When you're still haven't moved on from the past but you have to keep moving forward...
"So you'll be in Iloilo for three damn months?" hindi makapaniwalang tanong ni Angelo Christian kay Zairone.
Nasa condo siya nito at nag-iimpake na ng mga gamit. Zairone sighed heavily.
"Nakailang beses mo nang naitanong 'yan?" sabi niya at sinara na ang kanyang maleta.
"Or baka gusto mo lang talaga makatakas sa alaala mo rito sa Maynila?"
"I'll be the temporary senior editor ng Invisible Ink Publishing House doon. Kaya puwede ba, stop being delusional because I'm not running from anything or anyone..." mahinahon kong sabi sa kanya.
Angelo Christian shrugged. "Sabi mo eh. I'll visit you there sometimes."
"Just visit my cousin, okay? Huwag ako itong binubulabog mo," natatawa niyang sabi sa pinsan niyang sinamaan siya ng tingin.
When you feel like you're finally free from someone's shadow and you're trying to be just yourself...
"Hi everyone. I'm Isabella del Mundo but you can call me whatever you want," pagpapakilala ko sa kanila.
It's not my real name though. Tanging ang head lang ng creative department namin ang may alam sa totoong pangalan at buong pagkatao ko. He's my mother's closest cousin.
"Can I call you 'mine'?" nakangising sabi ng lalaki na nakaupo sa kanyang swivel chair.
Tumawa ang iba naming kasamahan kaya nakitawa na rin ako. "Kung saan ka kumportable," nakangising sabi ko.
Nagpalakpakan ang iba pa naming kasama. Napakasarap sa pakiramdam na welcome na welcome ka sa isang lugar.
"So Issa, that's your station," turo sa akin ni tito Bhoi sa lalaking tumawag sa akin ng 'mine'.
Pumunta ako roon at saka prenteng umupo. I opened the computer at masayang napa-close fists.
"This is it!"
Makakapag-move on ka pa ba kung may isang tao ang magpapaalala sayo tungkol sa nakaraan mo?
"Your attention guys, this is Zairone Roi dela Paz. He will be our temporary senior consultant and editor,"pagpapakilala sa akin ni sir Bhoi- ang Head ng Creative Department.
Masaya silang pumalakpak sa akin. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang babaeng hindi ko inaasahang makita. Pawisan siyang naglalakad papunta sa cubicle niya. Hindi niya ata ako nakita dahil tuloy-tuloy lang ang kanyang lakad.
"Nakakainis talaga. Ba't ayaw niya magpa-interview?!" dinig kong bulong niya sa kanyang sarili habang nagdadabog na binuksan ang computer sa harapan niya.
Kinalabit siya ng lalaki at inginuso ako. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Kumunot lang ang noo niya at napalabi. Hindi niya ba ako naalala? Kasi ako simula ng gabing iyon, hindi ko na siya makalimutan.
"Mine, senior editor natin 'yan. Magbigay-galang ka naman," mahinang sabi nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya at tumayo. "Nako, sorry sir. Akala ko kasi isa ka sa mga model ng magazine namin. Good afternoon po. I'm Isabella del Mundo po."
Napakunot ako ng aking noo. Isabella? I thought her name's Barbara?
Kaya mo bang harapin ang hagupit ng iyong natamong kalayaan?
Napaigtad ako nang malakas na binagsak ni sir Z ang ipinasa kong article. Nasa conference room kami ngayon kasama ang lahat ng staff ng department namin.
"You call this as an article?" mataas ang boses niyang tanong sa akin.
Napayuko ako. Umiinit ang magkabilang pisngi ko sa kahihiyan.
"Nakapasok ka lang ba rito dahil may connection ka sa kumpanya? You don't have a resume. Wala ka ring educational background. Ano bang tinapos mo? Nakapagtapos ka ba? This is trash!" sabi niya at tinapon sa malapit na basurahan ang folder ko.
Napakagat-labi ako. Totoo naman kasi lahat nang sinabi niya. Kaya nga nandito ako para patunayan ang sarili ko. At gawin kung ano talaga ang gusto kong gawin. Gusto kong maging magaling na manunulat. At masabihang 'trash' ang ginawa ko ay sobrang nakakababa ng confidence.
You don't want to let go of the past but your present is confusing you...
"Tangina bro. Huwag kang unfair. Kung ayaw mo sa tao, sabihin mo. Huwag mo siyang gagamitin para lang sa personal mong interes dahil kamukha niya lang ang babaeng minahal mo noon," sabi sa akin ni Angelo.
Napahilamos ako ng aking mukha. I really don't know what to do.
When you have to pay for the freedom that you wanted...
"Gusto mo ba ako sa kung ano at sino talaga ako o gusto mo lang ako kasi naaalala mo sa akin ang taong minahal mo?" naiiyak kong tanong kay Z.
Hindi siya nakasagot. I guess I know the answer. Tumalikod ako at nagmamadaling naglakad palayo.
If you're going to choose between the love you had and the love you will be having...where do you want to go?
---
CHOOSING MR. Z Book 2 story will start next year. Hope you will continue to support me guys. Advance happy new year sa lahat. Let's make choices that can make us to be a better version of ourselves.-d a n j a v u
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Novela JuvenilAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...