CHAPTER 71

14 1 0
                                    

Cassidy Pov

Nandito ako ngayon sa likod ng mansiyon ng mga Ford. Pinoproblema ko lang naman kung paano ko akyatin ang matataas na bakod nato? Sino ba kasi ang designer nito at talaga umabot pa ng pitong  metro ang taas.  Kaimbyerna. Kailangan kung makausap si Xuz, kailangan ko siyang makausap ngayon din.

May narinig akong kaluskos kaya agad akong naghanap ng matataguan, mabuti't may nakita akong malapit na puno.

" Cobby sigurado kaba sa gagawin natin? Paano kung palpak. Kilala kita palagi ka nalang palpak sa lahat ng plano mo" masungit na saad ng may pulang buhok.

" Grabe ka naman Ruko. Kung wala kang tiwala sa akin hindi ka nalang sana sumama. Dami mo pang sat sat. Kanina kapa ah! Ano suntukan nalang tayo dito. Sinong unang matumba talo." asik naman ng lalaking may abong buhok.

Ang swerte ko naman ang may mga adonis na kusang lumapit. Ang gagwapo hehe!

" Tama na nga yan. Kanina pa kayo sa daan nagtatalo. Baka may makarinig sa inyo" saad naman ng may itim na buhok.

May sinabi pa ang dalawa pero hininaan na ng mga ito. Hindi ko na narinig. Pero ang cucute nila.

" Teka lang, sino ang mauuna sa atin? ". Tanong  naman ng lalaking may blonde ang buhpk. Kaya nagkatinginan ang tatlo at tela ng tutulakan kung sino mauna sa pamamagitan ng tingin. Napahalukipkip nalang ako sa nasaksihan. 

Pagkatapos nilang ihagis ang lubid sa taas ng puno ay natutulakan naman sila kung sino mauuna sa kanilang apat. Kaya agad akong lumabas sa pinagtaguan ko at lumapit sa kanila na ikinagulat nila. I smirk.

" S-sino ka?" Sabay sabay nilang tanong. Nginitian ko nalang sila at ako na unang umakyat. Nong nasa taas na ako ay muli ko silang tinignan. Lahat sila nakanganga kaya napatawa ako ng mahina.

" mga duwag. " saad ko at tumalon. Napangiwi ako ng biglang may lumabas na guard kaya agad akong nagtago sa isang halaman.

" may narinig kaba bro?" Tanong ng isang guard habang inikot ang tingin sa paligid.

" Oo pero baka pusa lang iyon. Tayo na at matulog. Maaga pa duty natin bukas"

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na sila. Hindi ko alam kung paano ko naakyat nag tatlong palapag basta buwis buhay ang ginawa ko. Pagkapatong ko sa mismong terrace ni Xuz ay agad akong kumatok. Walang nagbukas kaya binuksan ko nalang. Mabuti nalang at hindi nakalock. Wews!

Daghan dahan akong naglakad dahil wala akong makita sa sobrang dilim ng loob. Hanggang sa may naapakan ako kung ano at nakarinig pa ako ng daing.

" Xuz? Is that you? It's me Cassidy" mahina kung bulong.

" Cassidy" matamlay na saad ng nasa paanan ko. Kaya dali dali kung hinanap ang switch ng kwarto niya. Matagal ko pang nakita dahil ang laki ba naman ng kwarto niya at ang dilim dilim pa. Wala naman akong flashlight o kaya phone para magamit. Mabuti na nga lang ay may ilaw ang switch, kaya halatang swith iyon.

Bumalik ako kung saad si Xuz pero laking gulat ko nalang na makitang duguan si Xuz at sobrang tamlay niya. Halatang walang saktong tulog at kain.Halatang halata kasi ang pangangayat niya.

_____

Nakahalukipkip lang ako habang pinanonood si Xuz na parang bata kung kumain. May dala kasi akong pagkain incase na hindi pa siya kumain. Hindi nga talaga siya nagbibiro na hanggat si mommy niya ang magluluto ay hindi siya kakain kahit mamatay pa siya sa gutom. Malaki nga talaga ang tampo niya dito.

" Thank you Cassidy. " pasalamat nito kahit puno pa ang bibig.

" Pasalamat ka may kailangan ako sayo. Btw. May mga Ingot sa labas ng bakod niyo. Gustong pumasok sa compound niyo. Hindi ko sila kilala pero baka kilala mo. " nahinto naman siya sa pagkain niya at tumingin sa akin.

Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon