Kabanata 29

2.2K 115 21
                                        

Nakapangalumbaba ako sa aking desk habang nakatunghay sa guro naming nagdi-discuss sa harapan. Wala talaga akong maintindihan sa tinuturo ng guro namin. Gustuhin ko mang intindihin pero wala talaga eh.

Palihim kong kinutusan ang sarili. Masyado na akong nagpapabaya sa pag-aaral ah. Parang di na yata tama ito. Naiisip ko tuloy ang mga paghihirap ni kuya Charlie para lang suportahan kami. Tapos ako, hindi man lang kayang suklian iyon sa pamamagitan ng pag-aaral.

Kung sana ay naging sing-talino din ako nila ni ate. Eh di sana walang problema. Mabigat akong napabuntong-hininga sabay tingin sa labas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo sa labas si Zeyzey at halatang naghihintay. Nang magtama ang paningin namin ay tumango siya. Nginitian ko siya saka umupo nang tuwid. Nginuso ko pa ang teacher namin at nag-senyas sa kanya na makikinig muna ako.

Ano daw? Makikinig? Nako, Ali. Sinong niloloko mo?

Pero sige na nga. Dapat ay hindi ako pag-isipan ng masama ni Zairone. Isa kasi sa mga gusto nito according kay burger Patty ay ang taong sineseryoso ang pag-aaral. Kaya kahit hindi ako gano'ng klaseng mag-aaral, gagawin ko na lang. Dahil isa iyon sa paraan para makuha ko ang tiwala niya nang sa gano'n ay malaman ko na ang dahilan nang pagkakaroon niya ng phobia.

Tumingin ako ng deretso sa teacher namin at patango-tango sa sinasabi nito. Ngumiti-ngiti pa ako na parang naiintindihan ang pinagsasabi nito sa amin.

"Now my question is..."

Para akong namatanda nang sa akin tumingin si Ma'am. Oh my gosh! No, ma'am. Huwag ako please. Mapapahiya ako!

Kaagad akong nagbawi ng tingin saka yumuko. Nagkunwaring may sinusulat. Taimtim akong nanalangin na sana ay hindi ako tawagin.

"Ali!"

Napaupo ako nang tuwid nang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makitang halos wala ng tao sa classroom at nasa tapat na ng pinto sina Faye at Troy.

Grabe. Sobra ba akong na-carried away sa pagdasal at hindi ko napansin na nag-dismiss na pala si ma'am?

Pero thank you Lord talaga! I love you po!

Mabilisan kong nilagay ang libro at notebook sa bag ko at naglakad na palabas ng classroom. Mahina akong siniko ni Faye bago nginuso si Zeyzey. Pinandilatan ko siya dahil inaasar niya pa ako.

Tumikhim muna ako bago lumapit dito. "Hi boyps!" bati ko sa kanya sabay taas-baba ng aking mga kilay.

Magsasalita na sana ako nang inabot niya sa akin ang isang charger ng phone. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Use it for a while. I need to contact you kung kinakailangan," seryoso niyang sabi.

Nagugulumihanan man ay maingat ko pa ring kinuha ang charger sa kamay niya. Ibabalik ko pa man din sana ngayon ang phone.

"And for the phone's number, you can find it in the phone setting," dugtong niya.

Napakamot ako ng ulo. "Hindi ko alam kung paano hanapin eh."

Napabuga siya ng hangin bago tumingin sa akin. "Where on Earth are you?"

"Eh?" naguguluhan na ako.

"Never mind. I'll just text you the number," sabi niya at nagsimula nang maglakad.

Nagmamadali akong sumunod sa kanya. Papunta kaming canteen nang nakasalubong na naman namin ulit sina Keith at Alisa. Ba't ba palagi na silang nagsasama? Pinapaselos ba ni Alisa si Zeyzey? Dahil kung iyon ang plano nito, alam kong mananalo ito.

Pero teka, hindi ba at si Alisa ang nakipaghiwalay? So bakit naman niya pagpapaselosin si Zeyzey? Mag-isip ka nga, Ali!

"Oh, it's you again," nakangising sabi ni Keith.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon