilay ko at muling napatingin sa kanya nang bigla bigla nalang siyang pumasok kahit hindi pa ako pumayag.
" HOY! kapal ng pays mo lion! Umalis ka nga jan bakit kaba nandito? Nabigyan na kita ng gatas mo ah! Ano kailangan mo?" Singhal ko
Humiga kasi siya sa higaan ko alam naman niyang pagod ako dahil kay sir panot eh! Nandon pa nga siya tapos mambubulabog nalang.
" Im here to massage my babydwarf isnt it sweet?" muntik na ako mabulanan sa sarili kung laway sa sinabi niya.
" A-nong ma-ssage ka jan! Pinag sasabi mo" medyo nahihiya kung sabi pero hindi ko pinahalata iyon baka isipin pa nito na easy to get ako.
Tinititigan niya akong mabuti na parang binabasa ang nasa isip ko. Nilikot ko pa ang ulo ko para naman hindi ko siya matignan pero walangyang mata di ko maiwasang mapatingin sa kanya kaya ang ending titigan kami, matalo pangit.
*blush
*kagat labi
*lunok
Handa ang kamao ko kung gagahasain niya man ako ngayon. Aba kahit gwapo ito ayukong magahasa ano. Wait did I say gwapo?No way, he is not, pangit siya pangit.
" You're so pretty" seryoso niyang sabi.
Paos ang boses niya ngayon at feeling ko bagay na bagay sa kanya ito. Umiinit na naman ang mukha ko . Pangalawang bises nato ah, ang una doon sa park ,ngayon naman dito. Pangalawa ba o sadyang hindi ko lang napapansin na lagi na pala akong namumula.
" Come here " bigla niya akong hila pahiga kaya mabilis akong napaupo at tinakpan ang sarili ko.
" Ano gagawin mo? " kunyari takot kung tanong. Tulad nga ng sabi ko kanina handa na kamao ko kung may gagawin man siya sa akin na masama noh.
" Haha! Easy. i wont eat you! Massage lang kita i know you're tired . The three of you were like an idiot , subra nakakatawa" natatawa niyang sabi
"Talaga? Kasalanan yon ng mga gago mong tropa..kinain kasi yung pagkain na para sayo eh" nakasimangot kung usal at napairap.
Hininaan ko ang three last word para naman hindi niya marinig, kaya nga lang parang tengang dwende to eh, ang talas ng pandinig.
Sumilay ang mapang asar niyang kita kaya napayuko ako. Dapat ba maraming bisis mamula? Besh ngiti lang naman yun ang babaw mo Vei.
" That's why you chase them and did not ever care about the damage huh.?"
Nakagat ko ulit ang pang ibabang labi ko, bakit ba ang sexy niya tignan pag nag eenglish siya?Nagulat ako nong bigla niyang hapitin ang beywang ko palapit sa kanya dahilan para mahalikan niya ang ilong ko.
Biglang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako nakapag react agad. Unti unting nanlambot ang tuhod ko nong nagtama ang mga tingin namin kaya napakagat ako ng pang ibabang labi ko para mapigilan ang gustong kumawalang tili sa bibig ko. Shit! Please stop him Vei.
" dont bite your lip" pigil hininga akong natuod sa kinauupuan ko, ramdam ko din ang pagbigat ng hininga niya katulad ko.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ,buhat ng pagtitig niya sa labi ko pagkatapos niyang sabihin yun, dahan dahan akong napapikit dahil sa kaba. Gusto kung siya itulak pero hindi ko magawa kasi hindi ko alam eh!
Hahalikan niya ba ako. Mawawala naba first kiss ko.? Nono.
" Hey ! Bakit ka nakapikit? Are you waiting for a kiss babydwarf? Hahaha"
Napadilat ako sa tawa niya, kahit kinakabahan ako pilit kung nilaban iyon at at nanginginig pa kamay ko na sinapak siya. Kapal talaga ng muka, kinakabahan ako kaya ako napapikit, hindi ako naghihintay noh.
Pakkkkk!
"Ouch! Haha! Sapak ba yun ng pagmamahal My babyd---------heyyy ouch ! Stop.it"
Pinalo palo ko kasi siya ng unan.Gago! Nakakahiya na nga mang asar pa.
" stop it or else ill kiss you ! Choose"
Kaya natigil ako sa paghampas sa kanya.Tumayo ako at pilit na hilain siya para makalabas.
" Umalis kana dito pinapainit mo ulit ulo ko. " inis kung sabi.
" No hindi pa kita nahilot. Hey! "
Pilit ko siyang tinulak pero ang lakas niya hindi ko siya kaya. Maya maya lang bigla niya akong binuhat na pang bridal style( insert blush is on) kaya nagpupumiglas ako.
" Ibaba mo ako ano ba. "
BLAAAGGGG
" aray ko. Bwesit ka lion ang sakit ng balakang ko" daing ko at hinawakan ito
" Come here massage kita. Wag ka maarte ikaw na nga tutulungan. Come ! Para hindi yan lalala bukas, sige ka. " masungit niyang sabi .
Wala akong magawa kundi sundin siya. Nilagay niya sa hita niya ang paa ko at sinimulang hilitin ang braso ko. Napangiwi ako sa tuwing tumama ang kamay niya sa masakit na parte ng braso ko.
" pag talaga mamamaga yan bukas. Malalagot ka ka sa akin" banta ko.
" promise hindi yan!" Sabi niya kaya hinayaan ko nalang.
Maya maya lang nawala na ang sakit. Ang galing niya magmasahi. Hanggang sa naramdaman kung unti unti na akong inaantok dahil sa ginawa niya kaya napahiga ako.
" Lion?" Inaantok kung tawag sa kanya. Patuloy niya parin akong hinilot. Ngayon naman ang paa ko.
" Yes?"
" Who's kate?"
" she's my ex babydwarf" diretso niyang tugon and this time hinihimas niya buhok ko.
" do you still love her?" Papikit pikit kung tanong. Antok na antok na talaga ako.
" No ! Kaibigan nalang turing ko sa kanya ngayon "
Napangiti ako sa sagot niya.Bago pa man ako nilalamon ng dilim naramdam ko ang paghalik niya sa noo at kamay ko.
"Sleepwell babydwarf I L**********" bulong niya
Hindi narinig ang huli niyang sinabi dahil nakatulog na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)
RandomBravery Vei is a scholar in Fordand'E Academy where she meet her archnemesis Xuz Aldrich Ford that sooner became her Young Master. As she studying, she work for Xuz as she appointed to become his personal maid by his mother in exchange of being a sc...