Biglang kumidlat kaya sabay kaming napabitaw sa isa't isa. Parehong nagising ang aming diwa dahil do'n. Bahagya akong natawa at hahawakan na sana siya nang bigla siyang napaatras.
Nawalan siya ng balanse kaya napaupo siya sa semento. Kumunot ang noo niya. Alam kong maging siya ay hindi rin makapaniwala sa naging reaksiyon niya ngayon.
Akala ko, okay na siya. Nahawakan niya ako. Nahawakan ko siya at hindi iyon aksidente lang. Pero bakit ngayon?
Bakit tila panaginip lamang ang naganap na 'paghawak' namin sa isa't isa? Ibig sabihin ay hindi pa rin pala nawala ang phobia niya. Pero bakit gano'n?
Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha niya. Hindi ko maiwasan ang malungkot.
"It's still here," sabi niya sa kanyang sarili.
Hindi ako makahanap ng magandang sasabihin na makakapagpagaan ng loob niya. Muling umihip ang malakas na hangin kaya nanginig ako.
Agad naman niya iyong napansin. Hinubad niya ang kanyang jacket at lumapit sa akin.
"Wear this," sabi niya.
"Paano ka?" nag-aalangan kong tanong.
Tumingin siya sa akin ng matagal. Parang may gustong sabihin pero hindi niya tinuloy. Nang hindi ako gumalaw ay siya na mismo ang naglagay ng jacket niya sa likuran ko.
Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya na-late. Kung bakit ngayon lang siya pero nag-aalangan din ako. Ayokong pangunahan siya kahit na naghintay ako ng matagal. Gusto ko siya na mismo ang magpaliwanag sa akin.
Tumayo na siya at iyon din ang ginawa ko.
"Hatid na kita," kapagka ay sabi niya.
"Gabi na. Baka hinahanap ka na rin sa inyo," naisabi ko.
"I have our driver with me. Kaya ihahatid kita sa bahay niyo. I also want to say sorry sa parents mo kung bakit ka na-late ng uwi. And that's all because of me."
Bakit ka nga ba na-late? Ano pang ginawa mo? Gusto ko iyong isatinig pero pinigilan ko ang aking sarili.
Hindi na rin ako tatanggi kasi hindi ito tamang oras para magpa-bebe pa. Siguradong nag-aalala na ang mga iyon dahil hindi pa ako nakakauwi.
"Shall we?" untag niya sa malalim kong pag-iisip.
Tumango ako saka tipid na ngumiti. Habang naglalakad kami papunta sa kung saan nakaparada ang sasakyan nila ay parang bumagal ang hakbang niya.
"Boyps may problema ba?" hindi ko na talaga napigilang magtanong kasi naabutan ko na siya sa paglalakad.
Ilang sandali pa ay huminto na siya nang tuluyan sa paglalakad at humarap sa akin. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"I think I made mistake," mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong sa kanya habang inaayos ang pagkakasuot ng jacket na pinahiram niya sa akin.
"I told her that I still love her and I am willing to wait for her."
Tumigil ako sa pag-zip ng jacket sa narinig. Mariin ko siyang tiningnan habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Napalunok siyang umaatras.
"Bakit mo sinabi?"
Napabuntong-hininga siya. Muling umihip ang hangin kaya bahagyang nagulo ang kanyang buhok.
"Umiiyak siya nang hinatid ko siya sa kanila. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kaya niya ako iniwan. It's not all about my phobia. I know there's something else," mahabang paliwanag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/33556883-288-k490039.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...