Chapter 51

139 9 0
                                    

Tumawag ang parents namin na may advance celebration kami doon sa resort nina Xuz. Remember 8 months ago noong prinank ako ni xuz. Malinaw na malinaw parin sa akin ang pangyayaring yon. Hanggang ngayon natatawa parin ako sa naging reaksyon ko doon. Gush! Para akong tanga iiyak iyak tapos prank lang pala.

" It seems you were having a funny imagination babydwarf" pambabasag ni xuz sa iniisip ko.

" Haha! Naalala ko lang ang prank mo sa akin" hagikhik kung sabi. May kiliti na naman kasi dito sa puso ko.

" Bakit? Hindi lang ikaw ang marunong magprank noh. I was scared before. You pranked me about amnesia. Gumaganti lang ako haha" sabi niyang nakatuon parin ang tingin sa daan.

Tsk! Sabi ko na eh! Gaganti siya.

Like duhhh! Nakakatuwa kaya yung prank ko. Nakita ko pang umiiyak ang isang masungit na Xuz sa harap ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya.

" Babydwarf?"

" Hmmm?"

" Lagi mong itatak sa puso't isip mo na Mahal na mahal kita. Okay?. Ano man ang mangyari ikaw lang at wala ng iba"

Kinakabahan ako sa sinabi niya. Para bang may ibang meaning yon at hindi ko gusto ang nasa isip ko.

" At dapat ganon karin babylion. I love you too" pilit kung pinasigla ang boses ko para hindi niya mahalata na kinakabahan ako sa sinabi niya. Pagdating namin sa resort nakahanda na ang lahat.

Nandito narin sina kate at Hero.

I wonder paano kaya naging sila? Ang ilap kasi ni kate kapag tinatanong ko bigla bigla nalang nagpapalusot. Ang alam ko lang silang dalawa na ni hero. Si hero naman kapag tinatanong ko deadma lang din ako. Puro walang kwenta kausap hindi ba?

The Hik!

" Amyyyyyy"

" Pwede ba kate kapag tinatawag mo ako wag ka sisigaw." Mataray kung sabi while raising my eyebrows.

" Bakit ba? Eh gusto kita tawagin in a loud tone eh" nakasimangot niyang sabi. Hinawakan ko ang pisngi niya at kinurot na ikinadaing niya.

" Ang sama mo. Babyhero oh si Amyyy inaaway ako" sumbong niya sa boyfriend niyang busy sa kakaML. Pero hindi man lang ito pinansin lahit sulyap man lang. Ouch! Kapag gagawin sa akin ni Xuz 'yan bibigwasin ko talaga.

" Yuck! Kate nakakadiri ka! Kailan kapa naging pabebe"

" Ngayon lang hehe" Wala kwentang kausap nga haha!!!

Nakita kung lumabas si Xuz ng bahay kaya sinundan ko siya. Balisa siya habang sinagot ang tawag. " Xuz? May problema ba?" Tanong ko.

Tinignan niya ako na walang kahit anong emosyon ang mga mata bago nagmamadaling sumakay sa kotse niya. Sinundan ko ito ng tingin habang naguguluhan, bakit umalis siyang hindi man lang nagpapaalam? May nangyari ba?

" Teka! Xuzzz anong nangyari. " sigaw ko

Pero mabilis niya pinaharurut ang sasakyan niya. Hinabol ko ang kotse niya at nagbabakasakaling maabutan ko siya pero ang bilis niya magpatakbo.Anong nangyari ?Naguguluhan ako tsaka kinakabahan, bakit ganito?

KINABUKASAN

Graduation day at ngayon isa isa na kaming naglakad sa gitna para kunin ang diploma. Mabigat ang hinanga ko habang nakikinig at pumalakpak. Wala ako sa sarili.

Wala si Xuz ngayon pati sina hero walang alam kung bakit hindi nakadalo si Xuz. Kahapon hindi na siya bumalik sa resort, paulit ulit ko siyang tinawagan pero hindi sumagot. Tinawagan ko rin sina tita at tito pero kahit sila hindi sinasagot ang tawag ko.

Ang Among LION at Ang Amazonang MAID ( Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon