Kabanata 34

2.2K 142 61
                                    

Ang liwanag ng araw na nanggagaling sa siwang ng bintana ang nagpamulat sa aking mga mata. Natapos na ang excursion subalit ang mga nangyari doon ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Sino bang hindi makakalimot sa kahihiyang ginawa ko noon? Napaupo ako sa aking higaan at napahawak sa labi ko.

Omg! First ko 'yon! Si Zeyzey ang first kiss ko?! Parang ngayon lang nag-sink in sa aking isipan. Napakagat ako ng aking labi saka ginulo ang aking buhok. Anong ginawa ko? Sobrang nakakahiya. Feeling ko wala na akong mukhang maihaharap pa kay Zairone.

Inagahan ko ang pagpunta sa school. Sana hindi ko siya makasalubong ngayon. Sa sobrang iwas ko ay hindi ko na natsismis si manong guard. Magso-sorry na lang ako sa kanya mamaya.

Bawat may napapadaang grupo ng mga estudyante ay kinukubli ko ang aking sarili sa mga bagay na pwede kong pagtaguan. Kahit mga shrubs ay hindi ko pinalampas.

Alam kong aksidente lang ang nangyari pero...kiss pa rin iyon. Hindi 'yon biro. Totoong halik iyon eh. First kiss ko pa. 

Ilang sandali pa ay nakasalubong ko ang mga kaklase ni Zairone. Kaagad akong nagtago sa nakahilerang mga golden rosary. Tinitingnan ko sila sa siwang ng halamanan.

Tuluyan akong napaupo nang may mga matang sumilip din sa siwang na sinisilipan ko. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang gulat.

Napatingala ako at natunghayan ang katangkaran ni Zeyzey. Saktong tumama sa kanya ang sinag ng araw kaya napapikit ako.

"Anong ginagawa mo?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"Ah, w-wala naman," sagot ko habang nakaupo pa rin sa damuhan.

He leaned closer to me, nakayuko, nakalagay ang mga kamay sa kanyang mga tuhod.

"May binobosohan ka ba sa mga kaklase ko?"

Uminit ang magkabilang pisngi ko. Tumayo na ako dahil pakiramdam ko ay parang tanga na ako sa aking sitwasyon.

"Wala akong binobosohan ano," sabi ko at saka pekeng tumawa.

"Or may pinagtataguan ka?" nanliit ang kanyang mga mata.

"W-Wala!" maagap kong sagot.

He half-smiled. "Pinagtataguan mo ba ako?"

Mabilis kong kinaway-kaway ang mga kamay ko sa harapan niya. Kahit na iyon ang totoo ay hindi ko iyon aaminin sa kanya. Baka kasi kung anong isipin niya sa pang-iiwas ko.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Hmm, bakit nga ba? Dahil sa nangyari?" tuluyan na siyang napangiti.

Sunod-sunod na paglunok ng laway ang aking ginawa. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

"A-Anong nangyari? May nangyari b-ba?" pa-inosente kong tanong.

"Dapat nga ako ang umiwas sa'yo eh. You stole something precious to me," sabi niya na nagpatahimik sa akin.

Stole? Ninakaw? Nagtataka ko lang siyang tiningnan. Napailing siya saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Minsan nakakalimutan kong mahirap ka palang kausapin ng matino,"sabi niya at tinalikuran na ako.

Napabuga ako ng hangin. "Boyps! Slow lang ako pero hindi ako magnanakaw! Itaga mo pa 'yan sa bato!" pahabol kong sigaw sa kanya.

Nag-okay sign lang siya subalit patuloy pa rin ang paglakad niya palayo sa akin. Inis kong ginulo ang aking buhok. Napangiwi ako nang may nakuha akong tuyong tangkay sa buhok ko.

***
"Aaah, nagugutom na ako. Hindi pa ba kayo kakain?" tanong sa amin ni Carol nang mag-dismissal na para sa last class namin ngayong umaga.

Nakapangalumbaba lang ako sa aking desk. Si Faye naman ay tahimik lang. Hinampas-hampas ni Carol ang mesa namin gamit ang kanyang libro.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon