Kabanata 22

2.2K 124 22
                                    

'Pustahan tayo, after ng dance revo...one will fall in love with another. I just can't tell kung ikaw ba o siya."

---

Ali's POV

UMUPO ako ng tuwid nang makita siyang papalapit. Nagkunwari pa akong kumakain ng mansanas.

Dumako agad ang tingin niya sa plate na pinaglagyan ng jalapeño.

"Ubos mo na?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Oo naman. Sabi ko sa'yo di ba? Paborito ko ang mga ito," nagmamalaki kong sabi.

Nakangiti siyang umupo at tinawag ang waiter. Akala ko ay magbi-bill out na siya pero nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"One take out of jalapeño with Heinz ketchup," sabi niya sa waiter saka nagbigay ng pera pambayad sa kinain namin.

"Dalhin mo sa school. Kainin mo with your friends," sabi niya.

Kung hindi lang ito jalapeño, gusto ko sanang sabihin na ang thoughtful naman niya. Kaso hindi eh! Jalapeño ito! Maanghang! Tapos bibigyan niya pa ako ng take out?! Pakiramdam ko ay pinaparusahan niya ako. Huhu.

Napilitan na lang akong ngumiti. Ano pa nga bang magagawa ko? Hay.

"Thank you sa lunch, friend!" masigla kong sabi sa kanya habang naglalakad kami sa hallway ng school.

"Did you enjoy the lunch?" tanong niya.

Napaisip ako. Na-enjoy ko nga ba? Hmmm. Maliban sa pagkain ng jalapeño, all in all masasabi kong nag-enjoy naman ako.

Una, dahil nagsisimula ng mag-open up sa akin si Zairone.

At pangalawa, napapansin kong hindi na siya nagtitipid ng salita, ng ngiti at ng tawa.

"Oo naman! Ikaw ba?"

"Honestly...yes," sabi niya at nginitian niya ako.

"Naman!" napalakas kong sabi kaya um-echo iyon.

"You're really loud," napailing niyang sabi.

Napatakip ako ng aking bibig habang patakbo siyang hinabol. Avoid being too loud, Ali. He doesn't like it.

---
"Omg! Talagang para sa atin 'to?" kinikilig na sabi ni Carol habang nasa classroom kami.

Kaming apat lang ang nandito dahil nagsialisan na ang iba naming kaklase. Ngayon din kasi ang meeting ng kani-kanilang clubs and orgs. Nagkataon lang na mamaya pa ang sa amin. Kaya heto, I took this opportunity para ipakain sa kanila ang tinake out ni Zairone. Wahaha.

"Ang thoughtful naman ng dyowa mo," nakangising sabi ni Faye at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.

"Thoughful din naman ako sweetiepie di ba?" sabi ni Troy.

"Syempre!" maagap na sagot ni Faye at niyakap ito.

Pareho kaming napangiwi ni Carol. Tiningnan na lang niya ang 'pagkain' na nasa loob ng box.

"Ano pang hinihintay niyo? Kainin na natin!" excited na sabi nito.

"Naku, matikman lang naman natin ang kinain nilang dalawa," segunda ni Faye.

Si Carol na ang nag-presentang bubukas. Hinayaan ko siya. Punong-puno ng antisipasyon ang kanilang mga mata. At sabay-sabay din silang na-shockt nang makita kung anong laman no'n.

"Sili???" bulalas ni Carol.

"Katumbal?!" napa-Hiligaynon ng wala sa oras si Faye.

Natatawa naman si Troy habang nakatingin dito.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon