CHAPTER 62

21 1 0
                                    

" Anak! Kumain muna kayo ng mga kaibigan mo. Ako na muna ang magbabantay sa daddy mo. Kahapon  kapa dito, kailangan mo ng kumain ng maayos" Dahan dahan kung hinaplos ang mukha ni daddy.

Hindi naman ako nagugutom.Hindi ako nakaramdam ng gutom.

" Mom. Ang payat na ni daddy. Sana magising na siya para maibalik na ang dating kalusugan niya." saad ko nang hindi inalis ang tingin sa dad ko. Naramdaman ko ang paglapit ni mommy at niyakap ako.

" He will be soon anak. Magigising ang daddy mo. Huwag tayong mawalan ng pag asa"

Mahabang panahon na siyang natutulog at mahabang panahon naring nagsaya ang may gawa sa
kanya nito. Hinding hindi ko siya mapapatawad. 

" Vei? Ang lalim ng iniisip mo. May maitutulong ba ako?" Mataman kung tinignan si Nayle. Natawa ako dahil bigla itong mapayuko.

" Whats wrong? Haha"

" Nakakailang pala kapag titigan ng mas maganda sayo hehe"  nahihiya nitong ani. Ang babaeng ito. Isang araw ko palang nakilala feeling close agad. Ayuko sa mga feeling close pero dahil hindi naman siya nagkukunwaring maging kaibigan ko. Why not.

" Bolera. Mas maganda ka kaya"

" Ikaw ang mas maganda. "

" Sige nga kung mas maganda ako bakit hanggang ngayon wala paring nagkakagusto sa akin sa school. Ni wala ngang lumapit sa akin para makipagdate eh"
matapang na saad ko at napatayo. Humalukipkip akong nakatayo ngayon sa harap niya habang nakangisi itong tinignan. .

" Iniisip mo yun? If Im not mistaken may bumubukod sayo. Hello sa ganda mong yan walang lalapit sayo para makipagdate?" bahagyang umarko ang kilay ko sa sinabi niya.

Possible kayang may pumipigil sa kanila para hindi ako lapitan?Napailing ako dahil imposibleng siya ang may kagagawan kaya wala man lang kahit isang lalaki na lumapit sa akin para makipagdate.

" Impossible?"

" Its possible. Hindi na iyan normal no"

" Girls tama na ang chicka. Uwi na tayo..May pasok pa bukas. "

______

Nagpaalam na kami ni mommy para umuwi. Kotse ni Leo ang sinakyan namin mabuti nalang at nakalibre ako ngayon ng pamasahi hehe. Nasa passenger set si Coddy kaya magkatabi kami ni Nayle ngayon. Nakayakap pa nga sa akin. Kitams ang feeling close lang niya.

Hanggang sa dumating kami sa tapad ng bahay ni prof. " Vie. Diba yan yung Jowa ni Kuya Xuz? Dito din siya nakatira?" Tanong ni Coddy na ikiirap ko. Nasa gate ito na tila may hinihintay. Nang  makita ang kotse ay agad nitong binuksan ang gate.

Bait naman.

" She is? Hindi ko siya nakita nong dumating ako dito. Dito rin siya nakatira leo?" tanong ni Nayle sa kasintahan. Nagkibit balikat lang si Leo kaya nakatannggap ng sapak mula kay nayle.

" ALAM MO ANG SARAP MONG KAUSAP"

" Aray ko naman"

Natatawa akong bumaba. Parang ako lang ang babaeng to..mahilig manapak. Naawa tuloy ako sa mga nasapak ko dati.

" Vei"

Pagbaba ko ay sumalubong agad si Cassidy sa akin, agad kung nilayo ang kamay ko dahil hinawakan niya ako. " Cassidy gusto mo ba ng away? Kahapon kapa ah. Naiinis na ako sa pagmumukha mo" matigas kung wika sa kanya. Umiling ito..

" No. I need to talk you"

" Well, I don't like talking to you.----------- Guys mauna na ako salamat sa ride"

" Sige Vei  kitakits bukas. Magmamall tayo after your classes" nakangiti kung tinanguan si Nayle. Pumasok na ang mga ito. Makikitulog din ata si Coddy dito. Maglalakad na sana ako nang may mga kamay na pumigil sa braso ko.

" Please vei. This is important. Please just listen to me"

How can I describe her right now? Ibang iba ang cassidy na nakita ko ngayon. She is begging. What for? Ano ba ang mahalagang sabihin niya at kailangan pa niyang magpaawa.

" Cassidy. Spell it out inaantok na ako. Make sure ba talagang importante yang sasabihin mo kundi baka masapak kita ng wala sa oras" walang gana kung saad dito.

"Vei not here..kailangan nating mag-usap ng walang makakarinig"

" Abat. May mamamatay ba kung dito mo nalang sabihin? May nalalaman kapag masinsinan. Pwede mo naman sabihin dito" nakahalukipkip kung wika habang kunot noo ko itong tinangnan. Kaso balisa ang mga mata nito, kung saan saan nakatingin.

" Vei. -------------

" Magandang gabi sa inyo. Kailangan ko na ho kunin ang basura ninyo" 

Nabaling ang tingin ko sa mamang kumatok sa gate. Talaga? Sa ganitong oras may kukuha ng basura? Pwede ba yon? Naramdaman kung humawak sa braso ko si Cassidy. Masama ko naman itong tinignan dahil nasasaktan ako sa higpit nito.

" MANONG. Mabuti naman at narito kayo..
Akala walang kukuha ng basura. Hindi na kasi ito aabutin ng bukas at itoy uulurin na. " biglang sigaw ni Ate Melan. .

" Pagpasinsiyahan mo na maam. Marami kasi akong ginagawa kanina at nakalimutan ko. Kayo mga ija? May basura ba kayo para isabay ko na" tanong nito sa amin.

" ha-- ahh..wala na ho." sagot ko.

" Sige mga ija. Aalis na ako. Maglock ng mabuti para safe okay?" Saad nito nang nakatingin sa akin. Peke akong ngumiti dahil maypagkamesteryoso ito kung magsalita.

Nang wala na ito ay binalingan ko ng tingin  si cassidy. Nagtaka naman ako dahil tagaktak ang pawis nito, ang lamig lamig ng panahon e .

" Baka naman pwede mo na akong bitawan bruha ka. Alam mo bang bumabaon na ang kuko mo sa balat ko" bulyaw ko dito. Natauhan ito nang tapikin ko ang mukha nito.

" ha? Ah. Ano. Sorry Vei. Hi-hindi ko si sina-sadya. Ka-kailangan na talaga na-ting mag usap" saad nito nang nakatingin lang sa gate kung saan nakatayo ang mama kanina.

" Alam mo Cassidy. Pumasok ka nalang at matulog. Ayusin mo muna ang sarili mo bago kita kausapan. Tignan mo ang sarili mo sa salamin para kang sisiw na  giniginaw. Pero parang hindi ka naman giniginaw sa lagay na yan kasi pawis na pawis ka sa ganitong oras ng gabi. "

Nanginginig kasi ito at namumutla. Malamig din kasi ang kamay nito.

" Veiiii. Please tabi tayo matu-log. Kai-langan ko ng kasa-ma" .

" NO WAYYYY" agad kung sigaw.

Nagpupumiglas ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at kinaladkad papasok ng bahay. Baliw ba siya. I hate her to the point na isusumpa ko na ang babaeng to at ang lakas ng loob para magpasama sa akin na matulog. Close ba kami.

" ARRRGGGG. Cassidy. Bitawan mo ako ano ba" sigaw ko ng makapasok na kami sa isang malawak na silid.

" Vei. Samahan mo ako kahit ngayon lang"

Di makapaniwala ko siyang tinignan. " We hate each other tapos magpapasama ka sa akin?" Turo ko sa sarili ko. Napayuko ito at bahagyang nilaro laro ang daliri niya. " yeah you hate me but i dont hate you vei.  I really dont hate you. Kailangan ko lang gawin yun para mabuhay. You don't know how much I wanted to be friends with you but I can't." nahihirapan nitong sabi. Unti unting nagsituluan ang luha sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng awa. Nakakaawa pala tignan kapag ang kaaway mo ay umiiyak sa harap mo.

Kinalma ko ang sarili ko para hindi ko siya masigawan. Hindi ako makapaniwala sa inakto niya nitong nagdaang araw. Mapagkumbabang Cassidy ang nakita ko sa kanya at hindi ko iyon tanggap dahil baka umaacting lang siya at pinaglalaruan na naman ako.




Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon