Prologue

10.7K 259 30
                                    

Nagkakagulo na ang isang classroom dahil first day of class na naman kasi. Nagkakagulo sila hindi dahil sa muli nilang pagkikita kundi dahil sa ito na ang umpisa ng araw nang paghahanap ng boyfriend o girlfriend ng fourth year students. Requirement kasi ito ng school nila before they are allowed to graduate. Weird and funny school isn't it? But this is how this school works. 30 percent ng grading system ay nakasalalay roon. 60 percent naman ang sa academics and 10 percent sa co-curricular activities.

Sa ngayon ay isa-isang tinatanong ng guro nila ang buong klase kung meron na ba sa kanila ang taken na at kung sino naman ang single pa.

"Those who are taken, raise your hands please," sabi ni Mrs. Sicat.

Nagsitaasan naman ng mga kamay ang ibang estudyante. Binilang ito ng guro nila saka sinulat sa papel.

"And singles?"

May mangilan-ngilang tumaas ng kamay at nilista ito ulit ng guro nila.

Siniko ni Faye ang kaibigan niyang si Aliana.

"Bakit hindi ka nagtaas ng kamay nung tinanong ni mam kung sino pa ang single?"

Napakamot siya ng ulo.

"Tignan mo nga oh, puro mga lalaki lang ang nagtaas ng kamay. Nakakahiya naman na ako itong nag-iisang babae na wala pang dyowa ano."

"Eh paano yan? Single ka naman talaga eh," singit naman ni Troy na nobyo ni Faye.

"Bahala na. E di maghahanap. Problema ba yun?" kampanteng sagot niya.

"Huh. Goodluck 'day. Tignan ko lang kung may mahanap ka sa school natin ngayon na alam mo namang pick season na."

Natawa siya sa sinabi ni Faye na pick season. Dahil literally, umpisa na talaga nang paghahanap ng makaka-relasyon ng buong fourth year students sa campus na ito. Kaya kung mabagal ka talaga, mga left-overs na lang ang matitira sayo. In other words, mga sapin sapin na. Chaka. Ganun. Ikaw ba papayag makipaghalikan sa Testimonial Day sa isang chakang tao? Hindi di ba?

Napabuntong-hininga na lang si Aliana. Kung nandito lang sana ang childhood bestfriend niyang si Sky e di walang problema. Pwede niya itong pakiusapan na kunwari silang dalawa. Kaso wala eh. Nasa States ito. And never ina-allow ng school ang international relationship. Kaya ngayon, ito ang pinoproblema niya. Kung paano siya makakabingwit ng boyfriend na super gwapo, matalino at mayaman.

Hanggang sa pag-uwi niya ay ganun pa rin ang iniisip niya. Laglag ang balikat niyang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang bahay.

"Super gwapo...matalino...mayaman," inuusal niya sa kanyang sarili. Napahinto siya sa paglalakad.

"Tao pa ba kaya itong hinahanap ko?"

Naiiling na lang siyang nagpatuloy sa paglalakad nang may bumangga sa kanyang babae. Tumilapon ang mga gamit nito sa semento kung kaya naman ay tinulungan niya ito.

"Naku, sorry talaga miss ha?" sabi niya sa babae na hindi niya mamukhaan dahil tinatago nito ang mukha sa mahahaba nitong buhok.

"Okay lang. Kasalanan ko din naman. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko," mahina nitong sagot.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito sa kanya at nagmamadali pang tumakbo. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang mahagip ng tingin niya ang isang parisukat na papel sa lupa. Nang hinawakan niya ito ay hindi pala ito isang ordinaryong papel lang na may sulat. Nang binaliktad niya ito ay labis siyang nagulat.

"Ay dios mio! Tao pa ba ito??" bulalas niya nang makita ang litrato ng isang lalaki. A drop dead gorgeous man na nakita niya sa buong buhay niya. Tinignan niya ulit ang sa likod ng litrato. At ito ang nakasulat...

My dear Ali,

I love you always and forevermost. I will never leave your side anymore. I swear.

Love,

Z.

Alam niyang hindi para sa kanya ang message na iyon. Pero could it be fate ba talaga? Ali ang pangalan ng girl. And her name is Aliana, Ali for short. Kung sino man ang Z na ito, lubos siyang nagpapasalamat. Ngayon may ipapakilala na siya sa mga guro at kaklase niya na kanyang nobyo para hindi siya pagtawanan at asarin ng mga ito.

And the very good things is, nasa lalaking ito na ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki.

Super gwapo... CHECK!

Matalino...he really looks like one..kaya CHECK na rin.

At saka mayaman...well..with this kind of looks and physical features, it's a big CHECK!

Ang tanging problema niya na lang ay kung paano humabi ng kwento tungkol sa kanila ng Mr. Z niya. At kung saang lupalop ng Pilipinas niya ito mahahanap para makapag-usap sila tungkol sa kanilang dalawa.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon