Napakaingay na ng covered gym nang dumating ako. Nahati na kami according sa team namin. Kumaway sina Faye at Carol nang makita ako. Ngumiti akong lumapit sa kanila.
"Saan ka pa ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Faye.
"Naghugas lang ng mga kamay. Magsisimula na ba?" sabi ko habang palinga-linga sa paligid.
Ba't wala pa rin si Zeyzey? Eh nauna na siyang umalis kanina ah? Saan kaya pumunta 'yon?
"Aaaah. Look girls," untag sa amin ni Carol.
Napatingin kami sa entrance ng gym kung saan ito nakatingin. Napangiti ako nang makita si Zairone. Sa likuran niya ay si Alisa. Huminto sa paglalakad si Zairone. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad nang makasabay na sa kanya si Alisa.
"Hala. Ba't magkasama silang dalawa?" nagtatakang tanong ni Carol.
Pasimple akong tiningnan ni Faye. Napakibit ako ng aking balikat. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
"Oh. Look nyo ulit. Ang gwapo din naman ni Keith ano?"
Kasunod nilang dalawa ay si Keith na nakangisi. Wala na rin namang bago sa lalaking iyon. Nakangiti akong kumaway kay Zairone pero labis akong nagtaka nang hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa paglalakad kasama si Alisa hanggang sa sumama sila sa Red Team.
Naramdaman ko ang pagbaba ni Faye ng kamay kong ginamit sa pagkaway kay Zairone. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ba't magkasama silang dalawa? Okay na ba sila? Hindi ba at sabi niya Blue team rin siya at ayaw niyang makipagpalitan ng ibang team?
Tumambad sa aking harapan ang nakangising pagmumukha ni Keith. Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Isang tanong mo lang ang sasagutin ko," sabi niya habang tinataas-baba ang kanyang mga kilay.
Napangiwi na lang ako saka umayos ng tayo. Ayokong magtanong sa butiking ito. Baka kung ano-ano lang pagsasabihin nito eh. Kung ano man ang dahilan ba't magkasama at iisang team lang sina Zairone at Alisa, I know, valid ang reason na iyon.
"Ayaw mo ba talagang magtanong?" patuloy na pangungulit ni Keith sa akin habang naglalakad na kami palabas ng school.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Hindi ba at iyon naman ang plano natin? Ang magsama sila sa isang team?"
"Oo nga. Pero kitang-kita ko sa mukha mo kanina na nagtataka ka eh. So I just thought na hindi pumayag si Zairone nang sinabi mong mag-switch kami ng team," sabi niya habang pinagmamasdan akong maige.
Oo, tama siya. Pero ayaw ko ng masyadong alalahanin 'yon. As long as alam kong para sa ikabubuti iyon ni Zairone, okay lang sa akin.
"Umasa ka ba na siya ang makakasama mo ngayon?"
Natahimik ako sa tanong niyang iyon. Umasa nga ba ako? Siguro. Eh kasi iyon ang sabi niya kanina eh. Na wala siyang balak makipagpalitan ng team. Kasi same kami ng team na kinabibilangan.
"Hindi na mahalaga 'yon. Saka isa pa, exciting itong treasure hunting. Kung ikaw mas interesado ka sa tsismis, maghanap ka na lang ng makakausap mo. Dahil ako, magsisimula na akong maghanap ng letters para makuha ang treasure. Fighting!" sabi ko at ganadong naglakad palayo sa kanya.
Bawat team ay may kanya-kanyang strategies. Ang sabi ng team leader namin, huwag daw kami magsama lahat. Kasi hindi namin mapupuntahan lahat ng area kung sama-sama lang kami. Kaya hinati-hati niya kami sa ilan pang grupo. At malas ko kasi kasama ko sa grupo itong butiki na ito.
"Hey. Hintayin mo ako!" tawag sa akin ni Keith.
Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad para hindi niya ako mahabol. Nakarating na ako sa isang burol na hitik na hitik ng berdeng kulay. Walang masyadong puno subalit napapalibutan ito ng mga damo. Kung hindi lang sana mainit eh napakasarap humiga dito.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Fiksi RemajaAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...