Kabanata 9

2.5K 124 14
                                    

What? Phobia??

Ali's POV

Lumapit ako kay ate habang pinaplantsa niya ang kanyang uniporme. Fourth year college na kasi si ate sa kurso niyang Education sa FEU. Buti na lang at matalino si ate kaya naman ay naging scholar siya doon. Kaya yun, konti na lang ang binabayaran ng mga magulang namin at ni kuya.

"Ate."

"Oh," sabi niya at tinapunan ako ng sandaling tingin bago binalik ang atensiyon sa pamamalantsa.

"May itatanong sana ako sa'yo."

"Ano yun?"

"Ano ang gagawin mo kapag sinabihan ka ng lalaki na 'It's none of your business'?"

"Bakit nagnenegosyo ka na ba?" tanong niya sa akin sabay tawa.

Minsan si ate may saltik din ito sa utak eh. Nakakaloka lang.

"Ate naman."

"Just kidding. Self explanatory naman yang tanong mo Ali eh. Hindi naman yan Calculus na matatagalan ka pa bago mo makuha ang sagot. Kung sinabi niya yun, e di wag ka nang makialam. Simple," sabi niya habang iwinawasiwas ang plantsa sa ere kaya panay naman ang ilag ko. Mahirap na no. Baka matamaan ako eh.

"Pero paano ate kung alam mo na may problema siya talaga kaya lang nahihiya or natatakot siyang magsabi sayo?"

Narinig ko ang pagbunton hininga niya. Hala. Naiinis na yata sa akin si ate. Waaah.

"Aliana Marie, iba mag isip ang lalaki sa babae okay? Remember that. Ang babae kapag sinabi niyang ayaw niya, ibig sabihin non ay gusto niya ang isang bagay pero nagpapapilit lang. Samantalang ang lalaki kapag sinabing ayaw, ayaw niya talaga."

Para naman akong bata na tango nang tango sa mga sinabi ni ate. Gano'n pala yun. So ayaw talaga ni Zairone magpatulong? Pero gusto ko sana siyang tulungan eh.

"Bakit mo ba tinatanong ang bagay na yan?" usisa ni ate.

"Ah eh wala naman po. Curious lang ako. Hehehe," sabi ko sabay dahan dahang iniwan si ate.

Nakahiga na ako ngayon sa aking kama pero naiisip ko pa rin ang tungkol kay Zairone at kay Alisa. Bakit kaya sila na break ano? Bakit kaya iniwan naman ni Alisa ng ganon na lang si Zairone? Saka sigurado akong si Alisa iyong nabangga kong babae sa daan dati. Hindi ko nga lang siya namukhaan that time. Pero bakit nong tinanong ko siya last time eh tinanggi niyang kilala niya si Zairone? Hay. Naloloka na ako sa kakaisip. Nagpabaling baling ako sa aking higaan dahil hindi ako makatulog agad. Hay.

[<>]

"Good morning!" masaya kong bati kina Faye at Troy nang makarating ako sa classroom kinaumagahan.

"Oy maganda ang gising. Anong ganap?" tanong sa akin ni Faye nang tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo.

"Wala naman. Masaya lang ako. Bakit may problema ba doon?"

"Oo nga sweetypie. Eh sadyang masiyahin naman talaga yang si Ali di ba?" segunda naman ni Troy sabay akbay kay Faye.

"Para-paraan ang iba d'yan. Ke aga aga eh," pahaging ko kay Troy na natatawa.

"Ipagpatuloy mo lang yan sweetypie. Palibhasa naiinggit lang yan dahil hindi pa siya nakakahawak kay Zairone," nang aasar na sabi ni Faye.

"Hoy anong problema niyo ha? May morning spoiler kayo," nakanguso kong sabi sa kanila saka binuksan na lang ang bag ko.

Namilog ang mga mata ko nang mapansing hindi ko na naman dala ang Physics na libro ko. Waaaah.

"Oh bakit?" puna sa akin ni Troy nang mapansing nakatingin pa rin ako sa laman ng bag ko.

Chasing Mr. Z Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon