Xuz Aldrich Pov
" Son you need to eat" mahinahong pakiusap ni mommy habang nakatayo ngayon sa harapan ko. Napatawa ako ng mapakla. Sinandal ko ang ulo ko sa kama at tinignan si mommy na walang gana.
" Really mom? I told you I wont eat until you let me go. " sarkastiko kung sabi habang umiiling.
Kita kung napahilot ng sintido si mommy at kalaunan ay pilit na inagaw sa akin ang hawak hawak kung beer, bahagya ko naman hinabol ito gamit ang kamay ko pero hindi na nito ito naabutan pa.
" You need to eat first Xuz Aldrich. Isang araw kanang hindi kumakain. Pero nag-iinom ka ng alcohol. Nakakasama yan sayo anak please. Manghihina ka please kumain ka muna anak" pagsusumamong saad nito.
Muli akong kumuha ng panibagong bote at uminom ng mabilis hanggang sa naubos ko ang bote ng beer bago ako nagsalita. " ha.hik.Mom Matagal ng mahina ang katawan ko nong pilit mong pinapalayo sa akin ang mahal ko." Mahinang saad ko ngunit bakas ang inis ko. Ang kulit.
Hindi ko magawang magalit kay mom kahit na siya mismo ang dahilan kaya nagka-ganito kami ni Vei. Mommy ko parin siya.Oo galit ako sa kanya dati dahil wala siyang time sa mismong anak niya pero matagal na iyon at napatawad ko siya at napalapit nga ako sa kanya and it was because of my Babydwarf. She's the reason why we're okay. Pinaglapit niya kami ni mommy, siya ang umayos ng relasyon namin but what now? Wala siyang utang na loob. Pinapalayo niya ako sa taong nag-iisang dahilan kaya maayos kami ngayon.
Nagbukas ulit ako ng panibagong bote at tuloy tuloy na ininom ito hanggang sa maubos. Kaya muli ulit akong nagbukas ng bote pero inagaw ito ni mommy sa akin kaya pilit kung inabot ito. But hindi ko magawa dahil nahihilo na nga ako kaya ang nangyari ay natumba ako sa kama. Buong araw akong uminom ng alak at napatawa nalang ako dahil ngayon pa talaga ako natamaan nito.
Agad kung pinatong braso ko sa mukha ko kasabay ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan . I miss her badly. I miss my babydwarf. Gusto kung bumalik sa probinsiya pero bantay sarado ako ng mga guard ni mommy. Wala ang mga kabigan ko para tulungan ako makatakas. Sila lang ang dahilan kaya nakakagala ako nong high School ako. And now kailangan ko sila. I need them to see my baby dwarf.
Ruko, Hero, Cobby. I need you all. Sana nandito kayo.
Alrich Pov
Napatakip ako ng bibig ko para pigilan ang hikbi ko. Nasasaktan din ako kapag nakikita kung nahihirapan ang kapatid ko. Rinig na rinig ko mula dito sa labas ng pinto niya ang mahinang hikbi niya.
Huling nakita kung umiyak ang kapatid ko nong namatay ang bunso naming kapatid at sinisi niya sina mommy at daddy non dahil sa kapabayaan nila. And now he is crying again at alam kung dahil ito kay mommy. Sinasaktan niya ang kapatid ko, dahil sa kanya nasasaktan siya ngayon.
Hindi ito pwede I need to make way for my brother. I need his friends help. Kailangan ko silang macontact as soon as possible.
Bumalik ako sa kwarto ko. Nadatnan ko ang anak kung si Kcunor ng nagbabasa ng libro. Napansin niya ako kaya napatingin ito sa akin.
" Mommy is tito Drich okay? What really happen?" Tanong ng anak ko. Napangiti ako dahil kahit ang bata bata nito ay may pakialam parin siya na nangyayari sa paligid niya.
" Son. Tito Drich is fine. But now you need to go to sleep. Maaga pa tayo bukas para dalawin si Daddy". Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya at agad na nagtatalon sa kama.
" My daddy. I'm excited to see him again" sigaw niya at agad na nagtalukbong ng kumot. Napatawa naman ako sa inasta niya.
