Kabanata 14

2.2K 106 16
                                    

Keychain

Halos maubos ang buong allowance ko na binigay sa akin ni kuya Charlie pambayad sa mga ininom ng mga tropa ni kuya Poldo. 

Hindi ko rin naman sila masisisi. Saka may iba sa kanila na nagkapasa talaga sa ginawa ni Zairone.  Kaya panay pa rin ang hingi ng pasensiya ko sa kanila kahit ilang araw na ang nakalipas after ng epic plan namin.  Hay. 

Parang lutang akong naglalakad sa hallway ng school.  Paano ko maba-budget itong natitirang pera ko sa buwang ito? Marami pa kaming school projects.  Siguradong sermon ang aabutin ko kay inay kapag nalaman niya kung saan napunta ang pera ko. 

Hindi nila ito pwedeng malaman.  Hahanap na lang ako ng paraan para mairaos ko ang natitirang 200 pesos  sa allowance mo. 

Magpapalibre na lang muna ako kina Faye at Troy.  Syempre dapat ko muna silang purihin bago nila ako ilibre. 

"That's what we get without knowing the background of the person first," napapailing na sabi ni Faye nang nilibre niya ako ng pananghalian. 

Ilang araw na rin nila akong nililibre. Nakakahiya na.

"Ako na bukas ang lilibre sayo, Ali," nakangiting sabi ni Troy.

"Naku,  huwag na.  Kaya ko na ito.  Nasabihan ko na si kuya.  Syempre nagsinungaling ako ng konti pero naintindhan naman niya, "nakangiting sagot ko.

"Are you sure?" nananantiyang tanong ni Faye.

Tumango ako. I feel guilty for lying.  But I really have to do this.  Alam kong may kaya sila pero kalabisan na itong pagpapalibre ko sa kanila araw-araw.  Ayokong sabihin kay kuya kasi tama lang ang sinusweldo niya para sa gastusin sa bahay.

Ayoko nang dumagdag pa.  Nginitian ko muna sila bago ako kumain.  Ramdam ko ang paninitig nila sa akin pero patay malisya lang ako. 

Medyo umingay ang canteen kaya napalingon kami sa mga papasok.  As usual, ang mga trying hard heartthrobs na naman. 

"Grabe.  Ang gwapo talaga ni Keith ano?"

"Oo nga.  Balita ko nililigawan na niya si Ali ah?"

Natigil ako sa pagsubo sa narinig.  Ali? Alisa? Imposible namang ako dahil hindi nga kami nag-uusap ng kutong-lupa na 'yan.

"Well,  bagay naman sila.  Mmm, dinig ko nga rin ay sila ang representative ng club nila para sa nalalapit na search eh."

Sinarado ko na lang ang aking tenga a tsismisan sa paligid.  Nagpatuloy lang ako sa pagkain. 

"Oh shet! Mas gwapo ito! Mas hot! Mas yummy!"

"Oo nga.  Ano nga ulit name niya?"

"Zairone Samaniego.  Sayang,  boyfriend na ni Ali iyan eh."

Natigil ulit ako sa pagsubo. Zairone? Boyfriend ni Ali? Sinong Ali?  Ako ba?  Yes nemen. Ako iyon! Zeyzey ko! Chez lang. 

"Oh,  boyfriend mo,  nilalamutak ng iba," pabulong na sabi ni Faye sa akin na ikinatawa ko. 

Lumingon ako at nakita si Zairone na nasa counter at walang pakialam sa paligid.  That's my boy.  Hayaan mo lang sila.  Huwag mo silang pansinin. 

"Ay ngumingiting mag-isa?" puna sa akin ni Faye kaya nilingon ko siya. 

"Ano?" tanong ko at tinawanan siya. 

"Sabihin mo nga sa akin,  nade-develop ka na ba sa kanya?"

"Ano ka ba! Imposibleng mangyari iyon," kaagad kong kontra sa kanya. 

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon