Pagkatapos naming sumayaw ay nag-excuse muna ako sa kanila. Ayokong mag-isip sila ng kung anu-ano dahil sa pag-iyak ko. Pumalakpak pa si Patty kanina dahil daw kitang-kita ang emosyon naming dalawa sa pagsayaw.
Hinayaan akong umalis ni Patty dahil hindi pa rin maalis ang tingin niya sa video camera. Nagsimula na akong maglakad-lakad palayo sa fountain. Patuloy pa rin na tumutugtog sa ere ang mga sari-saring kanta.
Huminga ako ng malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili. Alam ko na hindi naman masama ang makaramdam nang pagka-gusto sa isang tao. Ang masama lang ay kung nagkakagusto ka pa rin kahit alam mong may iba na itong mahal.
Nang makaramdam ng pagod ay huminto na ako sa paglalakad at umupo sa bakanteng bench. Mula rito ay matatanaw pa rin ang fountain. For that moment, parang hindi ako nakaramdam ng saya habang nakatingin doon.
"Hey. I thought you're in Iloilo?" anang boses sa harapan ko.
Napaangat ako ng tingin at natunghayan ang mukha nang nakangiting babae na kasing-edad lang yata ni ate Hannah. Tumingin ako sa magkabilang-gilid kung may iba ba siyang kausap. Pero wala. Nag-aalangan akong tinuro ang aking sarili.
Tumango siya. "Are you in vacation now? Pero may pasok pa ah?" muli niyang tanong.
"H-hindi ko po kayo kilala. Baka napagkamalan niyo lang ako, " sagot ko sa kanya.
Lumalim ang kunot ng kanyang noo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ilang sandali pa ay tumawa siya at mahinang sinampal ang mukha.
"Sorry. I'm just drunk. I thought you're someone I knew. Pero hindi pala," sagot niya at pailing-iling pa.
"Okay lang po. Ordinaryo lang ang mukha ko kaya marami talaga akong kapareha ng pagmumukha," nakangiting sagot ko sa kanya.
"Hindi naman. Ang ganda mo nga eh. You look like Kim So Hyun," sabi niya at muli akong sinuri.
Ngumiti na lang ako dahil hindi ko naman kilala kung sino mang babae ang tinutukoy niya.
"Alright. I gotta go. Sorry for disturbing your moment," sabi niya at medyo pa-zigzag nang lumakad palayo.
Muli akong napabuntong-hininga. Nalulungkot talaga ako. Pilit ko mang iwaksi itong nararamdaman ko pero hindi ko alam kung papano. Sinubukan ko nang iwanan pero patuloy pa ring bumabalik. Ano bang pwede kong gawin dito para mawala na ito?
Kasi hindi talaga ito tama. Unfair ito para kay Zeyzey. Malinaw sa amin ang lahat simula pa noong una. At malinaw rin siya noon pa na si Alisa lang ang mahal at mamahalin niya.
Malay ko ba na mahuhulog pala ako sa kanya?
Inis kong ginulo ang aking buhok. Wala pa talaga akong nagagawang matino sa buhay.
Tumingala ako sa langit at inabala ang sarili sa pagtingin sa mga kumikislap na bituin. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko para abutin ang mga iyon.
Mapakla akong ngumiti. Katulad na katulad ng mga bituin si Zeyzey. Puwede mong tingnan, puwede mong hangaan. Pero hindi mo kayang abutin. Hindi mo kayang angkinin.
Napaupo ako nang tuwid nang may makitang falling star. Wala sa sarili kong ipinikit ang aking mga mata para umusal ng isang piping hiling.
Umihip ang malamig na hangin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. At sa pagmulat kong iyon ay nakita ko agad si Zeyzey na naglalakad papunta sa akin na nakangiti.

Ayoko na talaga humiling sa falling star."Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," sabi niya nang makalapit na.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Z
Teen FictionAliana Marie Celeste is pressured to have a boyfriend for two reasons. Una, binu-bully siya ng kanyang mga kaklase dahil NBSB siya. At pangalawa, hindi siya makaka-graduate sa high school kung wala siyang boyfriend dahil pre-requisite ito ng weird s...