" Good night mommy. I love you" humihikab nitong sabi.
" Good night son. I love you"
Hinalikan ko siya sa noo at pisngi bago nagtungo sa banya. Idadial ko sana ang number ni Hero ng makita ang pangalan ni Vei. Agad ko namang sinagot ito.
" HELLO vei?"
Ate Alrich Im sorry for the disturbances but I need your dad's location please help me.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya pero kahit ganon ay bingay ko ang address kung saan namamalagi si dad ngayon.
Thank you ate Alrich. I need to go. Bye.
Agad ako nakaramdam ng kaba dahil sa paghingi nito ng address ni dad. Surely mom will get mad at me dahil binigay ko ito.
Magtatanong pa sana ako kung bakit niya hinihingi pero agad na niya itong pinatay. Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa frustration. Masyadong magulo ang buhay ng pamilya ko. Napabuntong hininga nalang ako at agad na tinawagan ang sadya ko para makatulong kay Xuz.
Kinabukasan, pagkatapos kung maihatid si kcunor sa daddy niya ay agad akong dumiretso sa NAIA para salubungin ang pagbabalik ng mga kaibigan ni Xuz.
Mga ilang minuto ako dumating bago naglanding ang Aroplano na sinasakyan nila. Nandito ako sa waiting area habang inaabangan sila. Mayamaya lang ay tanaw ko ang apat na nilalang ma kagabi ko lang kinontak.
" Kate, Hero, Ruko at Cobby. Welcome back to philippines" saad ko nong nakalapit sila sa akin. Isa isa ko silang niyakap.
" Oh. Ate alrich. I've miss you so much" mangiyak ngiyak na saad ni Kate. Mas lalo naman itong sumiksik ang balikat ko.
" Ate. Bakit nangyari ito sa atin? Ito ba ang kapalit ng masasayang pangyayari sa buhay natin noon?. I can't believe this." Humihikbing saad nito.
" hush now kate. Everything will be soon alright"
" My family. Hindi sila okay. Kung hindi sana ako umalis edi sana nagabayan ko sila."
" No Kate. Kahit nandito ka. Wala ka paring magagawa dahil kusa itong dumating sa atin. Sinubok tayo ng panahon at ang tanging gagawin lang natin ay ang magdasal at lumaban. Naniniwala akong may dahilan ang lahat kate" mahinahon kung saad, kita ko ang bahagyang pangtango nito hababg nakayakap parin sa atin.
Napatingin ako sa tatlo at halata din sa mukha ng mga ito ang lungkot. Kung si Cobby ay kala mo manok kung makaputak ay ngayo'y sobrang tahimik.
Nasa biyahe kami ngayon at ngayo'y sinusubukan naming macontact si Vei. Pagkatapos niyang tinanong sa akin ang address ni dad kagabi ay hindi ko siya makontact pa.
" F*ck where is she? Out of coverege lagi" mahinang usal ni Cobby.
" kagabi pa yan. Hindi ko na siya makontack pagtapos ko kayong tawagan" saad ko habang nasa daan parin ang tingin ko.
" kung nakapatay ang phone niya hindi talaga natin siya macontact. What if tawagan mo ang mom mo babe? Baka may alam siya kung nasan ngayon si Vei?" Sandali kung tinignan si Hero.
" Tama. Kate call here now. "
" Yes ate.----- sh*t. Bakit pati si mom hindi macontact?"
Kunot noo kung tinignan siya mula sa salamin ng kotse ko. Jusko!
" Baka lowbat mom mo Kate. Diba sabi mo nacontact mo siya kanina bago tayo sumakay ng eroplano? "Tanong ni Ruko dito
" YEAH. pero. What if. May nagyari sa kanya ? Masama ang kutob ko. Hindi ko a-lam gagawin ko pag may mangyari kay mommy."
BINABASA MO ANG
Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)
SonstigesBravery Vei is a scholar in Fordand'E Academy where she meet her archnemesis Xuz Aldrich Ford that sooner became her Young Master. As she studying, she work for Xuz as she appointed to become his personal maid by his mother in exchange of being a sc...