Nadapa
Hindi pa sana ako papayagan ng nurse dahil hindi pa raw naubos ang dextrose. Pero dahil mapilit ako, wala na siyang nagawa. Gustong-gusto ko nang kumain. Saka libre ito ni Zairone kaya hindi ko pwedeng palampasin 'to.
Pagkatapos kong magpasalamat sa nurse ay mabilis akong lumabas ng clinic. Natagpuan ko si Zairone na nakaupo sa mahabang bench. Nakakunot ang noo niya habang nakatanaw sa malayo.
Sinundan ko ang tingin niya dahil baka nakita niya na naman si Alisang may kasamang ibang lalaki. Pero wala eh.
Baka naman may iniisip lang, Ali.
Tumikhim ako kaya naagaw ko ang pansin niya. Tumayo siya sa at nagsimula nang maglakad. Nagmamadali ko siyang sinundan. Ang bilis naman niyang maglakad. Palibhasa ang hahaba ng biyas!
"Hoy! Zey! Dahan-dahan naman sa paglalakad," reklamo ko.
Pero parang wala siyang narinig. Deretso lang siya sa paglakad.
"Aray!" pag-iinarte ko kaya huminto siya sa paglalakad at lumingon.
"What happened?"
Hawak-hawak ko ang kaliwang parte ng tiyan ko. Todo ngiwi ako para mas kumbinsido ang drama ko. With my skill in acting, pwede na akong mag-audition sa Star Magic!
Lumapit siya sa akin at sinipat ako.
"Pumutok yata ang appendix ko. A-Aray!"
Malakas siyang napabuga ng hangin. Pasimple akong sinulyapan siya habang patuloy pa rin ang pag-iinarte ko. Nakapameywang na siya ngayon habang nakatingala sa langit. He bit his lower lip na para bang may pinipigilan siyang lumabas sa labi niya.
Kalaunan ay humarap na siya sa akin at napailing. "Ganyan ba ang nakukuha mo sa mga nababasa mong libro?"
"Ha? Anong pinagsasabi mo? Aray!"
He leaned closer to me and gave me a wry smile. "Appendix is on the right side. Hindi sa kaliwa."
Natigil ako sa pag-iinarte. Ano ba, Ali. Bakit kasi hindi ka nakikinig sa lessons mo noon?
Tumayo ako saka tumikhim. Dahil baka roon ay mawala ng konti ang pagkapahiya ko.
"Ang bilis mo kasing maglakad. Kakagaling ko lang kaya sa clinic."
"You don't look like one."
"Bakit?"
"Dahil nakakapagsinungaling ka na. Appendicitis, huh? Nice try."
Napangiwi ako sa kawalan. Inaasar niya ba ako? Nagsimula na akong maglakad. This time, uunahan ko siya.
"I guess iyan ang nakuha mo sa nabasa mo kanina, " pahabol niya sa likuran ko.
Bahagyang uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko na ba pwedeng tanggalin iyon sa isipan niya? O baguhin man lang. Dahil hindi ko talaga sinasadyang basahin iyon.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa canteen pagpasok naming dalawa. Someone smiled at me at meron namang irap ang pinupukol sa akin.
Well, they can irap to death naman eh. Inggit lang sila dahil wala silang boyfriend tulad ni Zeyzey! Dumako ang tingin ko sa table nina Alisa. Nagkatinginan kaming dalawa. She just smirked at me kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Ako na ang o-order. Find seats for us, " presenta niya kaya agad akong tumalima.
Nang makahanap ng pwesto ay umupo agad ako. Nakapangalumbaba kong tiningnan si Zairone habang nakapila ito at seryosong nakatingin sa menu na nakapaskil sa board.

BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Ficção AdolescenteAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...