Kabanata 38

1.3K 85 19
                                    

Ilang sandali pa ang lumipas nang may ma-realize ako. Nanlaki ang aking mga mata at wala sa oras na natulak palayo si Zeyzey. Kitang-kita sa reaksiyon niya ang pagka-gulat dahil sa ginawa ko.

"N-Niyakap kita. Sorry," ang nasabi ko.

Mahina siyang tumango at tumayo na. Dinig ko pa ang malalim niyang buntong-hininga.

"Tayo na," sabi niya kaya tumingala ako sa kanya.

Sumalubong sa akin ang malulungkot niyang titig. Ngumiti siya pero hindi no'n matatakpan ang sa kung ano mang sakit na nararamdaman niya ngayon. At ramdam ko rin iyon.

"Ihahatid na kita," muli niyang sabi.

Kaagad akong tumayo at inayos ang aking sarili. Habang naglalakad na kami ay nasalubong namin sina Keith at Alisa. Nagtatawanan pa ang mga ito subalit natigil din nang makita kami.

Sumeryoso ang mukha ni Alisa habang si Keith naman ay nakangisi pa rin. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay sinamaan ko siya ng tingin. Pinagkibitan niya lang ako ng balikat.

May humintong taxi sa tapat namin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Alisa at Zeyzey. Nagseselos si Zeyzey sa kanilang dalawa. Kapag nanatiling magkasama ang mga ito, baka mas lalong masaktan itong kasama ko.

Forgetting my own feelings, I need to do something. Huminga muna ako nang malalim bago hinatak si Keith. Bahagya pa itong nagulat sa ginawa ko.

"Mauna na kami ha?" nakangiting paalam ko kina Zeyzey at Alisa.

Nakakunot-noo akong tiningnan ni Zeyzey. Palihim ko siyang kinindatan bago sapilitang pinapasok si Keith sa backseat ng taxi. Ilang sandali pa ay sumunod na ako at sinarhan ang pinto no'n.

Nang umalis na ang taxi ay saka pa lang ako lumingon sa kung saan naiwan ang dalawa. Ngumiti ako nang makitang parang nag-uusap na ang mga ito. Ibinaling ko na ang aking tingin sa harapan.

"Masakit ba?" wala sa oras na tanong ni Keith.

Hindi ako umimik. Naiinis pa rin ako sa kanya.

"Naalala mo pa ba ang sinabi ko noon? Na after ng dance revo ay may maiinlove sa isa sa inyo. And there you go. I wasn't wrong. At hindi pa nagsisimula ang revo niyan ah."

Saka lang ako tumingin sa kanya. Alam kong inaasar niya lang ako pero seryoso ang mukha niya.

"And I told you na ako na lang ang kunin mong partner mo. But you're so hard-headed, AMC," disappointed niyang sabi.

"At bakit naman ikaw yung kukunin kong partner?"

"Because you will never fall in love with me," maagap niyang sagot saka tumingin sa labas ng bintana.

Naiinis man akong aminin pero parang may point naman siya ngayon. Siguro kung siya na lang ang pinili kong partner sa sayaw, hindi naman ako magkakagusto ng ganito kay Zeyzey. Wala siguro kaming constant communication 

Iyong magpapanggap lang kaming kami kapag nasa school at hindi na kailangan magkita sa labas.

Pero huli na ang lahat. Nandito na ako sa sitwasyong ito. May gusto na ako kay Zeyzey at hindi ko na alam kung paano ako haharap sa kanya sa tuwing magkikita kami.

Walang ibang pwedeng sisihin dito kundi ako mismo. I dragged Zairone in this mess. I put myself here. So it's all in me. Lihim kong kinastigo ang aking sarili.

Paano na ito ngayon?

***
Ang tanging solusyon ko ngayon ay ang iwasan siya. I mean, dapat hindi kami palaging nagkikita sa school. Kung dati...sa isang araw eh mga limang beses kaming nagkikita, dapat ngayon mga dalawang beses na lang. Mas mainam kung isang beses pa nga eh.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon