Kabanata 36

1.2K 76 30
                                        

Isang linggo na lang at Dance Revo na.  Nakailang practice na rin naman kami ni Zeyzey pero parang nakukulangan pa sa amin si Miss A. May something daw na gusto niyang makita sa amin.

After ng school ay dumiretso agad kami sa studio para mag-practice. Nasa final step na kami nang pinatay ni Miss A ang music. Sabay kaming napalingon ni Zeyzey sa kanya. Mukha talaga siyang hindi masaya sa ginagawa namin.

"Okay naman ang galaw niyo eh. Sabay naman kayo. Pero may gusto akong makita sa mga mata niyo. You're almost there eh. Alam niyo iyong sinigang pero walang asim?"

Napahawak sa batok si Zeyzey. Habang ako naman ay pilit inaarok ang ibig sabihin ni miss A.

"I can't feel the connection. Kulang kayo sa emotion. Have you ever thought of holding someone but you can't because ang layo niyo sa isa't isa?"

Napatingin ako ng wala sa oras sa katabi. Baka nakalimutan ni miss A na gano'n nga ang sitwasyon ni Zeyzey. Napabuntong-hininga lang ito.

Para namang nahimasmasan si miss A sa sinabi niya. She gave me an apologetic look. Tipid ko lang siyang nginitian.

"Just don't take it too personal Z, ha. Gusto ko lang maintindihan niyo kung ano talaga ang mensahe ng kanta. And this is such a challenge kasi knowing your situation. Gusto kong makita sa galaw niyo ang emotion, ang longing, ang desire na mahawakan at malapitan ang taong mahal mo," paliwanag ni miss A.

"I understand," mahinang sabi ni Zeyzey.

Tumikhim ako. "Ano po ba ang dapat naming gawin para maipakita ang tamang emotion sa sayaw?"

"Have you known each others' favorite color?"

"Po?" naguguluhan ako.

"Alam mo ba ang paboritong kulay ni Ali?" tanong niya kay Zeyzey.

"No."

Napailing si miss A kapagka ay tumingin sa akin. "Ikaw alam mo ba ang paboritong kulay ni Z?"

Napakurap-kurap ako. "B-Black?" nag-aalangan kong sagot.

Wala sa oras na napalingon sa akin si Zeyzey. May kung ano sa tingin niya na parang nagsasabi na saang lupalop ko ng Pilipinas napulot ang sagot ko.

Uminit ang magkabilang pisngi ko sa naalala. Eh iyon ang kulay ng brief niya noon. Kaya naisip ko na baka iyon ang paborito niyang kulay. Hindi naman imposible iyon 'di ba?

"Where did you get the idea that black is my favorite color?" tanong ni Zeyzey nang natapos ang  dance session namin.

Lihim akong napakagat-labi. Mas binilisan ko ang paglakad para hindi niya makita ang reaction ko. Mapapahiya na naman ako kapag nalaman niya ang sagot ko.

"You think mananalo ka sa akin sa paglalakad?" tanong niya nang naunahan na niya ako.

"Sabi ko nga," nanghihina kong sagot.

"Care to answer my question?" bahagyang nakaangat ang isang kilay niya.

Huminga ako nang malalim bago pilit na ngumiti sa kanya. "Naalala ko lang kasi no'n na ang kulay ng ano mo eh...kulay b-black?"

Sobrang init na naman ng pisngi ko. Baka kasi iba ang isipin niya eh.

"So nakadepende na pala sa sinusuot mong underwear kung ano ang paborito mong kulay?"

"S-Siguro?"

"So what's your favorite color then?" titig na titig niyang tanong sa akin.

"Syempre pink!" maagap kong sagot.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon