Kabanata 24

2.4K 124 31
                                    

Alisa's POV

I couldn't believe na si Z pa mismo ang nagmakaawa na piliin siya ng pekeng Ali na 'yon. Akala ko ba mahal pa rin niya ako?

Pero bakit gano'n? Hindi na niya ba ako mahal? Napagod na ba siya sa akin?

Napabuntong-hininga ako. Come on, Alisa. Iyon din naman ang gusto mo di ba? Pushing him away habang maaga pa. Kahit masaktan ako, okay lang. Dahil alam ko, sa huli...mas masasaktan lang siya.

"Ali? Anak?" dumungaw sa pinto ng room ko si mommy.

Napatuwid ako nang upo sa kama ko. "Yes,mom?"

"Dinner is ready. Nasa baba na rin ang daddy at ate Celine mo," malambing na sabi niya.

"Susunod po ako, mom," sabi ko at nginitian siya.

She gave me that kind of everything-will-be-alright look. Alam ko kung para saan iyon. Sana nga hindi ko na lang nalaman. Sana masaya pa rin ako ngayon.

Nang sumara ang pinto ay tinatamad akong bumangon. Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba at sumalo sa kanila sa dining room.

"Hi baby sister! I heard from Keith na kayo raw ang partner sa Dance Revo?" masiglang tanong ni ate nang nakaupo na ako.

Pinilit kong ngumiti sa kanya dahil ramdam ko ang paninitig sa akin ni daddy. As far as possible, ayokong makaharap si daddy. Ayokong nagkakasalubong ang mga mata namin.

"Narinig ko kasi siyang nagkukuwento kay Doctor Bhon," dugtong nito.

Ang daldal talaga ng lalaking iyon. Kuwento pa rin nang kuwento si ate tungkol kay Keith at sa daddy nitong si tito Bhon. Alam ko naman kung para saan iyon. Mas gusto nilang kami ang magkatuluyan ni Keith. Kaya pinagrereto kaming dalawa sa isa't isa.

"How's school, iha?"

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor sa tanong na iyon ni daddy. Nagbilang pa ako ng ilang segundo bago sumagot.

"Okay lang po," sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

Nagpasalamat ako na natapos ang dinner na iyon. Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko para magkulong. Nakahiga na ako sa aking kama nang tumunog ang phone ko.

Dali-dali ko iyong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext.

Babe Z:
Goodnight :)

Hindi ko alam pero bigla na lang bumagsak ang luha sa aking mga mata. Nakatingin lang ako sa phone na para bang nakikipagtitigan ako sa taong nagpadala ng mensaheng ito.

I miss you, Z. Sobra.

***
Z's POV

WALA sa oras na bumalikwas ako ng bangon nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa aking pintuan. Damn! I'm almost sleeping!

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad patungo sa pinto.

"Kuya! Open the door! Kuyaaaaaa!" sigaw ni Patty.

Inis kong binuksan ang pinto. Hindi niya yata na-anticipate ang biglaan kong pagbukas at nakahilig siya roon kaya naman na-out balance siya. Umatras din ako dahil baka mahawakan niya ako kaya tuloy-tuloy ang pagkadapa niya sa sahig.

"Ouch kuya!" reklamo niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako, maiinis o maaawa sa kalagayan ng kapatid ko.

"What do you need?" naitanong ko na lang.

Napangiwi siyang tumayo bago humarap sa akin. She's so disappointed and I don't even know why.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon