The Notebook
Ali's POV
Kaagad akong nilapitan ni Faye nang malaman kong si Mr. Z pala ang transferee student sa school namin. Is this some kind of a joke? A prank? Hindi siya nakakatuwa. Parang sa sandaling ito, ako na naman yata ang nakainom ng suka ah. Hindi lang ng isang litro kundi isang malaking container ng suka. Huhuhu. Ano nang gagawin ko?
"Bes, puntahan mo na lang at kausapin mo siya na kayong dalawa lang," bulong sa akin ni Faye.
Paano kasi baka marinig ng iba kong mga kaklase na sumundo pa talaga sa akin dito.
"Parang di ko yata kaya bes," sagot ko.
"Kaya mo yan. Pinasok mo to eh. Panindigan mo na lang."
"Wow. Salamat bestfriend ha?"
"Sure. Walang anuman yun."
Pakiramdam ko ay may tig-iisang toneladang semento ang nakadikit ngayon sa mga paa ko habang papunta sa direksiyon ni Mr. Z. Tanaw ko buhat sa malayo ang napakaraming estudyante na nakapalibot sa isang lalaki. Hell. Super gwapo pala talaga ito sa personal. Parang nanginginig na ang mga kamay ko. Pero bakit kailangan kong mag-react ng ganito? Eh di ba sa pagkakaalam ng mga kaklase ko ay boyfriend ko siya? Kaya I took a deep breath saka nakipagsiksikan na para makadaan. I need to get him out of here para makausap siya at masabi sa kanya ang totoo.
"Excuse me. Excuse me lang po. Padaan," sabi ko sa kanila. I took the chance na hindi pa nakatingin sa akin si Mr. Z at sinunggaban ko ang kaliwang kamay niya. We ran away from them. Naririnig ko pa ang sigawan ng mga estudyante pero wala na akong pakialam. Dinala ko siya sa lugar kung saan walang gaanong tao. And nagulat na lang ako nang bigla siyang nagpupumiglas at takot na takot.
"Who the hell are you?!" sigaw niya sa akin.
Omg! Galit na siya sa akin. Agad-agad. Napahawak ako sa aking skirt at napakagat ng labi. Ganito ako kapag pinapagalitan, kapag ninenerbiyos. Mannerism ko na ata ito eh.
"I-I'm Ali," sagot ko sa kanya.
Bahagya siyang natawa. Hala. Lumabas ang maliit niyang biloy sa kaliwang pisngi. Ang charming lang. Ano ba Ali! Mag-ayos ka nga. Wala ka sa posisyon ngayon para hangaan ang lalaking ito. All I have to do is to convince him to be my boyfriend. By hook or by crook.
"Nag-smoke ka ba?" tanong ko sa kanya.
Huwat? Ang rude naman ng tanong niya. Mukha ba akong naninigarilyo? Eh ang pula nga ng lips ko eh. Baka naman bad breath ako? Kaya naman inamoy ko ang aking hininga.
"Grabe ka naman. Hindi ako bad breath ah. At lalong lalo na hindi ako naninigarilyo!"
"Never mind. Sino ka ba?"
Ay naku! Paulit-ulit?
"Bingi ka ba? Ako nga si Ali eh!"
"Come on. Hindi ka si Ali! Stop playing games with me!" naiinis niyang sabi sa akin.
"Bakit ayaw mo bang maniwala. Eh ako nga si Ali!"
Ako na rin naiinis na sa kanya ah. Ag slow eh.
"You're not that beautiful para maging si Ali. Kaya stop that pretenses okay?"
Ouch! Ako? Hindi maganda? Nakaka-hurt siya ah. Binaklas ko ang suot-suot na id at idinuro iyon sa dibdib niya. Kaagad siyang umatras sa ginawa ko.
"Ayan! Isaksak mo sa baba mo kung ayaw mong maniwala!"
"Naku! Sorry. Sorry talaga. Napalakas yata ang pagduro ko sayo." nagsisisi kong sabi sa kanya nang matumba siya sa damuhan.
Ano ba kasing ikinatatakot niya sa akin? Kainis naman 'to oh. Hahawakan ko na sana siya nang itinaas niya ang kanyang mga kamay at umatras palayo.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Подростковая литератураAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...
